Monsters don't sleep Under your bed They scream Inside of your head. - Anonymous Chapter Twenty Jealous Rage "So, you and kuya Lyon, huh?" Mula sa cellphone na hawak ay gulat akong napalingon at nakita si Gail sa pinto, still with her pj's and pouting while her little arms are crossed over her chest. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako ng maayos, paggising ang cellphone agad ang inabala. Go back to sleep, masyado pang maaga. Iyon ang text nya bago umeksena si Gail, embes na mag-reply ay ibinaba ko sa side table ang phone saka umupo at itinuon ang pansin sa kapatid. "Come here, Gail." Mukhang napipilitan pa syang lumapit sa'kin, nang tumabi sya ay kinumutan ko sya saka sinuklay ang malambot at medyo kulot nyang buhok. Kung makabuntong hininga sya parang pasan nya ang lahat n

