Sienna Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s Queen) Masaya akong pinagmamasdan ang aking anak nang tanggapin niya ang medalya bilang pagkilala sa kanyang nagawang pagpigil sa tangkang panggugulo sa aming kaharian. Hindi ko akalain na sa kabila ng kanyang pagiging duwa at mahina noon na walang ibang ginusto kundi ang magkulong lamang sa loob ng tore ay siya palang magiging tagapangalaga ng aming kaharian. “Hindi ko akalain na ganito na kalaki ang ipinagbago ni Sina.” sambit ng inang reyna na tulad ko ay nababakasan din ng labis na kasiyahan habang nakatingin sa kanyang apo. “At alam kong hindi tama pero parang napabuti pa sa kanya ang pagharap niya sa muntik na kamatayan.” Hindi ko din maiwasang maisip ang bagay na iyon. Sobran laki kasi talaga ng pinagbago ng aking anak. A

