Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Idinilat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang maliwanag na buwan na matagal-tagal ko din yatang hindi nakita. Pero bakit parang pamilyar sa akin ang tanawing ito? "Luna!" Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Alice. Oh god! Alam kong isa lamang itong panaginip pero bakit kailangang muli kong masaksihan ang pangyayaring ito? Bakit kailangan kong ulit-uliting makita ang eksenang ito sa buhay ko noon? Tumayo ako at agad syang sinalubong nang makita ang matinding takot sa kanyang mukha. "What happen?" Niyakap nya ako ng mahigpit at ramdam ko ang panginginig ng katawan nya. "L-Luna... Luna..." "Ano bang nangyari? Bakit takot na takot ka?" Kung alam ko lang. Kung alam

