“Sa BISIG ng KAPRE”
(By: themintyheart)
Fiction
Disclaimer: Ang kwentong ito bagaman kathang isip lamang ay nabuo ayon sa mga tunay na karanasan ng mga totoong tao. Kung may kahalintulad man itong pangyayari, pangalan at lugar ay di sinasadya. Naglalaman din ito ng maseselang detalye ng p********k. Paumanhin po sa mga mambabasa. Ang “Sa Bisig ng Kapre” ay unang nailathala sa ilang blog sa ilalim ng luma kong account (thelustprince) mga taong 2012. Please practice safe s*x guys! All rights reserved. nicolo69@gmail.com
*****
Tinanghali ng gising si Toper at Andoy, hindi sila nakatulog ng maayos dahil sa magdamag nilang kwentuhan at harutan. Madami kasing laktaw ang kanilang pagsasamang magkaibigan kung kaya halos bawal matulog tuwing sila ay magkikita.
Ngayong lang sila nahuli sa pagtitipon, parehas nag-aalala dahil tiyak madami na ang naghahanap sa kanila. Ngunit wala silang kibuan, ni hindi makuhang tumitig sa isa’t isa.
Tuloy lang sa pagmamaneho ni Toper ng kanyang jeep, si Andoy naman ay sa mga pilapil ng mahabang bukirin nakatinigin. May tampuhang namamagitan sa kanilang dalawa.
Tumunog ang kanyang beeper, secretarya nya ang nagbeep, ilang araw nalang kasi ay matatapos na ang kanyang leave at nagpapaalala na ito sa mga magiging appointments nya sa oras na matapos ang kanyang bakasyon.
Pagkatapos basahin ay pinatay nya na ang beeper.
Malayo palang ay natatanaw na nila ang pagtitipon. Kung titngnan sa malayo ay parang isang masayang pista ang tanawin sa harap ng kapitolyo, napakadami ring mga tao ang nagkakatipon sa labas ng napakalaking gate na bakal.
Mga kabataan, matanda, babae at lalake. Sari-saring kulay ang mga telang kanilang bitbit at itinataas, may mga nakakatuwang drawing at titik.
Naghihiyawan at nagpapalakpakan ang mga tao na parang may kung anong palabas ang kanilang pinapanood sa loob ng malawak na bakuran ng kapitolyo.
“Kaya pala ni ayaw mo magpahawak sakin kagabi, kasi nadiligan ka na ng Gelo mo, nasarapan ka ba?" Sarkastikong boses ni Toper.
"Pinatirik nya din ba ang mga mata mo gaya ng ginagawa ko sayo?” Dagdag na usig pa nito. Sandali niya pang nilingon muna si Andoy. Tyempo sa pagkakasabi nyang tumirik ang mata.
"Uhmp... Eto na ka naman eeeh...!" Kutos ni Andoy kay Toper. Nataranta pa sa manibela.
"Aruuuy...!" Yan ang pinantira mo sakin...!?" Kamot-kamot niya ang kirot sa ulong tinamaan ng kutos. Napakunot ang noo nang makitang hawak nito ang wrench.
"Kakalat-kalat eh... Naupuan ko... Masakit... Pakaburara...!!?" .
"Uuuuy... masakit pa ba...?" Pangungulit pa ni Toper. Sabay napailag ng biglaang ambahan ulit siya ng hampas sa ulo ni Andoy.
“Alam mo kung di mo rin lang alam ang sinasabi mo... Mag drive ka na lang...!"
"Okay na kanina eh.. Tahimik lang... Kung makasabi kang mga ginagawa mo sa kin...!??"
"Bakit ilang beses lang ba yun dalawa...? Tatlo...? Eh wala naman yun...!” Nakairap ngunit nakatingin lang sa bukid si Andoy.
“Sagutin mo na lang ang tanong ko...! Oo o hindeee...!” Medyo tumaas ang boses ni Toper. Pigil ang galit.
