Kronen Shah’s Pov (Aquamarine Kingdom’s First Prince) Dalawang araw na ang nakakalipas ngunit wala pa ding malay si Luna at hindi na namin alam kung ano ba ang dapat gawin upang magising siya. Sinabi naman ni Alicia na wala ng problema sa kanyang katawan. Mabilis na naghihilom ang kanyang mga sugat at pasa. Pinatingnan na din namin siya sa doctor ng Aikalin Village na kinalalagyan namin ngayon at wala din itong nakitang kahit anong problema sa kanya. At sinabihan lang kami nito na hayaang magpahinga si Luna dahil hindi din biro ang kanyang mga natamong sugat at pasa. Pero dalawang araw na ang nakalipas. Nang araw na iyon kasi, malapit ko nang makumpleto ang water portal na gagamitin sana namin upang makabalik sa tunnel ng Mizuki Village kung saan nagpaiwan si Luna n

