THIRD PERSON
"Sir, confirm si Luke at William ay iisa. Ano ang plano mo ngayon?" Tanong ni George kay Jefferson. Parang kapatid na rin ang turingan nina George at Jefferson. Magkaibigan sila mula pa pagka bata nila. Ang pamilya ni Jefferson ang nagpa aral kay George hanggang college. Kahit nakatapos si George bilang business accountant mas pinili niya na maging secretary ni Jefferson. Alam ni George ang lahat ng tungkol kay Maribel. Mahal na mahal ni Jefferson si Maribel, pero hindi magawang mahalin ni Maribel si Jefferson. Ilang beses na rin sinabi ni George na baka buhay pa talaga si William dahil siya ang naghanap nuon sa bangkay ni William. Ngunit wala silang nakita. Nagkataon nuon na nag hiking sila sa bundok ng makita nila si Maribel na walang malay sa malaking bato. Kaya kaagad na tinulungan ni Jefferson. Ngunit nagulat si George ng sinabi ni Jefferson na kilala niya ang babae. School mate si Maribel at Jefferson n'ong college sila. Unang kita palang ni Jefferson sa dalaga nagka gusto kaagad siya dito. Ngunit hanggang sa naka graduate sila ng college hindi nakagawa ng pagkakataon si Jefferson na mapalitan ang babae. Kaagad na dinala ni Jefferson si Maribel sa kanilang bahay. Ulilang lubos na si Jefferson at tanging Lola niya lamang ang nagpalaki sa kanya. Mayaman ang kanilang pamilya kaya kahit nawala ng maaga ang kanyang mga magulang hindi siya nahirapan sa pag-aaral. Kasama niya si George nag-aral hanggang sa naka graduate sila pareho. Ngunit n'ong nakatapos siya ng college namatay din ang kanyang Lola. Kaya tanging si George ang kasama niya.
"Send all the pictures with her when she go back in her condo." Sagot ni Jefferson kay George sabay tungga ng wine. Napa kunot ang noo ni George sa sinabi ni Jefferson.
"Are you sure Jefferson?" Hindi na napigilan ni George na mapa lakas ang kanyang boses kay Jefferson at tinawag pa ito sa kanyang pangalan.
"Yeah! Maikling sagot ni Jefferson. Sabay tungga ulit ng wine. Mahal niya si Maribel kaya handa siyang magpa ubaya. Hindi naman totoo na legal ang kanilang kasal. Kaya kahit gustong-gusto niya ng angkinin si Maribel sobra ang pag-pigil niya ng kanyang sarili. Ang akala niya mahal na siya ni Maribel bago siya umalis patungo'ng US. Kaya muntik ng may mangyari sa kanila. Pero ngayon na confirm niya na, na si Luke at William ay iisa kailangan niya ng palayain si Maribel. Duda na siya nuon n'ong nakita niya ang picture ni William na pinasa sa kanya ni Steff. Nakita niya rin kasi ang picture ni William sa wallet ni Maribel ngunit blurd ang kuha. Kaya n'ong nakita niya ang picture mula kay Steff pina imbestigahan niya ito. Plano niya din ang lahat na magsama si Maribel at William pa balik sa Manila. Naka pangalanna rin kay Maribel ang kanyang kompanya sa Pilipinas dahil wala na siyang balak na bumalik pa ng Pilipinas.
"Mahal ko sya George pero ang hirap pilitin ang isang tao. Saka kung hindi ko ito gagawin mas lalong mahirapan si Maribel. Kapag nagawa ko ito. Si Steff nalang ang kanilang problema. Siguro kaya na ni William ipaglaban si Maribel at hindi na ma gi-guilty si Maribel. Kapag malaman niya at makita niya ang i-send mo sa kanya. Ito lang ang tanging paraan para parehas kaming maging malaya. Katulad nga ng sinabi mo nuon. Na baka may nakalaan para sa akin. Saka virgin pa naman ako." Pagbibiro niya kay George sabay taas ng hawak ng kupita. At nag cheers sila ni George. Napailing nalang si George at mahinang sinuntok niya si Jefferson sa balikat. Totoo naman talaga na walang pa siyang na i-kama. Dahil gusto niyang angkinin ang babae na mahal niya at mahal siya. Lalo na kapag kasal na sila. Pangarap talaga ni Jefferson si Maribel pero ngayon. Parang hindi na matutupad dahil bumalik na si William sa buhay niya.
"Kaya pala plinano mo ang lahat na magkasama si Maribel at William dahil ready ka na talaga sa disesyon mo? Handa ka na ba sa mga consequences mo? Na kahit malaman ni Maribel na hindi legal ang kasal niyo? Sa tingin mo ba hindi siya magagalit sa ginawa mo? Apat na taon Jefferson. Ang akala mo ganun lang kadali na matanggap ni Maribel?" Turan ni George. Malakas na bumuntong si Jefferson at nagsalin ulit ng wine sa kanyang baso.