“Tama na Toper, may importante pa tayong dapat gawin...” Pigil ding tugon ni Andoy habang bumaling na sya ng tingin sa mukha ng kausap.
“Please naman Andrew…” biglang iginilid ni Toper ang sasakyan at huminto sa ilalim ng dalawang puno sa tabi ng daan.
Pasubsob sa manibelang humagulgol si Toper. Alam ni Andoy na kapag tinawag sya nito ng buong pangalan ay nangangailangan na nga ito ng kalinga at pansin.
Natatawa naman sa sarili si Andoy dahil napakalaking bakulaw na nito para ngumalngal.
Tandang tanda nya dati nung nag-away silang dalawa tungkol sa holen na nawawala. Pinagbintangan nya si Toper na kumuha nito. Mainitang pag-aaway yun. Suntukan silang dalawa. Nag gulungan sila lupa.
Hndi sila maawat ni aling Luring hanggang sa magkasugat-sugat si Toper sa mga suntok at kalmot ni Andoy.
Malakas si Toper sumuntok, minsan na din nyang nakita kung paano magdugo ang bibig nung nakasuntukan nitong kaklase na umaway sa kanya dahil din sa holen. Higit na mas malaki ito sa kanila. Bagamat nahirapan ay napatumba naman ito.
Sobrang saya ni Andoy na lagi ay kaya siyang ipagtanggol palagi ni Toper.
Pero di pa din nagawang suntukin ni Toper ng malakas si Andoy kahit pa seryosong bintang na ang pinupukol sa kanya. Itinulak nalang sya ng malakas ni Toper para hindi na sila magkasakitang dalawa.
Natauhan nalang ito nung magsalita si Toper “Andrew wala sa akin, hindi ako ang kumuha ng holen mo…”
Kitang kita din noon ni Andoy ang sinseridad sa mukha ni Toper, pilit pinapahinahon ang boses na nagpapaliwanag sa kanya. Kita nya din kung paano ikuyom ni Toper ang kanyang kamao.
Pinipigil na padapuan ang kanyang mukha o anumang bahagi ng kanyang katawan ng kanyang suntok. Duon nya nadama kung gaano kalaki ang pagmamahal sa kanya ng kababata at matalik na kaibigan.
“Oo na! Sige na! Oo!"
Napa angat ng ulo si Toper. Humihikbing napalingon sa kanan niya..
"Pinatirik nya ang mga mata ko sa sarap...!" Dugtong pa ni Andoy.
Kumunot ang ang noo ni Toper habang nakatitig. Parang nakita niyang kinikilig si Andoy habang nagkukuwento.
"Todong-todo ang sarap...!” Sarkastikong bulyaw nito sa harap ng pagluha ni Toper.
Dito nakita ni Toper paano at gaano pamulahan ng pisngi si Andoy.
“At alam mo yung nagawa kong magpaangkin sa kanya… sa buong magdamag...” Pagtatapos ni Andoy.
"Huwaaaaaaahhhh.... Aaaaaaaaaahhhh... Waaaaaaaaaahhh...!!!" Palahaw ni iyak ni Toper habang napayukyok muli sa manibela.
"Hala... Sorry Toper... Di ko sinasadya... Sabi mo magkuwento ako...?" Panunuyo ni Andoy habang hinahaplos ang likod nito.
"Tangina oo o hindi lang eh... Waaaaaahhh...!"
Natutop ang bibig ni Andoy. Nasanay kasi siyang ngkukuwento ng masasayang ganap sa buhay niya sa kaibigan.
"Eh ksalanan mo naman yan...! Sinanay mo ko magkwento ng lahat-lahat...!"
Biglang tumigil sa paghikbi ni Toper, natauhan at lumingon kay Andoy waring hinahanap ang katotohanan sa mukha ng kausap. Nakita naman ito ni Andoy. Mabuti na rin niyang malaman ang lahat.
