Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Madali lang naman ang unang quest na aming kinuha at wala kaming kailangang kalabanin na monster dahil pang-rank E adventurer lang ito. Kaya naman nang dumating kami ni Alicia sa Rocky Village na hindi naman ganoon kalayo sa main city ng Diamond Kingdom ay agad na kaming nagtrabaho. Ang parteng ito ng kaharian ay pagmimina ang unang pinagkukunan ng kanilang kabuhayan. Marami kasing mahahalagang bato ang dito nakukuha kasama na din doon ang ilang shining stone na siyang main core ng mga mechanism na ginagawa nila dito. And last week lang ay gumuho ang isang minahan dito at eksakto pang nasira ang kanilang mga equipment upang alisin ang mga naglalakihang bato na humaharang sa b****a nito. May mga minero pa kasing na

