Weeks passed after that encounter with Miguel. We didn't see each other again after that. Mabuti na rin 'yon. It's not like we wanted to meet again either. Pareho naming ayaw sa isa't isa. "So, magdi-divorce nga ang parents mo?" Craige asked. I'm here in his apartment. Kumakain kami ng niluto niya. Dahil mag-isa lang naman siya sa apartment niya, rito na lang kami. Kaysa roon sa bahay. Naaalala ko lang palagi 'yong pinag-usapan namin ni Dad noong isang araw. "I think so. I don't care either way," pagsisinungaling ko. "Hahanap na ako ng matitirhan. I can be independent now since I have my own job." Kaya lang naman ako nakatira doon sa bahay ay dahil walang tao roon at nakiusap sa akin si Ate na huwag ko raw iwan si Mommy and Daddy dahil nga raw wala na silang kasama bukod sa mga katulong

