"Blair!" Biglang nagtatakbo si Fritzie palapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit kaya napalingon sa amin ang ibang mga estudyanteng dumaraan sa hallway. Today's the first day of our college life. Kinakabahan ako dahil naninibago ako. "Sabay pa rin tayong kakain ng lunch kapag nagsabay ang schedule natin, a? Huwag mo akong kalilimutan--" Binatukan ko siya at kaagad naman siyang nagreklamo. "Alam mo, Fritzie, magkatabi lang ang room natin! Huwag kang tanga!" "E, kasi naman! Bakit ba kasi magkaiba tayo ng gustong career?" Umarte siya na para bang umiiyak. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya mahiwalay sa akin. Todo kapit pa siya sa braso ko habang tinitingnan namin ang teachers and rooms namin for the first semester. Nasa harap kami ng bulletin board. "Hello, girls!" Sabay kaming napalin

