Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. At hindi ko din maintindihan kung ano ang nangyayari. Iyong bond thread kasi na inimagine ko kanina na nakakabit sa akin at sa isang black lion na siyang pinakamalapit sa amin kanina ay biglang dumami at ang lahat ng kabilang dulo nito ay nakadikit sa halos kalahating black lions. At ngayon ay nagwawala ang mga ito ngunit wala itong inaatake na kahit sino dahil pinipilit nitong makawala sa kontrol ng lalaking iyon. And they are inflicting self-harm na tingin ko ay paraan nila upang makawala at maging malayang muli At sinamantala naman iyon ng ibang adventurers. Nilagpasan nila ang mga nagwawala at ang tanging nilalabanan lang nila ay ang mga sumasalakay sa kanila. Nakita ko di

