Kinabukasan, hinintay ko ang sasakyan nila Rhaven na dumating. Nasanay na rin ako na sabay kaming pumapasok kaya hindi na ako sumasabay kila Mommy kapag pumapasok sila sa trabaho.
Ilang minuto lang ay nakita ko na ang pamilyar na sasakyan nila Rhaven. Huminto ito sa harap ko at binuksan ko na ang pinto ng backseat. Nagulat ako nang makita ko roon si Raziel. Nakatingin siya sa akin na para bang walang nangyari at ako lang 'yong na-bother sa nangyari kahapon.
I shook my head to wash away that memory. "G-Good morning," bati ko sa kaniya. Tumango lang siya at nag-focus na sa hawak niyang mobile phone. Si Rhaven naman ay nilingon ako at ginulo ang buhok ko. "Ano ba!" Hinampas ko siya ng hawak kong libro. Ang tagal kong inayos 'yong buhok ko pero ginulo lang niya 'yon. Nakakainis!
"Masyado ka kasing maganda," pabiro niyang sabi at hindi na ulit ako nilingon. Pakiramdam ko ang pula-pula ko na dahil sa sinabi niya. Tumingin na lang ako sa labas para hindi ako mahalata.
Nang makarating kami sa harap ng school ni Raziel, lumingon ulit sa backseat si Rhaven para magpaalam sa kapatid. "Magpakabait ka at huwag mang-bully, naiintindihan mo? Isusumbong kita kila Mom--"
"Yeah, right." Binuksan ni Raziel yong pinto ng backseat at tinitigan ako bago marahas na sinara 'yon. I flinched because it was sudden. Ganoon ba siya kawalang respeto sa kapatid niya?
"Pagpasensyahan mo na 'yong kapatid ko, nasanay kasi sa States kaya ganiyan," sabi sa akin ni Rhaven. Mula sa backseat, nakikita ko sa gilid na nagtitipa sa kaniyang cellphone si Rhaven na parang may ka-text siya. Medyo malabo ang mata ko kaya hindi ko 'yon masyadong makita.
"Sinong ka-text mo? Mommy mo?" I asked out of nowhere. Natigilan ako nang kaagad niya 'yong itinago sa bulsa niya at bahagyang lumingon sa akin.
"Wala 'yon."
-----------------
Wala 'yon. 'Yon ang sinabi niya, pero bakit pakiramdam ko, hindi 'yon wala lang? Buong araw, iniisip ko ;yon kaya hindi ako masyadong nakakinig sa lectures. Napagalitan pa ako ng History teacher namin na si Ms. Alvarez dahil hindi raw ako nakikinig at hindi nakasagot sa recitation.
"Okay ka lang, Blair?" tanong ni Fritzie habang naglalakad kami papunta sa cafeteria ng campus, she's one of my classmates that became my close friend.
"Oo naman, bakit naman hindi ako magiging okay?" I slightly chuckled. May sasabihin pa sana siya nang tumunog 'yong phone ko.
From: Rhaven
Hey, hindi ako makapupunta sa quadrangle, may emergency lang sa student council. Eat without me. Bawi na lang ako mamayang uwian.
I sighed. Ito ang unang beses na hindi niya ako sasabayang kumain. Pero hindi na kami mga bata para mag-rely sa isa't isa. Nagtaka si Fritzie nang nag-order din ako.
"Hindi kayo sabay ni President Rhaven?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa bakantengtable na nakita namin. "Wow, for the first time, a."
"May emergency raw sa student council, e." Nagkibit-balikat na lang ako at nagsimula nang kumain. Kung anu-ano lang ang pinagkuwentuhan namin hanggang sa magtanong si Fritzie.
"Matanong ko lang, wala ba talagang something sa inyo ni Rhaven? Like friends with benefits? O hindi kaya, gusto kita pero magkaibigan muna tayo sa ngayon, something like that," maarte niyang sabi habang kumakain ng fries.
I used to answer those questions without feeling uneasy, pero bakit ngayon, parang ayaw kong sabihing wala? "Magkaibigan lang kami ni Rhaven. We're just, you know, friends." Nagkibit-balikat na lang ako para hindi na siya magtanong pa.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kaagad ako sa klase. Buong klase ay nakatitig lang ako sa wrist watch ko at hinihintay mag-5:30. Halos mabunutan ako ng tinik nang malaman kong wala kaming last subject.
To: Rhaven
Wala kaming last subject. Hintayin na lang kita rito sa quadrangle.
Umupo ako sa damuhan sa may quadrangle. Gusto pa sana akong samahan ni Fritzie pero sinabi ko na mauna na siya. Palagi naman kaming ganito ni Rhaven. Kapag siya ang walang last subject, siya 'yong naghihintay sa akin, then vice versa.
Ilang minuto lang ay tumunog ang phone ko hudyat na may nag-message. Pagkatingin ko sa message ni Rhaven, kaagad na akong tumayo para maglakad paalis.
From: Rhaven
Our car will fetch you. Sorry, gotta do an errand.
I get it. He's doing an errand, pero bakit kung hindi ko pa siya i-text ay hindi ko malalamang hindi pala kami sabay uuwi? Atleast text me! I walked out of the campus and saw their car. Pagkabukas ko ng backseat, nakaupo na roon si Raziel at nang makita niya ako ay ngumiti siya na para bang nang-aasar.
Umupo ako sa tabi niya. "Manong, may sinabi po ba si Rhaven kung saan siya pupunta?"
"Wala, hija. Ang sabi niya lang, e sunduin kita." Nagsimula na siyang magmaneho paalis at natahimik na lang ako. Ngayon ang unang beses na ma-upset ako kay Rhaven nang ganito.
"Baka kasama 'yong girlfriend niya. Alangan namang isama ka pa niya sa date nila." Natigilan ako sa narinig kaya napalingon ako kay Raziel. Nakangisi pa rin siya nang nakakaloko.
Girlfriend? Rhaven never mentioned something about being in a relationship. Best friend niya ako kaya hindi ba't isa ako sa unang dapat makaalam kung mayroon man? Isa pa, we're just high school students. Wala pa 'yon sa isip ni Rhaven.
Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Pero nabalik ang tingin ko sa kaniya nang magsalita siya ulit, "Manong, let's go to the nearest amusement park."
"I need to go home first--"
"Samahan mo ako. Takot ako sa rides," sabi niya pero wala namang bakas na takot sa mukha niya. Is he just mocking me? Whatever. He's still Rhaven's brother. Kailangan ko siyang pakisamahan.
Sinunod siya ng driver at huminto kami sa pinakamalapit na amusement park. Pagkababa naming dalawa, nagulat ako nang hawakan niya ako sa braso at hinila papasok. Hindi naman ako makapag-react kahit gusto ko nang tanggalin 'yong kamay niya sa pagkahahawak sa akin.
Bumili siya ng ticket na ride all you can at hinila na naman niya ako. Ang daming tao pero parang kami lang dalawa ang naglalakad kung hilahin niya ako. Nabubunggo ko na 'yong iba at todo pasensya naman ako.
"Raziel, sandali lang--"
"Let's ride that." Huminto siya kaya huminto rin ako at tumingin sa tinuturo niya. Roller coaster? E ang bilis-bilis kong mahilo.
"Iba na lang." Aalis na sana ako nang hilahin na naman niya ako.
"I want this one," seryoso niyang sabi kaya napabuntong-hininga na lang ako. Kahit kailan talaga. hindi ako mananalo sa mukha na 'yan. Pumila kami kahit napakahaba ng pila and thankfully, matangkad siya dahil may height limit ang puwedeng sumakay.
The roller coaster started to move kaya pumikit na lang ako para hindi ako matakot. Pero napadilat ako nang hawakan ni Raziel 'yong kamay. "Open your eyes and look at the sky." Kahit malakas ang sigaw ng mga kasama namin sa ride ay narinig ko pa rin ang malamlam niyang boses. Tumingin ako sa langit at parang nag-slow motion ang paligid. The sun is setting. Kulay kahel ang kalangitan na lalong mas nagpaganda roon. "Now, look down."
Sinunod ko ang sinabi niya at halos mapamura ako nang bumilis pa lalo ang galaw ng roller coaster, Tawang-tawa siya nang sumigaw ako sa takot. Pagkababa namin doon ay tinatawanan pa rin niya ako habang nagsusuka sa trash can na nakita namin.
"Last ride ko na 'yon. Bahala ka sa buhay mo." I glared at him pero mas lalo niya lang akong tinawanan. "Umuwi na tayo."
May nilingon siya sa paligid na para bang may hinahanap, mayamaya ay muli niyang hinawakan 'yong braso ko. "Last favor. Bili tayong ice cream doon."
Bago pa ako makasagot ay hinila na niya ako sa kung saan kaya sumunod na lang ako. Nang makarating kami sa ice cream shop, nag-order siya ng cookies and cream habang 'yong sa akin naman ay rocky road.
"Ngayon lang ako nakapunta rito," sabi ko na nagpatigil sa kaniya. "I actually want to come here with Rhaven, pero nahihiya akong yayain siya."
Bigla siyang tumingin sa likod ko at ngumisi. "You don't have to invite him anymore. He's here." Nang sabihin niya 'yon ay napalingon kaagad ako sa likod namin at doon na ako tuluyang natigilan nang magtama ang mga mata namin.
"Blair?" sabi niya habang nakatingin sa akin. Pero hindi kay Rhaven napako ang tingin ko kung hindi sa babaeng kasama niya.
He said he got to do an errand. Is the errand he was supposed to do? Flirt?!