Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Sinabi ko kanina na iiwasan ko si Soren dahil masyadong pamilyar ang aura niya sa akin na nagiging dahilan kung bakit naaalala ko ang nakaraan ko bilang si Luna ng Earth. Pero bakit parang pinaglalaruan yata ako ng tadhana? Ah, hindi ang tadhana ang may kasalanan kung bakit kasama namin ni Alicia si Soren at ngayon nga ay kasalong kumain. Si Chein Nomi ang may kasalanan. Siya ang nag-aya dito na sumabay na sa aming kumain kahit hindi naman kami close. At dahil nakakahiya kung hindi ako papayag ay hinayaan ko nalang. Ah! Kung pwede ko lang batukan si Chein. “So? Kamusta ang unang araw nyo bilang mga adventurer?” tanong ni Chein. “Did you enjoy it?” “Enjoy sana kung walang leon na biglang susulpot sa liku

