Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “May lead ka na ba?” tanong ko sa kanya matapos niyang sabihin na dito sa kaharian namin niya hinahanap ang nilalang na siyang pumatay sa kanyang ina. Umiling siya. “Ang paninirahan lang niya sa kahariang ito ang tanging aking nalalaman.” “So? Paano mo malalaman kung ang nilalang na iyong makakaharap ay ang pumaslang sa iyong ina?” tanong kong muli. Itinuro niya ang kanyang kaliwang mata. “Mayroon siyang malaking pekat dito.” Itinuro din niya ang batok. “At may marka siya ng tourmaline stone na siyang pagkakakilanlan na isa siyang mamamayan ng aming kaharian.” Kumunot ang noo ko. “Hindi ba’t tanging mga royal at noble beings lang ang may marka ng batong nagre-representa ng kahariang kinabibilangan nito?” sabi ko. “

