MAVERICK'S POV Bumili ako ng fries, sundae at siomai na paboritong paborito ni Candis bago ako pumunta sa botique. D*mn. Hindi ko alam kung ano at bakit ko ginagawa ito. Basta ang gusto ko ay bumalik sila sa bahay dahil pag nalaman ni Meg ang nangyari, magagalit s'ya sa akin panigurado. Baka isipin n'ya pang wala akong pakialam sa pamangkin ko. Kaya kaylangan kong mapabalik si Candis sa bahay, by hook or by crook. Nang pumasok ako sa botique ay may isang couple ang kausap nina Tara at Bessy. One of their customers, I think. Napatayo naman agad sina Bessy at Tara ng makita ako. "Fafa Mavy?" sabay pa nilang sambit. "Where's Candis?" walang ligoy na tanong ko. Nagkatinginan naman ang dalawa bago sumigaw at tinawag si Candis. "Candis! Nandito na ang boyfriend mo!" sigaw ni Tara. Napakunot