"Kaya nga gusto ko ng malaman niya ngayon . Dahil alam ko'ng kasama siya ni William. Kaya nakatitiyak ako na hindi siya pababayaan ni William. Saka palitan mo na ang number nating dalawa pagkatapos mong ma send kay Maribel para hindi niya tayo makuntak." Utos ni Jefferson kay George. Kaya kahit naguguluhan si George sa disesyon ni Jefferson kailangan niya pa rin sundin. Hindi niya naman hahayaan si Jefferson na mag-isa.
"At pagkatapos ko ma i-send kay Maribel sabay tayo maghanap ng Americana dito. Baka dito talaga ang the one nating dalawa." Pagbibiro din ni George. Katulad kasi ni Jefferson wala pa rin karanasan si George sa babae. Naka tutok lamang siya sa kompanya ni Jefferson. Sabay silang tumawa at uminum ng wine.
Samantala sa bahay naman ni Maribel sa Masbate. Niyaya ni Steff si Maribel at William na mag inuman dahil bukas na babalik si Maribel sa Manila kasama si William. Kahit ayaw ni Maribel na uminum napilitan siyang sumama kay Steff. Sa garden mas pinili ni Steff na mag-inuman sila. Nag ready si Steff ng inumin at pulutan. Pagkatapos nilang kumain ng dinner magkasabay silang tatlo na pumunta sa garden. Hawak ni Maribel ang tatlong baso. Kay Steff naman ang pulutan at kay William ang wine.
"Sis, Ikaw muna ang bahala kay William. Alam mo naman na hindi niya pa alam ang pasikot-sikot sa Manila. Kaya Ikaw muna ang bahala sa kanya." saad ni Steff nang nag-umpisa na silang mag-inuman. Tahimik lamang si William habang nakikinig sa usapan ng magkapatid. Pero panay ang sulyap kay Maribel.
"Sis, are you sure na isasama ko talaga si Luke? Pero okay naman kahit ako lang mag-isa. Sumunod nalang kayo sa akin. Diba mag-asikaso pa kayo ng kasal niyo? Bakit kailangan pa na sumama sa akin ni Luke?" Kinakabahan na tanong ni Maribel. Pilit niya na hindi mau-utal magsalita. Dahil kanina niya pa napapansin na panay ang sulyap ni William sa kanya.
"Nakiusap si Jefferson sis na samahan ka muna namin sa Manila. Pero kailangan ko muna puntahan ang location ng kasal namin ni Luke. Kaya okay lang na mauna kayo. Kailangan din pag-aralan muna ni Luke ang trabaho sa kompanya ni Jefferson. Kaya huwag ka nag mag-alala sis. Susunod din naman ako para hindi ka ma-ilang kay Luke na dalawa lang kayo sa bahay niyo." Nakangiti na sabi ni Steff. Kaya hindi na nagsalita pa si Maribel. Nag salin siya ng wine at kaagad na ininum dahil biglang nakaramdam siya ng panunuyo ng kanyang lalamunan.
"Cheers." Sigaw ni Steff at tinaas ang kanyang baso. Kaya tinaas din ni Maribel at William ang kanilang baso. Habang tumatagal ang kanilang inuman. Panay ang inum ni Steff na parang ginawang tubig ang wine. Kahit pinipigilan siya ni Maribel at William na tama na, pero ayaw niyang magpa awat. Hanggang sa nagsalita siya dahil sobra na siyang lasing.
"Alam mo shiissss kung hindi ko lang alam na patay na ang eksssss mo. Iisipin ko na ikaw ang shinashabi ni Luke na babaeng mahal niya. Kashi...kasshi parang magkatulad ang kwento mo sa sha akin at kwento ni Luke. Pero parang malabo naman dahil patay na ang lalaking mahal mo." Lasing na wika ni Steff sa dalawa. Bigla naman nabilaukan si Maribel sa pulutan na kinakain niya. Sakto kasi pagsubo niya nang magsalita si Steff. Biglang nakaramdam ng kaba si Maribel dahil naisip niya na baka napansin ni Steff kung paano siya titigan ni William.
"Sis lasing ka na. Kung ano-ano ang mga pinagsasabi mo. Tama na 'yan. Saka gabi na rin. Maaga pa kami bukas aalis ni Luke. Kailangan na natin magpahinga." Yaya ni Maribel.
"Babe, let's go. Ang hirap mo palang malasing kung ano-ano ang pinagsasabi." Pagyaya din ni William. Nagtaka siya kung bakit maraming ininum si Steff. Dahil ngayon lang nagka ganito si Steff. Naisip niya na baka naka halata na si Steff sa kanya. Hindi niya kasi mapigilan na titigan si Maribel. Simula kasi n'ong pinuntahan niya ito sa kanyang silid n'ong nakaraang gabi. Tudo iwas si Maribel sa kanya.
"Hindi pa ako lashing beyb. Nagshashabi lang ako ng totoo." Sambit ulit ni Steff. Maya-maya yumuko na ito at nakatulog sa mesa. Kaya pormal na nagpaalam si William kay Maribel na kailangan niya ng dalhin si Steff sa kanyang kwarto. Tango lang ang naging sagot ni Maribel at uminum ulit ng wine.