Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “L-Luna,” tawag sa akin ni Kronen, o dapat yata ay tawagin ko na siya sa tunay niyang pangalan since tinatawag niya din ako sa tunay kong pangalan. “Rin.” Nilapitan ko siya at naupo sa gilid ng kamang kinahihigaan niya. “Kamusta ang pakiramdam mo?” “I-I’m fine,” aniya at nagpilit na bumangon. Inalalayan ko siyang makabangon at nang nakaupo na siya ay inabutan ko siya ng tubig na agad naman niyang ininom. “Are you sure?” Tumango siya at ibinalik sa akin ang baso pagkuwa’y tumingin sa akin. “Then? Will you explain everything to me? Alam kong alaala ko ang mga pumasok sa isip ko kanina lamang pero hindi ko maintindihan--” Huminga muna ako ng malalim pagkuwa’y sinimulang ipaliwanag sa kanya ang lahat. Alam

