Chapter 6 Till We Meet Again My Dear Jonathan

2601 Words
                                          Nakangiting nagpaalam si Nikki sa ina at pagkuwa'y niyakap ang ginang. "Ma' Ingatan mo ang sarili mo wala ako dito para alagaan ka, huwag mong kakalimutan ang mga gamot mo sa highblood at cholesterol, inumin mo iyon palagi huh?" Naiiyak na habilin niya sa kanyang ina.          Agad naman siyang tinapik ng ginang sa likod at pagkuwa'y hinalikan ang kanyang pisnge. "Magiingat ka doon anak, Huwag mo kakalimutan kumain ng almusal bago pumasok sa School" Habilin ng kanyang Ina habang pinapahid ang mga luha nito "Opo ma, huwag po kayong mag-alala tatawagan kita palagi" Wika ni Nikki sa ina at pagkuwa'y nagpaalam na. Dahil narinig na ng dalaga ang pag announce ng kanyang Flight number, Dali dali ay  kumaway si Nikki sa Ina habang tulak tulak ang pushcart na may lamang bag.       Makalipas ang ilang oras na biyahe papuntang italya ay lumapag na ang eroplanong sinasakyan niya. Hinanap muna niya ang imahe ng babaeng susundo sa kanya mula sa airport. At nang makumpirma niya ang itsura nito ay agad din naman siyang sinalubong nito.      ''Hi, Please to meet you im Cristy'' Pakilala nito sa sarili at pagkuwa'y sabay lahad ng palad nito sa kanya. "Hi please to meet you too Im Nikki Maniego" Pakilala rin niya sa sarili at pagkuwa'y pinagaralan niya ang itsura nito sa tantiya niya ay tila ito modelo sa kanyang itsura dahil matangkad ito makinis ang balat.      Maya maya pa ay niyaya na siya nito ''Lets go?'' Nakangiting paanyaya nito sa kanya. At pagkuwa'y niyaya na siya nito sa pinagparadahan ng sasakyan kaya naman dali dali ay tinungo na nila ang sasakyan nito.       Habang nasa biyahe itinuon muna ni Nikki ang paningin sa dinaraanan nila ng babae. Hindi niya maitangi ang pagkamangha sa lugar kaya naman nasiyahan ang kanyang mga mata sa mga nakikita. Bigla ay napatingin siya sa rear mirror ng sasakyan ng babae na si Cristy at nakangiti itong sinipat siya. Agad naman siyang ngumiti sa babae upang maipahayag dito na nasisiyahan siya sa lugar.      "You like the place Nikki?' Tanong nito sakanya at agad naman niya itong sinagot ''Yes I like it very much I hope to explore more places soon" Nakangiti niyang sagot kay Cristy. At nang makarating na sila sa Dorm na tutuluyan ipinakilala siya nito isa isa sa magiging kasama niya sa kwarto. "Hi girls this is Nikki you're new room mate here" Pagpapakilala sa kanya sa mga ito.       Agad naman nakipagkamay ang mga ito sakanya at pagkuwa'y nakipagkwentuhan. Pasado alas nuwebe na ng gabi ng matapos siya sa pag-aayos ng gamit niya sa kanyang higaan at maliit na cabinet.  Nang bigla ay mag ring ang Phone niya.'Unregistered number ang tumatawag sakanya agad naman niya itong sinagot upang malaman kung sino ito.      ''He-hello" tanong niya sa caller agad naman itong sumagot ''Hi, Nikki Im glad you made it" Sagot ng pamilyar na boses sa kanya. ''Who is this Speaking?" Tanong niya sa kausap  ''Nakakatampo ka naman nakalimutan mo na ba agad ang bestfriend mo?" Sagot ng pamilyar na boses sa dalaga.        Agad naman nabigla si Nikki sa narinig.''Pa-patrick? Its that you?" tanong niya muli dito ''Yes, I am" Sagot muli nito sakanya. At bigla ay tumawa ng malakas ang kaibigan sa kabilang linya. Kaya naman hindi na nagtaka pa si Nikki sa kaibigan kung paano nakuha nito ang kanyang numero. Dahil sa pagkakaalam niya ang ina nito ang tumulong din sa kanya upang magkaroon ng scholarship na kaparehas ng sa kaibigan niyang si Patrick.        Bigla tuloy niyang naalala ang usapan nila ng kaibigan dati  na ang pangarap nilang puntahan na dalawa ay sa bansang Spain. Ngunit ngayon ay naririto na sila sa bansang Italya,  Hindi nagtagal at madalas na siyang bisitahin ng kaibigan sa kanyang Dorm. Ngunit  kung dati ay protective ito sa kanya tila mas dumoble pa lalo ang pagka protective nito sakanya ngayon.       