"Oo ngaaaaaaa...! Kakulet natin aaah...! Siya ang mahal ko dibaaa...!?" Pandidilat pa ni Andoy.
Kitang kita niya ang pamumula ng mga matang namumungay sa lungkot at basang basa ng luha ang kanyang mga pisngi. Kung tutuusin mas lamang si Toper kesa kay Gelo pagdating sa ganda ng mata.
Nang biglang umumang na parang nagpapana si Toper upang punasan ang tumutulong uhog nito dulot ng pag-iyak.
“Yuck! ‘till now ganyan ka padin magpahid ng uhog mo!” ang pandidiri ni Andoy.
”Hallika nga dito...! Tangina namang bakulaw toh...! Alam ba ng gf mo yang kababuyan mo...? Eeeewrh...!” wala na ang inis at malambing nyang niyakap si Toper at hinpalos-haplos nito ang kanyang buhok. Malagkit. Nasobrahan ng gel.
Dumukot si Andoy sa kanyang sling bag. Hinugot niya ang wet wipes.
"Pang pwet ng bata yan aaah...!" reklamo ni Toper.
"Wag kang maarte katulad na din ng mukha mo ang pwet ng sangol dahil dugyot ka sa uhog...!" Asik ni Andoy.
Pinunasan niya kanyang mukha nito pati na ang brasong nabahiran ng uhog. Humilig namang parang bata si Toper sa balikat ni Andoy habang nililinisan siya nito.
"Tangina kalaki-laking tao... Mas isip bata ka pa sa isip bata...! Buti natatagalan ka ng gf mo...!" Panenermon pa ni Toper.
Kahit mas malaking tao si Toper sa kanilang apat ay malambot naman ito pagdating sa usapang pag-ibig.
“Pero alam mo best, kahit pinatirik ni Gelo ang mga mata ko ng todo-todo, ikaw naman pinapanginig mo ang buo kong katawan pag dinadala mo ako sa rurok ng ligaya…” Ngiting pang-uuto ni Andoy kay Toper.
Umangat ng ulo si Toper mula sa balikat ni Andoy at sinalubong naman ito ng mainit na halik sa labi nito.
“Bolahin mo na lahat ng kalabaw... Eh kahit naman sino nanginginig ang katawan kapag nilalabasan sa kalibugan e...!”
“Bastos talaga yang bibig mo... ! Ewan ko sayo...!” Maktol ni Andoy. Pinupunasan na niya ngayon ng kanyang panyo ang mukha ni Toper upang matuyo basang iniwan ng wet wipes.
Inilabas naman niya ang polbo sa kanyang bag at nilagyan ang mukha ni Toper pati ang leeg nito.
"Tangina daig ko pa may anak na autistic neto ah...! Buti pa nga sila alam mag linis ng sariling katawan..." Biro ni Andoy.
"Oh wag na... gagawin-gawin mo tapos puro ka reklamo...!" Asik naman ni Toper.
"Ayaw ko lang may dugyot na katabi mamaya..!" Asar na sagot ni Andoy sabay kutos kay Toper na napaaray.
May dinukot ulit sa bag si Andoy at pinasabugan si Toper ng cologne sa leeg at dibdib. Parehas na sila ng amoy.
"Daming laman ng bag ah...? Ano pa meron diyan...? Condom... Pampadulas... Seks toy...!?"
"Uhmm...!" Kutos muli ni Andoy. Kumamot ulit si Toper sa tinamaan ng kutos.
"Ayan...! Amoy at mukhang tao ka na...! Wag ka lang ngangawa... Kalabaw ka...! Parehas kayo ni Edong...!"
"Bakit mo na naman nabanggit ang mokong na yun...?" Kunot noo ni Toper.
"Oh... Apektado...!?" Panunukso ni Andoy.
"Eh diba...? Ikaw iyak kalabaw... Si Edong ungol baka pag nilalabasan... Parehas pa kayo kasinglalaki ng mga hayop na nabanggit... hahaha!!!" Dagdag na pang-aasar pa nito.
