CANDIS' POV Bumilis ang t***k ng puso ko nang mabasa ko ang maliit na card na ‘yon kasama ang bouquet of flowers na nasa basurahan. Bakit n'ya itinapon? Ano'ng dahilan n'ya? Don't tell me biglang nagbago ‘yong isip n'ya kaya tinapon na lang n'ya instead na ibigay sa'kin? Dumiretso ako sa taas habang hawak hawak yung flowers na galing sa kanya. Papasok na sana ako sa kwarto nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Mavy at iniluwa s'ya. Kanina pa kaya s'ya dumating? Hindi na kasi namin namalayan dahil busy kami sa pagkukwentuhan. Napakunot noo ako nang maamoy kong amoy alak s'ya. Teka? Uminom ba s'ya? Saglit na nagkatinginan kami pagkatapos ay napadako ang tingin n'ya sa flowers na hawak ko. Tatanungin ko na sana s'ya pero bigla s'yang parang matutumba. Agad na dinaluhan ko s'ya at i

