CANDIS' POV Halos mahulog ang panga ko nang sabihin ni Mavy sa akin na hindi s'ya ang pakakasalan ni Lyndsay kundi ang pinsan n'yang si Lyndon. Halos wala akong kaalam alam na ang best friend na sinasabi ni Lyndon ay ang girlfriend ni Mavy. Ex girlfriend pala dahil hindi naman na daw naging sila mula ng tanggihan nito ang proposals n'ya. "You haven't given me your answer, Candis," nagulat ako nang bigla s'yang magsalita at lapitan ako. "Ano'ng tanong naman? Di ka naman nagtatanong," sagot ko kahit na kanina pa ako kinakabahan dahil sa distansya namin. Napalunok ako nang iisang hakbang n'ya ang distansya namin at halos kilabutan ako nang pumulupot ang braso n'ya beywang ko. "Do you love me, too, Candis?" diretso at walang ligoy na tanong n'ya. Halos manuyo ang lalamunan ko lalo na nang