"Teka... parang bagay nga kayong dalawa... ! Hahaha...!!!" Tinitigan siya ng masama ni Toper.
Si Andoy naman ang napakamot ng ulo. Nabatukan ni Toper. Pero nag iba ang timpla ng mukha. Natigilan tila naapektuhan sa sinabi ni Andoy.
“Pero tanggap ko na mas mahal mo si Gelo kesa sakin…” Pag iwas ni Toper.
“Nag-uumpisa ka na naman Toper ha...!!??” Napipikong reklamo ni Andoy. Pero kinikilig.
“Mamyang gabi, Dadaanin na kita sa dahas. Ngayon pang sinabi mong pinatirik ang mga mata mo ng Gelong yun...! Mas magaling ako dun...!!” sabay tapak sa silinyador at sumikad ang kanyang owner-type jeep.
“Aaay putaaah! Dahan-dahan naman Toper...! Inaantay pa ko ni Gelo sa Maynila...!” Pang-iinis pa ni Andoy kay Toper.
Laong sumikad ang jeep. Ngising aso si Toper habang binabasa ng dila ang kanyang mga labi.
Ang totoo nito ay malibog lang talaga si Toper. Yung tipong hindi titigil hanggat hindi napagbibigyan. Kilalang kilala na ni Andoy ang best friend nya.
*****
“Fufuuuh, naku fufuh... Mabuti nalang at dumating na kayo... Bakit naantala kayo.?” Ang pahingal na tanong ng napakagandang babae pagkatapos humalik sa labi ni Toper na nagkakamot ng ulo.
“Hay naku Armie, as usual, umiral na naman ang kakuparan ng pupu mo!"
"E kundi ko pa sinabuyan ng tubig ang kumag e baka naghihilik pa hanggang ngayon yan...!!!” Ngiting asong pukol ni Andoy kay Toper habang humahalik sa pisngi ang babae.
"Teka... Bakit parehas kayo ng cologne...!?" Nakataas na kilay ni Armie.
"Ha...? Nabato ko kasi siya ng cologne kanina... Namimikon eh...!?" Maangann ni Andoy.
"Kahit kelan ka talaga fufu...!" Baling ito kay Toper na tatawa-tawa lang.
"Ewan ko nga... Sobra talaga ang pupu mo na yan...!!!" Gatong pa ni Andoy.
Napaisip naman si Andoy kung bakit niya pa naisipang lagyan ng cologne ang kaibigan. Baka maging dahilan pa ng duda ni Armie gayong wala naman talaga silang relasyon liban lang sa kalibogan nila.
Naging kaklase ni Toper sa university si Armie kung saan sabay din sila nag garaduate. Parehas sila ng course pero suma c*m laude si Armilda Henson.
Ngayon ay kumukuha ito ng specialization sa isang sikat na University sa Manila ng Environmental Engineering. Kaya siguro nagkasundo ang dalawa dahil sa iisa ang kanilang interes.
Sobrang sipag na agricultural consultant ng isang malaking Kumpanyang may taniman ng mangang pang export sa kabilang baryo. Isa ring siyang matapang na environmental activist. Suporta lang sa kanya si Toper.
Hindi naman aktibista si Andoy ngunit kailangan rin niyang sumuporta sa rally na inorganisa ng mga kasamahan ni Armie. Lahat sila na hindi lalagpas sa dalawandaan ay nakatayo sa harap ng napakataas na bakal na gate ng Kapitolyo.
“Excuse me Andres...! Its fufuh not pupu...!” Ang pairap ni Armie kay Andoy. Nakagaaanang loob nya na din kasi ang babae dahil sa galing nito makipag-usap dahil likas na talino at lambing to. Medyo nahawa lang kay Toper kapag pikon, nakiki Andres.
“Ahm ok, sige na fufuh na kung pupuh!” Ang biro pa ding sagot ni Andoy kay Armie
“Ano kayo hayskul...!?” Sarkastikon gdugtong pa nito.
