Don Damian's POV "MATIGAS din ang ulo ng manugang mo Miguel!" Naiiling siya. Hindi niya akalain na sasalungatin siya ni Juancho. "Nakakuha na naman ng kakampi ang anak mo kaya lalong tumitigas ang ulo." "Kasalanan mo rin Pa. You spoiled her too much." Katwiran ng magaling niyang anak. "Dahil pabaya ka! Anong gusto mong gawin ko kapag iniiwanan niyo siya sakin at umiiyak siya dahil na mi-miss kayo? Natural na ibigay ko ang lahat ng gusto niya hanggang sa nasanay na ako at hindi ko na siya matanggihan!" Bumuntong hininga siya. "Tapos ngayon nakakuha pa ng kunsintidor na asawa" Tumawa si Miguel. "You choosed him for Erika so blame yourself, Pa." Marahas na napabuntong-hininga siya. Sa lahat kasi ng apo niya si Erika at Sabrina ang malapit sa kanya dahil ang kabataan ng mga ito ay sa ka

