Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Nakahanda na ang lahat at nandito na sa tarangkahan ng kaharian. Hinihintay na lang namin si Alicia dahil siya lang daw ang makakapagsabi kung nasaan ang kumuha ng roho na siyang may kakayahan na kontrolin ang maraming black lion. Ang sabi kasi nila, maaaring magamit ng kahit sino ang kapangyarihan ng roho ng isang Hunter’s Moon kaya ganoon nalang ang pag-iingat nila sa mga ito lalo pa’t marami talaga ang naghahangad sa mga malakas na kapangyarihang hawak nito. At may kakayahan naman ang sealer na tulad ni Alicia na i-locate ang anumang roho na kanilang na-seal. Kaya din nilang maramdaman kung sakaling mawala ang seal na kanilang inilagay dito. “Hey, rookie.” Bumaling ako sa isang babae na lumapit sa akin. “Are you goi

