Chapter 3

977 Words
Maaga akong gumising para matulungan si 'Nay Marlyn na maghanda ng almusal. Nakakahiya naman kasi kung ipaghahain pa ako. Konting bagay lang naman ito kapalit nang pagtulong sa akin ni Nigel. Sobrang bait talaga ng lalaking iyon. Biruin niyo ay agad agad ang pag-re-report ko sa trabaho ngayong araw, samantalang kahapon lang niya iyon inalok sa akin. Kaya ito, masigla ang gising ko ngayong umaga. Pagkakain ng almusal ay naglakad na ako patungo sa labas. Sisilipin ko kung naroon na si Nigel, ngunit kusang umatras ang mga paa ko nang maalala na hindi pa ako nagmamano kay 'Nay Marlyn. Inabot ko ang kamay niya kahit basa ito at nagmano. Tila nagulat naman siya sa ginawa ko. Hindi ba uso sa kanila dito ang magmano? Sabi kasi ng Nanay ko kapag may nakakatandang miyembro ng pamilya sa bahay ay dapat lang na magmano. Tanda iyon ng pagbibigay galang at respeto. "Naku halika, iha, punasan natin iyang noo mo." Pinunasan niya ang noo ko at binigyan ako ng matamis na ngiti. Halata sa kanyang mukha ang kaligayahan. Bigla ko tuloy namiss ang Nanay ko. Mukha kasing ka edad lang niya si 'Nay Marlyn. Nagpaalam na rin ako at lumabas na pagkatapos. Napakunot noo ako nang makitang lumabas galing sa kwarto si Nigel at dire- diretsong naglakad papunta sa kinaroroonan ng kotse niya. Sumunod ako ngunit hindi muna ako sumakay. Sinilip ko siya at nginitian. "Sir, aalis na po ba tayo?" tanong ko. "Yes, kaya sakay na. Today will be your first day at work." Nakita ko na naman ang maka walkout panty niyang ngiti. Binuksan na niya ang makina ngunit hindi pa rin ako sumakay. Nawala ang ngiti ko sa inasal niyang 'yon. "What are you waiting for? Hop in, Miles," nakakunot ang noo niya. "May nakalimutan ka po, Sir," sabi ko sa disappointed na tono. "Huh? Ano 'yon?" "Hindi ka man lang ba magmamano kay Nanay Marlyn bago umalis? Sabi kasi ng Nanay ko, kapag may nakakatandang miyembro ng pamilya, dapat ay nagmamano bago umalis at pagkarating ng bahay, kabastusin kapag hindi," mahabang paliwanag ko. Binigyan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin. "Uh..sorry pero hindi ko kasi nakasanayan. Ikaw na lang siguro ang gumawa, sigurado akong matutuwa siya." Hindi na ako nakatiis at ibinalibag pasara ang pinto. Ayoko ng katwiran niyang baluktot. Ganito ba talaga ang mayayaman dito sa Maynila? Sa amin kasi, kahit naman mayaman kung hindi sila nagmamano ay hinahalikan nila ang noo, kamay o pisngi ng matatanda o ng nanay at tatay nila. Kumbaga sosyal version iyon. Nakalampas na ako ng bahay ni Nigel nang may narinig akong busina. "Where do you think you're going, Miles?" tanong niya pagkabukas ng bintana ng kotse. "E, ‘di doon sa supermarket ng kaibigan mo. 'Diba magtatrabaho ako?" inirapan ko siya at naglakad ulit. Samantalang siya naman ay umaandar ng mabagal. "Alam mo ba kung saan 'yon?" tanong niya. Oo nga 'no? Napatigil ako at muling tumingin sa kanya. "Hindi. E, di sabihin mo sa akin ang address para malaman ko. Magsasakay na lang ako," nakasimangot na sagot ko. "May pamasahe ka ba?" mayabang na tanong nito habang nakangisi. Doon ako natigilan. Oo nga pala, wala akong pera dahil naipamasahe ko na paluwas dito. Inilahad ko ang kamay ko at nagsalita. "Wala, kaya bigyan mo ako ng pamasahe. Ilista mo na lang 'yong utang ko. Babayaran kita pag nakasahod na ako." Akala niya siguro ay nagbibiro ako dahil tinawanan niya lamang ako. Lalo tuloy akong nainis sa kanya. Hindi lahat ng bagay ay dinadaan sa biro. Lalo na kung ganitong wala akong pera. "Sumakay ka na. Nagmano na ako kay Nanay Marlyn." Tama ba 'yong narinig ko? Nagmano siya kay ‘Nay Marlyn? Naku sinungaling. Baka niloloko lang niya ako para sumabay na ako sa kanya. Kinuha niya ang cellphone at itinapat sa aking tenga. "Anak, huwag ka nang magalit kay Nigel, nagmano na siya sa akin." Kay Nanay Marlyn iyong boses. Hindi naman nagtagal ang usapan namin at ibinaba ko na rin ang tawag. "See? Nagmano na ako. Kaya sakay na. Late ka na." Nagliwanag na rin naman ang mukha ko at sumakay na sa kotse. "Put your seat belt on." Hindi ko iyon naintindihan. Seat diba upo? Tapos belt sinturon? Hinahanap ko ang sinturon pero hindi ko naman makita. Ano bang pinagsasabi niya? "Anong seatbelt? Hindi ko naman kailangang magbelt dito habang nakaupo. Hindi naman maluwag ang suot kong pantalon." Imbis na sumagot ay tinitigan niya lang ako. Ayan ang ayaw ko sa kanya, lagi siyang nakatitig na tila ba namamangha palagi sa lahat ng ginagawa at sinasabi ko. Nakakalusaw iyong mga titig niya. Awtomatikong napapikit ako ng inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango. Inabot niya ang bagay na nasa kanan ko sa mahabang bagay na nasa kaliwa. "This is what you called seatbelt," paliwanag niya habang inaayos 'yon. Nalanghap ko rin ang mabango niyang hininga. Parang ang sarap niyang halikan. Ano ba itong naiisip ko. "S-salamat, wala kasing ganyan sa amin. Ngayon lang ako nakakita at saka nakasakay sa ganitong sasakyan," nahihiya kong sabi. "It's okay. Magtanong ka lang sa akin kung may hindi ka maintindihan o hindi alam na bagay. I'm willing to help you." Nagpatuloy ang kwentuhan namin habang nasa byahe. Napaka trapik pala rito sa Maynila. Tapos maraming nangangatok na manlilimos sa bintana ng mga dumadaang sasakyan. Marami kaming napagusapan tungkol sa sarili naming pamilya at dahilan nang pagparito ko sa Maynila. Siya naman ay hinahanap pala ang babaeng mahal niya. Napakaswerte naman pala ng babaeng 'yon. Nag-aral siya ng abogasya para lang doon hanggang sa magkaroon raw siya ng sarili niyang law firm. Kapag mahal mo talaga ang isang tao, kahit ano ay gagawin mo. Tulad ko na lang sa pamilya ko. Gagawin ko ang lahat para sa kanila. Para makatapos si Mikkie at Morty at para gumaling na rin si Nanay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD