Irieth Mabilis akong napatakip sa aking bibig habang nakatingin siya sa aming anak. "Keen . . .” mahina kong sambit sa pangalan nito. "Daddy? You're awake! You're awake, Daddy!” Halata ang gulat at tuwa sa pagbigkas ng mga sinabi ni Mikell sa ama nito. Pero bigla akong nakaramdam nang takot at kaba nang mapansin kong hindi siya nagsasalita. Ito na ba ang sinasabi ng Doctor niya? T-tama kaya ito na baka gumising si Keen ng hindi kami naaalala?! "K-keen— k-kumusta ka? K-kilala mo ba kami ni Mikell?” nanginginig ang aking mga kamay nang haplusin ko ang mukha niya. "K-kilala mo ba ‘ko, Keen? Kilala mo ba kami ng a-anak mo?” Naiiyak at nangangamba kong tanong. Hindi ko alam kung bakit iyon ang naibungad ko sa kanya, pero malamang ay iyon ang takot na nasa aking dibdib. Napalunok ako hab

