WILLIAM LUKE
Mapait akong napangiti habang nakatingala sa langit dito sa bintana kung saan ako nakatira. Inaalala ko ang babaeng minahal ko five years ago. Mula n'ong tinaboy ko siya palayo para iligtas ang kanyang sarili. Hanggang ngayon wala na akong balita sa kanya. Nasa malalim akong pag-iisip nang may biglang yumakap sa aking baywang mula sa aking likuran.
"Babe, ready ka na ba? Ako sobrang excited na makilala ka na ng aking mag magulang at kapatid." Excited na talaga ako na isama ka sa aming lugar para pormal na makilala mo na ang aking pamilya." Sambit ni Steffany na isang taon ko nang kasintahan. N'ong gabing ang nangyari na pagbaril sa akin ni Arturo. Dahil gusto ko ng tumiwalag sa grupo at magbagong buhay kasama si Maribel. Mabuti nalang may dumating na mga militar at naligtas ako. Ang mga kasamahan ko na lumaban sa mga militar ay binawian ng buhay. Ang iba sumuko naman. Kaagad akong sinugod sa ospital. Nang makalabas ako sa hospital dinala ako kaagad sa kulungan sa Manila upang pag bayaran ang mga magawa kong kasalan. Dahil isa akong lider ng rebelde. Ginawa ko ang lahat para hindi ako makagawa ng masama sa loob ng kulungan. Hanggang sa may medical mission sa loob ng kulungan. Duon ko nakilala si Steffany. Maganda, mabait at mayaman. Naging magkaibigan kami hanggang sa naging isang taon ang aming pagkaibigan. Sinabi niya na may gusto siya sa akin at tanggap niya kung ano ang nakaraan ko. Wala akong naging balita kay Maribel. Kaya habang madalas ang pagdalaw ni Steffany sa akin. Medyo nahulog ang loob ko sa kanya. Lalo na, parang magkahawig sila ni Maribel. Kaya siguro nagustuhan ko siya dahil nakita ko si Maribel sa kanya. Taga Masbate din siya ngunit sa Manila siya nagta trabaho bilang Doktor. Isang araw n'ong binisita niya ako sinabi niya na mahal niya ako kaya sinabi ko na kami na. Pero kahit kami na, hindi ko pa nasabi sa kanya na mahal ko siya. Dahil mas lamang pa rin sa puso ko si Maribel. Sinabi ko lang sa kanya na may bagay lang ako na dapat ayusin sa buhay ko. Sinabi niya naman na handa siyang maghintay basta kasama niya lang ako. Hanggang sa sumapit ang limang taon at tuluyan na akong nakalaya. Bumalik ako sa Mindanao pero hindi na sa Lugar kung saan ako dati. Dito na ako sa Banisilan sa lugar ng pamilya ng aking mga magulang. Isang taon na akong nakalaya at may munti akong negosyo. Isang araw nagulat nalang ako na pumunta dito si Steffany at dito na daw siya mag trabaho. Kaya heto ngayon magkasama kami sa aking bhay. Pero hindi kami nagsasama sa isang kwarto. May kwarto siya at iba din sa akin. At sa isang taon namin na relasyon. Hindi ko pa siya nagawang angkinin dahil parang may pumipigil sa akin na gawin ang bagay na iyon. Hanggang yakap at halik lang ako sa kanya. Mabuti at kuntinto naman siya kung paano ang aming pagsasama bilang magka relasyon. Dahan-dahan akong humarap sa kanya dahil nagtaka ako kung bakit ngayon niya lang nasabi na may kapatid pala siya.
"Ano ang ibig mo'ng sabihin Steff? Ang akala ko nag-iisang anak ka lang?"
"Parang ganun na nga! Pero ang totoo may kapatid talaga ako. Isa din siyang Doktor. Pangarap talaga namin na maging Doktor. Kaya sabay kaming nag-aral. Isang taon lang naman ang agwat ng edad namin kaya sabay kami nag-aral. Actually five years ago nag medical mission nga siya dito. Hindi ko lang natandaan kung saang lugar. Nagka boyfriend din siya ngunit namatay ang kanyang boyfriend dahil binaril siya ng kanyang mga kasamahan. Kaya hindi ko nasabi na may kapatid ako. Dahil ayaw niya ipaalam ang totoo niyang pagkatao. Ang totoo nga hindi siya gumagamit ng social medya simula n'ong may nangyari sa kanyang boyfriend." Pag kwento ni Steffany. Bigla nanuyo ang aking lalamunan. Pakiramdam ko ako at si Maribelang kinukwento niya. Tumikhim ako at umayos ng tayo
"Sino ang pangalan ng kapatid mo!? Tanong ko sa kanya
"Maribel ang pangalan ng kapatid ko." Aniya. Biglang na blanko ang utak ko. At medyo nakaramdam ng saya dahil makikita ko na ulit si Maribel. Ngunit paano ngayon dahil kapatid niya pa ang girlfriend ko. At pagdating namin si Masbate ipakilala na Amako ni Steffany bilang fiancee niya.
"Pero may asawa na siya ngayon. Makalipas ang isang taon nang maligtas siya ni Jefferson sa gubat kung saan siya nakita na walang malay. Nagpakasal sila ni Jefferson. Dinala siya ni Jefferson sa America dahil nagkaruon siya ng trauma sa nangyayri nuon sa kanya. Pagkalipas ng limang taon. Bumalik sila sa Pilipinas at ngayon nasa manila sila. Wala kaming contact sa isa't-isa. Tanging si Mommy at Daddy lang ang kanyang kinakausap. At kay Mommy lang din ako naki balita kay Maribel." Patuloy na pagkwento ni Steffany. Hindi ako nakapag salita kaagad sa nalaman. Parang may bomba na sumabog sa aking dibdib. Parang may tumusok na matulis na kutsilyo sa aking puso. Sobrang sakit malaman na may asawa na si Maribel.
"Luke! May problema ba? Kilala mo ba ang kapatid ko?" Tanong ni Steffany kaya napa balik ako sa tamang pag-iisip. Luke ang ginamit kong pangalan dahil ayaw ko'ng may tumatawag sa William ko'ng pangalan.
"No, Steff. May naalala lang ako. Anong oras Amang flight natin papunta ng Masbate?" Tanong ko sa kanya para iwasan ang tungkol sa sinabi niya tungkol ko ay Maribel. May kung ano sa puso ko na saya sapagkat makita ko si Maribel. Ngunit bigla sumagi sa aking isipan na may asawa na pala siya at may girlfriend na rin ako.
"8 am bukas babe. Kaya i-ready mo na lahat ng gamit mo. Baka magtagal tayo duon. Baka hindi na ako payagan ni Mommy at Daddy sa sumama sa'yo pabalik dito hanggang hindi tayo kasal. Sana maintindihan mo babe.
"Ayos lang sa akin babe. Kaso medyo kinakabahan ako na baka malaman nila ko'ng ano ako dati. Baka ayaw nila sa akin para sa'yo." Ani ko ko. Pero sa loob loob ko parang gusto ko na ngayon makapunta sa Masbate para makita si Maribel. Hindi ko alam ang mangyari sa pagkikita namin. Pero masaya ako na muli ko siyang makita.
"Bahala na." Sa isip-isip ko.
"Don't worry babe, mabait si Mommy at Daddy lalo na si Maribel. She's so understanding sister. Kahit nga isang taon ang tanda ko sa kanya parang siya pa ang matanda sa amin. Dahil sobra siyang mabait at supportive. Tiyak na kapag makilala mo siya magka gaanan kayo kaagad ng loob. Saka mabait din si Jefferson."