Madami pa sana syang sasabihing pang asar ng bigla syang napatigil. Pinandidilatan sya nito. May inginuso sa likuran.
“Hindi ikaw ang gusto naming makausap! Nasan si governor, sya ang gusto naming makaharap!” Halos sabay silang tatlong napalingon.
Sa hanay nila nangaling ang sigaw. Kilala ni Armie ang lalaki. Isa sa mga lider ng rally. Kaharap nito ay isang nakabarong na lalaki sa loob naman ng harapang gate ng kapitolyo.
Sinigundahan naman ng iba pang mga nagrarally. Hanggang sa lumakas na ang sigawan. Napaatras naman sa takot pabalik sa loob ng gusali ang inatasang tagapagsalita ng gubernador.
“That’s what I’m trying to tell you fufuh. Antayin nalang daw natin ang hearing dahil nasa provincial court na daw ito. Magpapatawag daw si gov ng press conference bago ang hearing” Ang nasabi nalang ni Armie.
Nag-umpisa kasing laboratory lang at hindi factory ng semento ang isang one-storey building na yun kaya pinayagan ng kapitolyo. Sa hindi malamang dahilan ay naging two-storey na at lumapad ang gusali.
Nagmistula na itong industrial complex at naging sentro ng produksyon ng commercial cement. Hinihinalang pagmamay-ari ito ng isa sa pinakamayamang negosyante sa Pilipinas at Asya.
Ngayon ay may plano pang magpagawa ng bagong gusali para sa pag iimbakan naman ng mga heavy construction equipment at production din ng spare parts nito.
Kung kaya inumpisahan nang patagin ang lupa at putulin ang mga puno ng mangang sakop ng lupang kaduda-duda ang pagkakabili. Kasama dito ang pagpatay sa ilog na nagsisillbing irigasyon din ng malalawak na bukirin na nasa b****a ng gubat.
Dito na umalma ang mga tao. Malayo sa kabahayan ang planta ay madami namang mga alagang hayop ang nalalason dahil lahat yun ay umaasa sa tubig ng ilog sa kanilang pag-inom.
Umaabot din sa bukanang mga baryo ang hanging may dalang lason kung kaya madami nang mga bata ang nagkakasakit sa baga dagdag pa ang mga tumutubong sakit sa balat.
Kahit mga matatanda ay apektado na din lalo na ang may mga mahihina ang resistensya. Pero wala silang magawa dahil pag-aari ng probinsyal capitol ang lupain kung kaya malayang naipagbili ito sa isang mayamang korporasyon.
Sakop sa naipagbili ang paraiso nila Andoy at mga kaibigan ang kinatatampukan ng bisig ng kapre.
Ika-siyam na buwan na ng kanilang mainit na protesta, ngunit wala pa din silang makuhang sagot sa nagbibingi-bingihang gubernador. Anim na ang namamatay sa kanilang bayan sa sakit, matatanda at mga bata.
Kumpleto ang mga dokumentong hawak nila Armie. Listahan ito ng mga datos at mga biktima na direktang nag-uugnay sa kapaayaan ng kumpanya.
Tumitindi na ang galit ng mga raliyista. Pilit na niyuyugyog ng mga tao at halos magiba na ang higanteng bakal na gate. Nakaalerto naman ang mga kapulisang kontrolado ng gubernador.
Pumagitna na si Toper at gamit ang megaphone ay sinabihang huminahon muna at madadaan ang lahat sa legal na paraan at mahinahong usapan. Ngunit umalma ang isang babae,
"Mabagal ang proseso na yan, dapat ngayon din ay bawiin ng konseho ang kontrata ng planta!" Sigaw ng isa pa.
Kailangang umalis na sila sa lalong madaling panahon bago tayo maubos ng lason!" Sinang ayunan naman ng isang lalake
Hanggang sa muling lumakas ang sigawan ng mga raliyista. Lumalakas din ang puwersa nilang niyuyugyog ang gate.
