Titig na titig si Nikki sa noo'y si Jonathan na tulog na tulog sa tabi ng kama ng Ina. Simula kasi ng maconfine ang Mommy nito hindi na ito umalis sa tabi ng Ina. Tanging si Nikki lang ang nagprisinta kay Jonathan na magaayos ng lahat ng kakailanganin ng ginang. Masakit parin para sa kanya na makita ang tita Esmeralda niyang nakaratay sa kama ng hospital gayung naging napakabuti nito sa kanilang mag Ina. Kaya napagpasyahan niyang manatili muna sa tabi ng ginang at maging sa kanyang Ex Fiance. Kahit na tila wala ng pagasa ang kanilang relasyon. Maya-maya pa ay dumating na ang Fiance ng binata na si Mary gulat na gulat naman si Nikki dahil sa Paghihisterical ng babae. Iritable niya itong tinignan mula ulo hanggang paa

