East Sun University
"HI, SISTER-in-law!" masiglang bati ni Dolphin kay Madison nang makita niya itong naglalakad sa hallway.
Nilingon siya nito. Ngumiti ito. "Hello, Dolphin. Kanina pa kita hinahanap."
Hinila ni Dolphin si Madison papunta sa school canteen. Kahit magkaiba ang schedule nila ni Madison dahil Business Management ang kurso niya samantalang Education naman ang kaibigan ay pinipilit pa rin niyang makahanap ng oras para magkasama sila.
Bilang future sister-in-law ni Madison, mabait siya sa dalaga. Para matuwa na rin si Connor sa kanya.
"Bakit ang tagal niyo?" reklamo ni Jam nang saluhan nila ito ni Madison sa mesa.
"Pasensiya ka na, Jam. Ang tagal kasi ng club meeting namin," katwiran ni Dolphin.
"Baka club meetings?" pagtatama ni Jam. "Sampu yata ang club na sinalihan mo rito sa East Sun eh!"
Natatawang iwinasiwas niya ang kamay niya. Nilabas niya ang flyer na nakatali ng goma mula sa bag niya. "Dahil pinaalala mo, may bagong campaign ang Save The Mother Earth Organization na kinabibilangan ko. Balak naming magsagawa ng clean-up project sa isang beach sa Batangas. Baka gusto niyong sumama?"
Jam smiled apologetically at her. "Sorry, Dolphin, but I can't join you. Natanggap na kasi si Ate Peanut sa isang malaking TV network kaya our family will celebrate in Tagaytay the whole weekend," anito na ang tinutukoy ay ang stepsister nito.
Tila nahihiyang ngumiti naman si Madison. "Pasensiya na, Dolphin. Baka kasi hindi ako payagan nina Mommy kasi malayo."
"Ah. Okay lang naman. I'm sure na marami pa rin namang sasama sa grupo namin. Speaking of which, kailangan kong i-tweet ang tungkol sa project namin na 'to para malaman ng mga schoolmate natin," positibo sabi ni Dolphin.
Napasinghap si Jam mayamaya. "Kasabay ng clean-up drive niyo ang birthday mo. Mag-se-celebrate ka habang naglilinis ng beach sa Batangas?"
Tumango si Dolphin. "Mas mahalaga naman ang project namin kaysa sa birthday ko. I can celebrate earlier naman."
Hindi na nagkomento sina Jam at Madison.
Naging abala na si Dolphin nang buksan niya ang Twitter niya sa cell phone niya. Nag-tweet muna siya tungkol sa proyekto nila, saka siya nag-tweet kay Connor.
Dolphin Antonette Sylvestre: Hello Engineer @HELLOConnor! Congratulations on passing the board exam! I'm so proud of you! I love you!
Habang nag-i-stroll down ay napasimangot si Dolphin sa mga nababasa niyang tweet ni Connor. Puro si Madison lang kasi ang binabanggit ng binata.
Connor Mac Domingo: @Maddie, I'm with @HELLORiley. 'Wanna eat with us?
Nakangiting nilingon ni Dolphin si Madison. "Mad, sagutin mo 'yong huling tweet ni Connor. Sabihin mong inilibre kita ng lunch para malaman niyang inaalagaan ka ng future sister-in-law mo."
Natawa lang si Madison, saka nilabas ang cell phone.
Madison Reynaldo: Kuya @HELLOConnor, I'm with @DolphinInTheSea. Nilibre niya ko ng lunch. :)
Hindi na muling sumagot si Connor. Kapag kasali na si Dolphin sa usapan ay nawawala ang binata bigla.
Bumuntong-hininga si Dolphin. "Nakakainggit ka, Madison. Ikaw lang ang pinapansin ni Connor sa Twitter."
"Natural. Magkapatid sila, eh," sabad naman ni Jam. "Dolphin, ikaw lang naman yata ang hindi pinapansin ni Connor sa Twitter."
Lumabi si Dolphin. "You're lucky to be Connor's stepsister, Mad. Lagi mo siyang kasama at nakikita."
Madison smiled gently. "Oo, masuwerte talaga ako dahil kahit hindi nila ako kadugo, naging mabuti sila sa'kin."
Nilingon si Dolphin ni Jam. "Dolphin, naiinggit ka kay Madison?"
"Of course not," kontra ni Dolphin. "I want to be Mrs. Connor Mac Domingo someday."
Bahagyang kumunot ang noo ni Madison. "Dolphin, bakit gusto mo pa rin si Kuya Connor kahit... kahit mukhang hindi naman siya interesado sa'yo?"
Nawala ang ngiti ni Dolphin, kinabahan dahil tila ba tutol si Madison sa ginagawa niyang "panliligaw" kay Connor. "Ayaw mo ba kong maging sister-in-law, Mad?"
Sandaling nawalan ng imik si Madison, pero saglit lamang iyon at mayamaya ay umiling-iling ito at ngumiti. "Hindi naman sa gano'n, Dolphin. Nag-aalala lang ako na baka nasasaktan ka na sa ginagawa mo. Baka mapagod ka."
