Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “Are you okay?” tanong ni Kronen. “Anong nangyari sa inyo ni Marionette? Bakit ang sabi ni Addielle ay nawala ito pansamantala sa katawan niya?” Hindi ako sumagot at tumitig lang sa kanya. “Luna!” “Who are you?” Natigilan siya at kumunot ang noo. “A-anong ibig mong sabihin?” “Hindi ka ba talaga aware sa kung ano ang tunay mong katauhan?” “Katauhan?” Bakas ang matinding pagkalito sa kanyang mga mata. “I don’t understand. Ano bang sinasabi mo?” Bumuntong hininga ako pagkuwa’y ipinatong ang kamay ko sa ulo niya at pinagdikit ang mga noo namin. “Don’t mind that.” “You are saying something, Luna.” “Yes, but it is not that important,” sabi ko pagkuwa’y hinalikan ang kanyang noo. “Let’s just calm down,

