Chapter 3

2145 Words
Keen       SALUBONG ang mga kilay ko habang pina-park ang sasakyan na dala ko malapit sa gate ng school ng pinsan kong si Coolin. Nang makababa ay padabog kong isinara ang pinto ng kotse saka ako tumayo sa gilid para mag-abang sa paglabas nito. Papunta na sana ako sa venue kung saan ginanap ang birthday celebration ni Aunt Molly, ang mommy ni Coolin, nang bigla akong tawagan ni Dad para sabihan na isabay na ito dahil wala raw itong dalang sasakyan. Well, I know them. Alam ko na sinadya ng mga 'to na gawin 'yon para makasigurado na darating ako doon.  Do I have a choice? Hindi ko naman kayang tiisin si Coolin, dahil sa lahat ng magpipinsan ay sa amin lang ng kapatid kong si Clive pinaka close ito. Pero dahil nakabakasyon sila ni Mom sa Japan ay ako lang mag-isa ang nagsa-suffer sa kakulitan ng babaeng 'yon. Mabuti na lang talaga ay sanay na 'ko sa kanya. Isa pa, hindi rin naman kalayuan sa University na pinapasukan niya ang pupuntahan naming Hotel na pagmamay-ari rin ng mga magulang nito. Ayoko lang talaga ng naghihintay. Dammit! Dream Royal University. Umayos ako ng tayo nang mapasadahan ng aking dalawang mata ang pangalan ng school na nasa harapan ko, maya-maya ay humalikipkip ako habang nag-aabang sa paglabas ni Coolin.  Ilang segundo pa ang lumipas ay tumingin ako sa relo ko dahil nakararamdam na 'ko ng pagkainip. One of the things I hate the most, kaya kinuha ko ang phone ko mula sa 'king bulsa para tawagan ang pinsan ko pero napahinto ako nang biglang matuon ang aking atensyon sa isang apricot sports car. Tumigil ito hindi kalayuan sa puwesto kung saan ako nakatayo, hindi ko alam pero bigla na lang akong napatigil nang iluwa n'yon ang isang matangkad, maputi, balingkinitan at magandang babae.  Mula sa pagtikom ng aking mga braso ay pumamulsa ako, saka ito pinagmasdan habang nakasandal sa gilid ng sasakyan ko. I don't know, pero para bang napako ang mga mata ko sa kanya at pakiramdam ko ay kalugian ko kapag itinuon ko sa iba ang aking paningin. Napalunok ako nang makita ko itong may inabot sa isang matandang babae na kung hindi ako nagkakamali ay pagkain at pera dahil meron itong ibinulsa.  I mentally smirked. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay pansamantalang nawala ang pagkabagot na nararamdaman ko kanina. Ang sarap kasi nitong tingnan, kaya hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanya. Mayamaya pa'y para akong nahimasmasan nang bigla siyang tumingin sa gawi ko, napaayos ako ulit ng tayo. Mabuti na lang ay agad rin nitong binawi ang tingin niya.  Nakita ko na sumakay siya sa sasakyan na dala niya saka iyon mabilis na pinaandar. Pinagmamasdan ko ito habang papalayo, nang biglang may tumawag sa akin. "Kuya, hey!" bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko nang matuon kay Coolin ang atensyon ko. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ito.  "Bakit ang layo ng tingin mo, Kuya? Para kang nakakita ng diwata diyan!" tudyo nito sa akin. Ilang segundo ako tumingin sa kanya bago ko ito sinagot, "Let's go."  Tahimik akong nag-drive habang patingin-tingin sa salamin dahil sa katabi kong abalang-abala sa katitipa sa phone nito. Malamang ay tambay na naman 'to sa i********:.  Mayroon sana akong gustong itanong sa kanya, kaya lang ay baka kung ano lang ang isipin nito kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa dinadaanan naming kalsada. Maingay na paligid ang sumalubong sa amin ni Coolin nang makarating kami sa Hotel. Sa dami ng tao ay nahirapan akong tanawin kung saan naro'n si Dad at ang kapatid nitong si Aunt Molly.  Inikot ko ang aking paningin sa lugar na iyon. Nakita ko ang mga pinsan ko sa side ni Dad, nandito rin ang mga ka-business partner ni Aunt Molly at ang mga magulang ni—Erica. Kung nandito sila malamang ay nandito rin siya.  "Hey, Kuya! What are you doing here? Hinihintay ka ni mommy do'n!" itinuro nito ang lugar kung nasaan ang VIP tables.  "Oh, huwag mo sabihin na hindi mo lalapitan si Mommy dahil sa ex-girlfriend mong magaling?" patudyong salita ni Coolin habang sumisimsim ng wine. "I don't care about her, Coolin,” seryoso kong sabi. "I care about Mom and Clive. Susunduin ko pa sila sa airport, kaya hindi na 'ko magtatagal,” pagdadahilan ko. "OMG! Really, Kuya? Ngayon ang uwi ni Tita at Clive? Oh my God!" kita ko ang excitement at gulat sa mga mata nito, siguro ay dahil na rin sa ka-good niya ang kapatid kong si Clive na 'di nalalayo sa edad nito. Inabot ko dito ang regalo ko para kay Aunt Molly, ipinapaki ko na lang sa kanya iyon since busy rin naman ang mommy nito sa mga bisita niya.  Agad akong umalis. Alam ko na naiintindihan ako ni Coolin, dahil alam niya na wala akong pakialam sa lahat once na-involve ang babaeng kinamumuhian ko. Wala akong balak na magtagal, lalo nang malaman ko na nandoon rin ang manloloko na 'yon.  Ang totoo, bukas pa ng madaling araw ang dating nila Mom. Hindi ko lang talaga gusto na magtagal pa sa party na 'yon, dahil kay Erica Tajano.  Hanggang maaari ay ayoko nang nagku-krus ang landas naming dalawa, dahil sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko lang ang kasalanang ginawa nito sa akin. Moved on na ako sa kanya pero sa ginawa niya ay hindi pa.  Katahimikan ang sumalubong sa akin nang makarating sa unit ko. Agad akong dumiretso sa mini bar at kumuha ng beer. I clenched my jaw. Ramdam ko na naman ang kirot sa dibdib ko nang maalala kung bakit hindi ko naipagpatuloy ang propesyon na pinangarap ko. Talagang ang pag-ibig ay isang sugal, kahit na alam ko na walang kasiguraduhan ay tumaya pa rin ako. At ito, ito lang ang napala ko.  Talunan. PASS 6 am nang magising ako. I instantly picked up my phone and quickly dialed Yohan's number.  Si Yohan ang secretary ko. Ayoko sa babae. Bukod sa wala akong tiwala sa kanila, pakiramdam ko ay gagamitin lang nila ako sa maraming bagay, dahilan, kaya mas komportable ako kay Yohan.. Huminga ako ng malalim nang sumagot ito matapos ang isang ring. "Yes, Sir? Good Morning," salita nito sa kabilang linya. "I woke up late. Ikaw na lang ang magsundo kay Mommy at Clive sa airport. Alam mo na ang gagawin," sabi ko sa mababang boses. "Copy, Sir,” sagot niya. "Update me— thanks."  Napatingin ako sa phonebook ng phone ko nang matapos ang usapan namin ni Yohan. Ewan ko, hindi ko maintindihan. Pero natagpuan ko na lang ang sariling dina-dial ang numero ng pinsan kong si Coolin.  Irieth I woke up at six o'clock in the morning. I still wanted to sleep but I had no other choice, I need to wake up.  I sat up, stretched out my arms, and yawned. Thank God, it's friday. Kahit na tamad na tamad ay pinilit ko pa rin na kumilos. Kailangan ko'ng pumasok sa school dahil ayokong maabutan dito ng mga parating na toxic.  I heaved out a deep sigh. Mukhang malapit ko na rin magamit ang unit na naiwan sa akin ni Mommy, dahil panigurado na darating ang araw na hindi ko kakayanin ang makisama sa pamilyang paparating dito sa mansyon. Isipin ko pa nga lang ay sumasakit na ang ulo ko. Kung ako lang ang tatanungin ay ayoko talaga silang makita, lalo na't kung makakasama pa. Lumabas ako ng k'warto matapos ko'ng makapag-asikaso sa sarili. Hindi ko pa natatapos babain ang hagdan nang bigla akong makaramdam ng pagtataka dahil sa pahaba naming lamesa na bumungad sa akin.  Puno iyon ng sari-saring putahe, dessert at mga prutas. Kapansin-pansin din ang tatlong malalaking lechon na nasa gitna ng iba pang mga handa na nasa mesa. Nagmistulang fiesta sa bahay na ito kung titingnan. Well, hindi ko na itatanong kung bakit. Malamang ay inihanda nila ito para sa pagdating ng bago nilang amo.  "Gud Morneng po, Mam Eryet. Maaga pung omales se Mam Angilen, benilin ka niya ba sa aken na kumaen ka raw po mona bago pomasok sa iskwilahan," salita ni Ate Marif. "Hindi na, Ate. Sa school na lang ako kakain. Paki-update na lang ako kung tapos na ang celebration nila mamaya rito. Salamat," matapos kong sabihin iyon ay tumalikod na ako, umalis ako at hindi na hinintay ang sagot ni Ate Marif.  Panay ang dasal ko sa isip nang makapasok ako sa campus. Sana'y hindi ko makasalubong ngayon si Drake. Hindi kasi maganda ang araw na ito kaya baka sa kanya ko lang maibuhos ang inis ko.  