THIRTEEN Nagising ako sa init na tumatama sa mukha ko. Nasa yate pa rin kami at hindi na kami nakauwi kagabi dahil sa sobrang abala. Abala kakapaligaya ng isa’t-isa, napangiti ako habang inaalala ang mga pinagsaluhan namin ng babaeng minamahal ko. Oo mahal ko pa rin siya. Kailan ba nawala sa isip at buhay ko ang babae? Siya ang ginawa kong inspirasyon para makarating sa kung ano ang mayro’n ako ngayon. “Nasa’n na kaya ‘yong babae na ‘yun?” tanong ko nang makapa na wala na akong katabi. Dali-dali akong bumangon sa kama at hinanap ang suot ko kagabi. Tanging boxer lang ang nakita kong nakasampay sa gilid ng upuan. Mabilis kong isinuot iyon pupunta na sana siyang banyo para tingnan ang babae ngunit nakarinig ako ng isang musika sa labas ng kuwarto na sinasabayan nang pag-hum niya. Tah

