Keen Yumuko ako habang pilit na umiiwas sa katawan niya palapit sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero hindi ko siya p’wedeng pabayaan. Naalarma ako nang mapansin na yumuko ito. In my peripheral vision, nakita ko na napahawak siya sa kanyang ulo. Nakaramdam ako nang awa nang mag-angat ako nang tingin sa kanya, lalo nang mapansin ko na matutumba ito. Mabilis ang naging kilos ko para saluhin siya. Nataranta ako, dahil habang tumatagal ay lalo kong nakikita sa mga kilos niya ang pagkalasing nito. Ayoko man na hawakan siya, ay wala na akong ibang choice. Napalunok ako nang maramdaman ang dibdib niya na tumama sa mga braso ko. I heaved a sigh and was about to speak when she smile. Ngiti na tila bumuhay nang kung ano sa aking katawan. Bahagya kong ipinilig ang aking ulo, saka a