Kaya kahit na nalaman niya ang talagang damdamin ni Patrick para sa kanya ay ituring parin niya itong kaibigan at hindi parin nagbago ang pagtingin niya sa kaibigan. Natatandaan pa ni Nikki noong graduation kasi niya dati ay pinuntahan siya nito sa kanilang bahay at ipinagtapat ang pagibig sakanya ng kaibigan.        Ngunit binasted niya ito dahil noong mga panahon na iyon ay nagkakaunawaan na sila ni Jonathan. Kaya naman bago ito umalis ng bansa ay nagpaalam muna sakanya ang kaibigan at nangakong pagbalik nito at single parin siya ay hindi na siya nito pakakawalan pa.       Simula ng magkita sila noong mga araw na iyon naging mailap naman sakanya si Jonathan hindi na siya nito umano pinupuntahan sa tinutuluyan nilang magina. Maging ang palaging pagtawag sa kanya ni Jonathan dati ay hindi narin ginagawa sa kanya ng binata.      Kaya para kay Nikki ay tila bigla ng tinapos nito ang lahat sakanila ng wala manlang formal Closure na nagaganap. Kaya ng magkita muli sila ni Jonathan sa Mansyon ay laking gulat niya na ito pala ang nawawalang anak ng mag asawang Don at Donya esmeralda.      Kaya kahit labag sa kalooban niya wala siyang nagawa kung hindi pumayag sa kasunduan ng kanilang mga ina na ipagkasundo sila at ipakasal. Ngunit nagbago lamang iyon ng magtalo sila dahil sa pagkamatay ng kabayong si lemery na labis na ikinasama ng kanyang loob.     Ilang araw niya pinagisipan ang nareceive niyang offer mula sa eskwelahan na pinapasukan niya sa kolehiyo. Dalawang araw pagkatapos ng pagtatalo nila ni Jonathan ay nakareceive siya ng scholarship offer mula sa Italy.  kaya naman dali dali ay ikinunsulta niya muna ito sa kanyang ina.     Agad namang pumayag ang kanyang ina dahil para nga naman daw ito sa pangarap niya. Kaya naman ang Mama margarita na niya ang nagpaliwanag kay Donya Esmeralda sa naging desisyon nilang magina na huwag munang ituloy ang pagpapakasal nila ni Jonathan. Dahil narin sa matagal narin niyang pangarap na makapagaral sa ibang bansa.      Para kay Nikki gusto muna niyang unahin ang pagaaral at pagtatapos ng kolehiyo, kesa sa pagaasawa ng maaga. Mula ng magusap sila ni Jonathan noong gabing nalasing ito ay hindi na niya ito kinausap pa at hindi na muna siya nagpupunta at nagaasikaso sa mansyon at farm ng mga ito. Upang makaiwas siya sa pakikipagtalo sa binata.      Napili muna niyang maglagi sa bahay at atupagin ang pagaaral niya sa kolehiyo noong mga panahon na iyon. Ngunit ng huling araw na niya sa San Martin dahil Flight na niya kinabukasan ay napagdesisyunan niya itong kausapin. Ipinaliwanag niya dito ang mga pangarap niya at plano at agad naman nitong naintindihan at hindi na tumutol pa.      Noong huling gabi na nagpaalam na siya dito upang umuwi na siya sa tinutuluyan nilang magina ay pinilit siya nito na ihatid. At agad naman siyang pumayag para pampalubag loob narin dahil kinabukasan na ang pagtungtong niya sa Italya.      ''Niks Hihintayin kita pero pag nainip ako susundan kita doon'' Wika nito sakanya at natawa naman siya sa sinabi ng binata ''Ikaw talaga puro ka talaga biro" sagot niya dito  "Dont me Niks," Seryoso nitong sagot  sakanya at pagkuwa'y bigla siyang hinalikan sa labi na bigla niyang  ikinagulat. "Jo-jonathan naman bigla-bigla ka nanaman nanghahalik ng hindi nagpapaalam'' Nahihiya niyang wika sa binata. ''Bakit kapag ba nagpaalam ako papayag ka?'' Tanong nito sa kanya. Ngunit hindi naman siya nakaimik at pagkuwa'y nagpaalam na ito sa kanya at sumakay na sa auto nito mabilis na pinaharurot ang sasakyan.        Last subject na ni Nikki ng magulat siya ng bigla siya hinatak ng kaibigan niyang si Karen na kapwa niya pinoy. ''Hey Nikki i want you meet someone" wika nito sakanya at walang ano ano ay hinatak siya nito papunta sa corridor at tinungo ang grupo ng mga kalalakihan na nagkukumpulan doon. Agad naman napukaw ang mga attention ng mga ito ng makita sila ni karen na paparating.'       "Hey, Luke here she is'' Pagpapakilala ni karen sa kanya sa binata at pagkuwa'y pinagaralan muna niya saglit ang itsura nito sa pagtatantiya niya ay tila modelo ito. At tila ito isang prinsipeng nahulog sa lupa at sinalo lahat ng kagwapuhan. Almost perfect kasi ang itsura nito sa palagay niya ay madami ang nahuhumaling dito.        Nahihiyang nakipag kamay sakanya si Luke ''HI-hi I-im luke" Pakilala nito sa kanya at pagkuwa'y inilahad nito ang kamay sakanya. At agad naman siyang nakipagkamay dito ''Im Nikki" Sagot niya sa binata. At pagkuwa'y dali dali siya nitong hinatak at ipinasyal sa library ng school at ipinakita nito sa kanya ang hideout nito at ng mga kaibigan nito.       Hindi nagtagal at napalagay ang loob ni Nikki kay Luke kinikilig kasi siya tuwing magpapakita ito ng interest sa mga binabasa niya. Halos araw-araw ay nakakasama niya ang binata sa library dahil isa ito sa topnotcher ng school na pinapasukan nila.       Hobby nito ang magbasa sa library para kasi dito Reading makes him more genius na palagi nitong sinasabi kay nikki tuwing nakikita niya ito sa library. Bachelor in art kasi ang kinukuha nito at siya naman sa kursong pang Financial Management.       Kinaumagahan dumaan muna si Nikki sa isang convenient store na malapit sa tinutuluyan niya upang makapamili ng ilan sa pangangailangan niya.  Akmang papasok na siya sa loob ng convenient store ng bigla ay nabungo niya ang papalabas na si luke. Habang dala dala nito ang ilang pinamili sa loob ng store.       Agad naman itong natuwa ng magkita sila at magkabunguan, Kaya naman napagdesisyunan nilang dalawa na doon na magbreakfast sa labas ng convenience store. At agad naman siyang pumayag ''Hey niks, Can you come with me tonight?" Pag aya ng binata sakanya. Tutal naman at wala namang silang pasok kinabukasan ay agad naman siyang pumayag.      ''Ye-yeah sure, Im come with you, But anyway where is this place?" Pagtatakang tanong niya sa binata. ''Ahm, You will see it for yourself" Nakangiting sagot sakanya ni luke. Maya maya pa ay bigla naramdaman ni Nikki na bigla ay may tumabi sakanya sa upuan at inakbayan siya mula sa likuran.       Laking gulat ni Nikki ng makita niyang si Patrick pala na kanyang bestfriend ang tumabi at umakbay sa kanya. Ngunit nang sipatin niya ito ay nakataas na ang kilay nito at nakatingin kay luke. ''Hi babe who is this guy?" Tanong ni Patrick sa kanya at tila hindi mawari ang muka. Sa inis ni Nikki ay bigla niyang siniko ang kaibigan at pagkuwa'y kinurot sa tagiliran.      "Ano ka ba Patrick, ano bang ginagawa mo dito ng ganito kaaga?'' tanong niya sa kaibigan. Ngunit hindi pa nagsasalita si Patrick ay agad naman nakipagkamay sakanya si Luke at inilahad nito ang kamay. "By the way I'm Nikki's Friend" Pakilala ni luke sa sarili. At agad naman inabot ng matamlay ni Patrick ang kamay nito.''Niks see you tonight" ito lang ang nasabi ni luke at nagpaalam na sakanila. ''O-ok see yah around'' Tila naiilang niyang sagot kay luke.      ''Niks sino yun?'' Tanong ng kaibigan niyang si Patrick habang nakanguso at itinuturo ang naglalakad nang papalayong si luke. ''Kaibigan ko din siya Pat, at bakit mo ba ako tinawag na babe kanina hindi naman kita Jowa" Sagot niya sa kaibigan at sabay irap niya sa binata. ''Nikki ayaw ko lang mapahamak ka dito lalo na at hindi naman tayo tiga dito sa bansang to kaya nga" Paliwanag ni Patrick ngunit hindi pa natatapos ni Patrick ang sasabihin ay bigla ng tumayo si Nikki.        Ngunit akmang tatayo na si Nikki upang bumalik na sa dorm ng bigla naman siya hinawakan sa braso ni Patrick. ''Sorry niks" Nakasimangot nitong pakiusap sa dalaga ''Ok fine, naiintindihan na kita pero next time huwag ka naman agad susulpot ng walang pasabi Okay?" Paliwanag niya sa kaibigan ''Ok fine, whatever" At agad nitong kinuha ang mga dala dala niya at hinatid na siya sa dorm.       