Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Ah! Gusto kong sumigaw dahil sa matinding inis na nararamdaman ko pero nahihiya akong istorbohin ang mga kasama kong mahimbing nang natutulog. Malalim na kasi ang gabi nang makalabas kami sa border ng Diamond Kingdom at Tourmaline Kingdom kaya naman nagdesisyon na ang lahat na magpahinga muna. Hindi pa din naman namin nakausap si Kronen paggising niya dahil siya ang naghanda ng makakain namin at nang matapos ay agad na ding nakaramdam ng pagod ang lahat. Hindi naman kami nababahala sa kaligtasan namin dito kahit mahimbing ang aming tulog dahil sa barrier na inilagay ni Alicia sa paligid. Pero dahil sa huling sinabi ni Sage kanina, hindi ako makatulog. Nasabi ko nang walang hiya si Sina, hindi ba? Ngayon, so

