"That's good because I love dangerous things," I said that but why the hell did that words come out of my mouth?! Damn it. Paggising ko kinabukasan, nakatanggap ako ng text galing sa office ng University, saying that photography club has a project. Tinawagan ko naman kaagad si Fritzie dahil sa labas ng University 'yon gagawin. "Sorry! Tadtad ako ng activities ngayon! Si Craige na lang," sagot kaagad ni Fritzie nang sabihin ko sa kaniya na kailangan niya akong samahan kumuha ng pictures sa orphanage kung saan nagdo-donate ang Dobrean University--which is our school. Tumawag naman ako kay Craige pero nang sinagot niya ay halatang hindi pa ito bumabangon. "Puwede mo ba akong samahan sa project ng club natin ngayon?" He sighed. "Actually, hindi ako papasok ngayon kasi may sakit ako. Sorry,