Kinagabihan narinig ni Nikki na may nag doorbell sa Kwarto nila at dali dali ay tinignan niya sa maliit na butas ng pinto. at pagkuwa'y kinumpirma kung ang binatang si Luke na nga ang naroon at hindi nga nagkamali si Nikki. Nakita niya itong nakatayo sa labas at nakapamulsang naghihintay sa kanya. Agad naman niya itong pinagbuksan ng pinto at gayun nalang ang pag kakagulat nito ng makita siyang lumabas sa silid at pagkuwa'y tila natuod ito sa kinatatayuan habang titig na titig sa kanya.      ''Luke what happen? do i have something in my face?" kunot noo niyang wika kay luke at agad naman itong tumikhim ''Oh no,there is nothing on your face I-iim just happy to see you and you look so beautiful tonight" At pagkuwa'y tumindig ang binata at pinalagay ang kamay ni Nikki sa braso nito. at hindi nagtagal at niyaya na siya nitong bumaba papunta sa sasakyan nito na dala ng gabing iyon.       Hindi maipaliwanag ni Nikki ang sayang naramdaman niya ng marating nila ang lugar na gustong ipakita nito sakanya. Dahil talagang maganda ang ambience ng lugar na iyon napaka romantic at mukang sosyal kaya naman hindi maialis ni Nikki ang mamangha sa lugar.      "This way sir/maam.'' Turo ng naguguide sakanila papunta sa private hardin na pupuntahan nila. Dahan dahan siya nitong inalalayan hanggang makaupo sa isang magarang silya ng hardin na iyon. Para sa kanya isang romantic place iyon na kung saan madami siyang nakikitang magkasintahan na naroon at nakatingin sa mga fireworks display ng lugar na iyon pati ang background music ng lugar ay akma sa gabing iyon'.        Napatingala bigla si Nikki at iginala ang paningin sa paligid upang sipatin ang mga naroon, Pakiramdam tuloy niya napaka special niya dahil dinala siya roon ni Luke. Natapos ang gabing iyon na masaya ang kanyang pakiramdam dahil sa wakas nakapag unwind siya kahit papaano, at nakapunta siya sa isa sa mga lugar doon na hindi niya makakalimutan kapag umuwi na siya ng pinas.        Maganda ang gising ni Nikki ng umagang iyon dahil sa romantikong lugar na pinuntahan nila ni Luke hindi niya maitatangi na impress siya talaga kay Luke ng mga sandaling iyon. Bigla ay nag ring ang telepono niya at rumehistro sa screen ang pangalan ng kanyang Mama margarita. Kaya dali dali niya itong sinagot.       ''He-hello ma?'' Agad din naman itong sumagot  ''He-hello a-anak, kamusta ka na diyan?'' tanong ng ina sakanya. ''Ok lng po ma kakagising ko lang po'' Sagot niya sa ina. ''Ganoon ba nag agahan ka na ba?'' Tanong ng muli ng kanyang ina. ''Hindi pa ma kakagising ko lang eh'' At nagsimula na siyang magkwento sa ina nang mga nangyare sa kanya noong gabi na ipinasyal siya ni Luke. Isa isa niyang idinetalye sa ina ang uri ng lugar na pinagdalhan sa kanya ng kaibigan na si Luke at hindi niya maitangi sa ina ang paghanga sa lugar.      .''Naku anak magiingat sa mga lalaking kakaibiganin mo diyan huwag ka basta-basta magititiwala Okay?" Pangaralsa kanya ng ina. ''Opo ma, huwag po kayong magaalala sa akin'' Sagot niya muli sa ina.        ''Ok anak siya nga pla nagkita na ba kayo ni Jonathan diyan?'' Bigla ay tanong ng ina ni Nikki. Kaya naman bigla ay nagulat si Nikki sa sinabi ng ina. ''What Ma,? Pupunta si Jonathan dito?" Gulat na tanong niya sa kanyang ina. ''Oo anak, Siguro ay hindi na matiisni Jonathan na hindi ka makita, kaya naman nagpaalam sa amin ng Mommy niya na susundan ka nga daw niya diyan'' Paliwanag ng ina niya sakanya.        ''Okay sige anak, kumain ka na at madami pa akong gagawin dito sa farm, dahil nag dadagdag ng tao si Donya Esmeralda dahil mas dumami ang investor sa farm" Muli ay paliwanag ng kanyang ina at pagkuwa'y nagpaalam na sa kanya..         Bigla ay natulala si Nikki habang nakaupo sa gilid ng kama, Hindi kasi mawala sa kanyang isip ang mga sinabi ng kanyang ina tungkol sa pagsunod ni Jonathan sa kanya sa italya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD