FOUR
“Mommy kailan po ba ulit tayo mamamasiyal nila Daddy?” tanong sa akin ni Macy habang nagluluto ako.
“Honey, you need to rest, iyon ang sabi ng Doctor. Don't stress out yourself, and we're going out next weekend.”
“Okay, Mommy, maglalaro lang po ako, ah,” paalam niya sa akin.
“Okay, take care. Huwag kang magpapaka-pagod baby, ha?” sabi ko at humalik sa pisngi niya. Ilang minuto ko siyang tinitigan bago ako bumalik sa ginagawa ko.
Isang linggo na ang nakalilipas simula ng araw na nalaman namin ang sakit ni Macy. Si Martin ay todo-kayod pa rin para sa anak namin baka raw may magpautang sa amin. Pero kahit ako ay hindi ko ma-imagine ang perang kailangan para sa operasyon. Hindi ko alam kung saan ako kukuha madami na rin akong napagtanungan na mga kaibigan namin at willing naman silang tumulong but its not enough.
Isang linggo na rin nang alukin ako ni Lance at hindi kolubos maisip na kaya niyang sabihin iyon sa akin. Hindi ko ipinaalam kay Martin ang tunkol kay Lance kasi kilala siya nito. Ayokong maungkat ang nakaraan sa pagitan naming tatlo. Hindi ko maintindihan kung bakit sa dami ng babae sa paligid nito ay ako pa ang gusto inalok nito.
Bumalik ang huwisyo ko nang maramdaman kong may mga bisig ma yumakap sa akin mula sa likod. Napangiti ako. He’s always been like this—a very protective and loving husband.
“I miss you Honey,” bulong niya sa punong tenga ko.
“I miss you too. Magpahinga ka na para makapag-hapunan na tayo.”
“May kasama pala ako sa labas, I know you’d be happy to see him.” Inakay niya ako palabas ng kusina. Hindi na ako nang-usisa pa kung sino ang kasama nito dahil nakatitiyak naman siyang isa iyon sa mga kaibigan nila.
Pero hindi ko inaasahan na ang tinutukoy nitong taong ikatutuwa kong makita ay ang lalaking nag-alok lang naman sa kanya na anak siya. Kung kagaya pa rin sila ng dati ay maaring matuwa pa ako pero hindi na kami katulad ng dati. Marami nang nabago sa buhay namin at maging ang pakikitungo namin sa isa’t-isa. Lalo na sa huling beses na nagka-usap kami, parang sinaksak niya ako ng matalI’m na kutsilyo na sumugat sa pagkatao ko.
“Hi Celine, It’s nice to see you again.” Masaya niyang bati sa akin.
Lihim ko siyang sininghalan ng tingin. Kahapon lang tayo nagkita sa opisina, huwag kang feeling, oi!
Tango lang ang isinagot ko sa kanya at bumalik sa kusina ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa kusina ay nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran ko. Kaagad ko siyang itinulak, parang akala mo ay nobyo ko na ngayon lang ulit kami nagkita.
“Walang-hiya ka! Anong ginagawa mo dito?” galit na tanong ko at hindi ko napigilan ang sarili kong sampalin siya. Nag-init ang dugo ko sa ginawa niya. Napakawalang-hiya! Dito pa talaga sa sarili kong bahay siya nito binastos.
“Walang-hiya? Tandaan mo iyan, Celine. Itong walang-hiyang ‘to ang taong tatakbuhan mo baling-araw!” mariin niyang wika sa akin at walang pasabing tinalikuran ako.
“Kahit kailan ay hindi ako tatakbo at hihingi ng tulong sa ‘yo! Asshole!” sagot ko sa kanya at sa sobrang buwiset ko ay ibinalibag ko ang hawak kong basahan. Mabuti na lang at basahan ang hawak ko dahil kung nagkataon ay nakapag-ingay pa ako ng wala sa oras.
Hindi ko alam na nakalapit na pala samin si Martin mabuti na lamang at hindi niya kami nakita sa ganoong ayos. Ayokong isipin niya na may ginagawa kami ni Lance. Mahal ko si Martin, mahal na mahal kaya ayokong nakikitang nagagalit o nasasaktan ko siya.
“Anong nangyari kay Lance? Bakit gusto nang umuwi iyon?” Nagtatakang tanong niya nang makalapit sa akin.
“Hindi ko alam. Baka may biglang lakad,” kibit-balikat kong sagot.
“Ganoon ba? Oo nga pala baka mawala ako sa loob ng dalawang linggo, inaalok kasi ako ni Lance ng partnership sa isang bagong negosyo niya.” Nagulat ako sa sinabi niya. Tiyak siyang may balak ang buwiset na iyon.
“Mukhang matagal na kayong nag-uusap at may ganiyan na kayong deal? Bakit hindi mo man lang pinapaalam sa ‘kin?” inis kong saad.
I know he's doing this for Macy, but I know too. Lance is up to something.
“Honey biglaan lang iyon at maganda iyong offer ni Lance so, I have to grab it. Lalo na ngayon, kailangan natin ng pera para sa operasyon ni Macy so, we need to take any opportunity we have,” paliwananag niya habang hinahagod ang braso ko.
“Ikaw ang bahala,” tipid kong sagot at lumabas ng kusina.
Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon na ang alis ni Martin papuntang Pangasinan. Kahit gusto ko man siyang pigilan ay ‘di ko magawa kasi talagang kailangan namin iyon.
“Honey, call me if something happen and please be strong gagawa ako ng paraan para kay Macy, ayokong nakikita kang nahihirapan,” saad niya habang papunta kami sa parking lot. Bitbit niya ang kanyang maleta habang nakaakbay naman sa akin ang isa niyang braso.
Mami-miss ko siya ng sobra, ngayon palang kasi siya malalayo sa ‘ming mag-ina. Kahit malapit lang ang Pangasinan, feeling ko nasa ibang bansa ito.
“Of course, I need to be strong, and I have to. Mag-iingat ka roon, and don’t worry about us, I’ll take care of Macy while you’re gone. Tumawag ka lagi at huwag kang magpapaka-oagod doon,” sabi ko at yumakap sa kanya nang mahigpit.
Hindi ko mapigilan ang umiyak, naghahalu-halo ang nararamdaman ko ngayon tapos lalayo pa siya. Pakiramdam ko tuloy ay maiiwan akong mag-isa na haharapin ang mga problema namin.
“Please, don’t cry, honey. Baka hindi ako mapakali pagdating ko ro’n kung ganiyan ka. Dalawang lingo akong mawawala kaya kailangan mong magpakatatag habang nasa malayo ako. Isipin mo na lang si Macy at para sa kanya ang ginagawa nating ito. I love you, always remember that.” Hinalikan niya ako sa ulo at nakangiting bumaling kay Macy na nasa tabi ng Yaya nito.
“At ikaw naman, ‘wag maging pasaway at laging makinig kay Mommy, okay?”
“Yes, Daddy, pero iyong pangako mo sa akin, ah!” nakangiting tumango si Macy sa Daddy nito. SA unang tingin ay hindi mo aakaalain na may sakit ang bata dahil sa pagiging masiglahin nito.
“Oo naman. A promise is a promise! I love you, both,” sagot niya kay Macy.
“We love you too, Daddy.”
“Sige na, umalis ka na at baka abutan ka ng trapik. Mag-iingat ka lagi, I love you.” Isang mahigpit na yakap at halik sa labi ang iginawad ko sa kanya bago siya tuluyang sumakay sa kotse.