Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Araw ng activity at lahat kaming mga kalahok para dito ay narito na sa loob ng maze. May kanya-kanya na kaming base dito at kung hindi ako nagkakamali, nasa pinakagitna nitong maze ang pwesto namin ni Soren. "Sigurado ka bang kakayanin mo ang mga yun?" tanong ni Soren habang inaayos ang white jacket na ipinasuot ko sa kanya. Buo na ang plano ko at napag-usapan na namin iyon kanina pa. "Mas mabuti kung susunod ka nalang sa plano ko kung ayaw mong masaktan ka pa. Protektahan mo yang pin mo dahil 500 points din yan at magiging counted yan sa points natin kapag natapos itong laro na nasa atin pa din ang mga pins at flag natin." Ang flag kasi ay may five hundred points habang ang mga pin naman ay may total one thousand poin