Nagpatuloy ako sa paglalakad, malapit na sana ako sa room pero napahinto ako nang maramdaman kong may bumangga sa akin. Nabitawan ko ang librong hawak ko sa lakas ng impact n'yon. Nang iangat ko ang aking mukha ay dalawang pares na kilay na nakatikwas ang sumalubong sa akin. Si Sheena Legar at si Selin Douglas. Ang mga pa-fame kong kaklase.  Umayos ako ng tayo at diretso silang tiningnan. Kahit imposible ay hinintay ko pa rin na mag sorry ang mga 'to, pero nabigo ako. "Ano ba?! Manhid at bulag ka ba?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! P'wede?" The f**k? Napakagat ako sa 'king ibabang labi dahil sa gulat. Bakit pakiramdam ko ay parang kasalanan ko pa? Ako na 'tong naagrabyado pero kung umasta ang mga 'to ay parang sila pa ngayon ang nasaktan. Bahagya kong ipinilig ang aking ulo saka ito sinagot, "Sorry? Pero kayo ang bumangga sa akin, 'di ba?"  Sasagot sana si Selin sa sinabi ko nang biglang may babaeng tumawag sa kanila. "Sheena! Selin!" sabay-sabay kaming napalingon sa gawi kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Napasimangot ako nang makita kong papalapit na ito sa amin. "What's going on?" tanong nito. "Nothing, Coolin! Let's go!" sagot ni Sheena kasabay ng pag-irap nito sa akin.  Si Coolin . . . Kung hindi ako nagkakamali ay transferee lang ito last year. Madalas ko ngang napapansin ang mga 'to na laging magkakasama, pero ngayon lang kami nagkaharap ng ganito dahil bukod kay Joy ay wala na akong ibang sinasamahan at kinakausap na iba. Nakakainis lang, dahil ngayon na nga lang kami nagkalapit-lapit ng ganito ay hindi pa naging maganda ang approach sa isa't isa. Salubong ang mga kilay ko na nakatingin sa kanila habang sabay-sabay na naglalakad. Naiwan akong nakatayo kung saan ako binunggo ng mga impakta kong classmates. Inayos ko ang aking sarili nang mawala sa paningin ko ang mga 'to, saka ko lang rin naalala ang libro na nabitawan ko kanina. Kukunin ko na dapat 'yon pero wala na ito nang tumingin ako sa sahig. "Excuse me? Is this what you are looking for?"  Napalunok ako nang marinig ang isang baritonong boses na hindi pamilyar sa akin. Pagkatapos ay tumingin ako sa gawi kung saan may nagsalita, hindi ko namalayan na may nakakuha na pala sa libro ko. Mukhang dininig ng Diyos ang dasal ko ngayong umaga dahil hindi ko nakasalubong si Drake, pero . . . bahagya akong nagulat nang mag-angat ako ng tingin sa isang g'wapong lalaki na kumakausap sa akin. Infairness, kasing g'wapo nito ang boses niya—wait! G'wapong lalaki? Oh God! Ano ba 'tong naiisip ko? s**t! Erase, erase!  Out of curiosity ay napatingin ako sa kulay gray nitong mga mata. Hindi ko alam kung saan ko siya nakita pero parang familiar ito sa akin. Saan ko nga ba siya nakita? Ilang segundo pa ang lumipas bago ko ito tuluyang maalala.  Tama! Siya 'yong lalaki na nahuli kong nakatingin sa akin sa labas no'ng abutan ko ng pagkain at pera 'yong matandang pulubi kahapon— anong ginagawa niya rito? Hindi naman siya mukhang estudyante, may-ari ng school p'wede pa. "Get it," Napabalik ako sa kasalukuyan nang muli kong marinig ang boses nito. Tumingin ako sa inaabot nitong libro saka ko iyon mabilis na hinablot mula sa kamay niya, mabilis akong nagpasalamat pagkatapos ay sinabayan ko ng alis.  Hindi ko alam, pero nabibingi ako sa kabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit tila nag-iba ang pakiramdam ko sa mga tingin niya? Ewan ko, pero the way na titigan niya ako ay para bang gusto akong kainin ng buhay ng lalaking 'yon! Weird. Ngiti ng kaibigan kong si Joy ang sumalubong sa akin nang makarating ako sa room namin. Well, bagay na bagay talaga sa kanya ang pangalan niya dahil sa pagiging masayahin nito. Pero gano'n pa man ay hindi ko na muna ikinuwento sa kanya ang nangyari sa akin bago makarating dito sa room. Kilalang-kilala ko na kasi siya, at alam ko na tutudyuin niya lang ako. Hindi pa naman ito tumitigil hanggang hindi umaakyat ang dugo ko mula sa aking talampakan hanggang sa 'king ulo kapag inaasar niya 'ko, lalo sa mga lalaking nangungulit sa akin. Pero napipikon man ay hindi pa rin nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan nito.  Gano'n ko pinahahalagahan ang friendship na meron kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD