"Grabe, ang bilis ng panahon. Ngayon, kailangan na nating mag-drawing at bumili ng sketch pad! On top of that, the pencils are expensive!" Pagra-rant ni Craige habang inilalagay 'yong sketchpad na napili niya sa cart na hila-hila niya. "You chose this course, pagtiisan mo," singhal ko sa kaniya na ikinainis niya lang lalo. "'Yan! Fashion designing pa, mga tamad naman!" sabi ni Fritzie mula sa likod namin na walang pinoproblema. Nang mabili na namin ni Craige 'yong kailangan naming bilhin ay pumila na kami sa counter. Hindi naman mahaba 'yong pila pero ang bagal ng cashier kaya ang tagal. "Do you think Trisha and Raziel already started dating?" rinig kong tanong ni Fritzie kay Craige na nakapila sa likod ko. "Malamang. Ako ang Cupid ng dalawang 'yon kaya sigurado ako," sagot ni Craige n

