Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Hindi maganda ang pakiramdam ko nang magising ako kaya naman tahimik lang akong nag-almusal at nang magpatuloy kami sa paglalakbay ay nakahiga lang ako sa isang gilid. Wala ako sa mood makipag-usap dahil hanggang ngayon ay pina-process pa din ng utak ko ang mga nalaman ko kagabi mula kay Kronen. Ang dami kasi eh. Mula sa katotohanang hindi aksidente ang pagkakapunta ko sa mundong ito. Hindi ko kasama si Alice na na-reincarnate sa mundong ito. Planado na ni Sina ang magiging buhay ko dito. At ang pinakahuli ay ang pagpili sa kung dapat ko bang kunin ang alaala ni Sina na inalis niya sa sarili. May mga bagay pa kasi akong hindi nalalaman at malakas ang loob ko na sa mga memoryang iyon nagtatago ang sagot sa mga tanong ko