May isang nangahas na sumampa ng bakod. Pinigilan ito ng mga pulis. Itinutulak ito ng mga batuta at hinampas sa kamay ng isa. Bumagsak ang lalaki sa lupa.
May ganti agad ito ng malaking bato. Tumama sa mukha ng isa sa mga pulis. Dito na uminit ang kaguluhan. Namukpok na ang mga pulis ng kanilang batuta mula sa loob ng gate. Hinahataw ang mga kamay ng raliyista na nakakunyapit sa rehas ng bakal na gate.
Puwerahang itinataboy. Gumanti ang mga nagra-rally. Nagliparan ang mga bato at kung ano-anong mga bagay na maarng ibato.
Sa bandang likod ng mansyon ay lumabas naman ang ilang pangkat ng kapulisan upang atakehin mula sa likod ang mga nagkuumpulang raliyista sa main gate.
Nakita na ito ni Andoy kung kaya sinunggaban na niya si Armie upang mailayo sa kaguluhan. Pinilit din niyang senyasan si Toper na abala sa pag awat sa mga tao ngunit hindi niya siya nakikita. Patuloy lang ito sa pag awat gamit ang megaphone.
Pinilit ni Andoy na makatagos sa mga nagrarally. Nababalya man ay tiniis niya ito at yakap-yakap na inalalayan ang babae sa pagtagos sa mga taong nagkakagulo. Kusa namang may lumapit na babae at lalaki, tinulungan silang makalayo.
Kasama ng ilang babaeng raliyista ay nailayo ng kaunti ni Andoy si Arnie sa isang upuang bato sa plasa bahagidin ng kapitolyo. May mga kublihan ding mataas at makapal na halaman.
Nilingon ni Andoy ang lugar ng rally. Nakita pa niya ang paglapit ng mga pulis na nanggaling sa likod na gate ng Kapitolyo. Madami pala sila. Madaming-madami. Napansin ni Andoy na may tumutulong dugo sa ulo ni Armie patungo sa mata nito.
Bigla ay may umalingawngaw na putok, galing sa baril, at sinundan ito ng isa pa, at isa pa, hanggang sa hindi na mabilang na mga putok. Kasunod nito ang mga nakakabinging hiyawan ng mga tao habang nagtatakbuhan.
Nagkumubli naman si Andoy at Armie sa likod ng sirang truck upang umiwas sa mga nagliliparang punglo.
Umaalimbukay ang alikabok dulot ng malakas na hanging humampas sa lugar ng kaguluhan. Tila nakikisali ito sa gulong nagaganap. Dehado ang mga raliyista naka gas mask ang mga pulis. Ang alikabok pala ay nilahukan pa ng mga tear gas.
Maingat na lumabas sandali si Andoy sa pinagkukublihan. Mahapdi rin ang mga mata. Pilit na inaaninag ang kinaroroonan ni Toper. Wala syang makita sa kapal ng alikabok at usok.
Muli nyang binalikan si Armie na binibigyan naman ng first aid ng isang lalaking may mabuting kalooban.
Muling sumilip si Andoy pero hindi na iniwan si Armie. Patuloy parin ang hiyawan ng mga taong nagtatakbuhan patungo sa kung saan.
Unti-unting humupa ang alimbukaw ng alikabok, ang makapal na usok ng tear gas. Luminaw ang paligid.
Hanggang sa halos wala nang tao sa harap ng gate. Mga pulis na lamang na isa-isang inaakay ang mga sugatan. Napamulagat si Andoy. Kinabahan. Nakita nya ang isang lalaking nakahandusay malapit sa gate. Doon nakatayo si Toper bago nagkagulo.
Tinakbo niya ito. Nakadapa. Hindi kumikilos. Naliligo sa sariling dugo.
“Topeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeerrrr...!!!”
*****
Itutuloy...