Bumalik ang ngiti ni Dolphin. "Ay, don't worry about me. Hinding-hindi ako mapapagod mahalin ang aking baby lo –"
Natigilan siya nang may aninong lumilim sa kanila. Nang tumingala siya ay sumalubong sa kanya ang tatlong lalaki.
"Hi, Madison. Mabigat ba? Do you want me to help you with those melons?" nakangising pambabastos ng lalaki na ang tinutukoy ay ang malulusog na dibdib ni Madison.
Nagpanting ang mga tainga ni Dolphin nang marinig ang lantarang pambabastos ng isang aroganteng lalaki kay Madison na napayuko lang dala marahil ng pagkapahiya ng magtawanan ang iba pang kalalakihan na kasama ng manyak.
"Hi, jerk!" masiglang bati ni Dolphin sa lalaking nambastos kay Madison. Kunot-noong nilingon siya ng manyak. "Mahirap ba? Do you want me to help you walk straight?"
"What?" naguguluhang tanong ng lalaki.
Pinatamis ni Dolphin ang ngiti. "Hindi ka kasi proportion. Mas malaki 'yang katawan mo kaysa sa ulo mo. Kinakapos yata ng sustansiya 'yang kakarompot mong utak dahil napupunta lahat sa muscles mo."
Napatunayan ni Dolphin na siga ang lalaki nang hablutin siya nito sa kuwelyo ng damit niya at hilahin siya patayo. Napatayo rin sina Madison at Jam.
"Ulitin mo nga 'yong sinabi mo," nagbabantang sabi ng lalaking humablot sa kanya.
Tinapik niya ang kamay nito, saka niya ito binigyan ng ngising-aso. "Hindi ka kasi proportion. Mas malaki 'yang katawan mo kaysa sa ulo mo. Kinakapos yata ng sustansiya 'yang kakarompot mong utak dahil napupunta lahat sa muscles mo."
Gumuhit ang galit sa mukha ng lalaki. "At talagang inulit mo nga!"
"Hey, stop it," saway ni Madison sa lalaki. Pero paglapit nito ay tinulak ito ng bastos na binata. Napalakas ang pagtulak dito kaya humagis ang payat na katawan ng dalaga at tumama ang ulo sa gilid ng mesa.
"Madison!"
***
NANG makita ni Dolphin ang galit na mukha ni Connor, hinanda na niya ang sarili niya sa pagsalo ng galit ng binata.
Pagkatapos maaksidente ni Madison ay dinala nila ito sa clinic para ipatahi ang sugat sa noo nito. Tinawagan niya agad si Connor kaya napasugod ang binata ro'n.
Si Albert Dionisio naman – ang bastos na lalaki – ay nahuli at na-expell na sa East Sun University dahil sa nangyari.
"Where's Madison?" tanong agad ni Connor paglapit nito sa kanya.
Tinuro ni Dolphin ang pinto ng clinic sa likuran niya. "Nasa loob pa siya. Pero huwag kang mag-alala, Connor. Tinahi lang naman ang sugat sa noo ni–"
"'Lang'?" tila hindi makapaniwalang pag-uulit ni Connor sa sinabi niya. "Tinahi lang ang sugat niya sa noo?"
Nakagat niya ang ibabang labi niya. Nagkamali siya ng ginamit na mga salita.
"Connor," saway ni Riley dito.
Pero hindi nakinig si Connor dahil matalim pa rin ang tingin nito sa kanya. "Ano ba'ng nangyari, Dolphin? Ikaw ang kasama ni Maddie, 'di ba?"
Lalo siyang nataranta. "Napaaway kasi ako... 'tapos sinubukan ni Mad –"
"'Mad'? Ano'ng tingin mo kay Madison, baliw? Call her 'Maddie' and not 'Mad'!"
"Okay, okay." Humugot siya ng malalim na hininga. "Ayun nga. Maddie tried to save me, pero siya ang napahamak –"
"So it's your fault?" putol ni Connor sa sinasabi niya. "Because of you, Maddie got hurt. Puwede ba, Dolphin? Huwag mong idadamay si Maddie sa mga kalokohan mo."
Nasaktan siya sa sinabi ni Connor. Pero dahil tanggap naman niyang kasalanan niya ang nangyari kay Madison, hindi na siya sumagot. Pinilit niyang ngumiti. "Sorry. Pero don't worry. Madison will be fine."
Hindi niya alam kung bakit tila nahimasmasan si Connor habang nakatingin sa kanya. Mas ginandahan niya ang ngiti niya. Mukhang umepekto naman dahil kumalma ang itsura ng binata.
Tinapik ni Riley sa balikat si Connor. "Connor, silipin mo kung tapos na ang pagtahi sa sugat ni Madison nang makauwi na tayo."
Tumango si Connor. Tiningnan lang siya nito bago siya nilagpasan.
"Sorry."
Napatingin si Dolphin kay Riley. Alam niyang para iyon sa ikinilos ni Connor. Ngumiti lang siya. "Okay lang."
"I'm sure Connor is worried about you too. Napangunahan lang siya ng pag-aalala sa kapatid namin."
Nabuhayan siya ng loob dahil sa sinabi ni Riley. Sa pagkakataong iyon ay masaya na ang ngiti niya. "Salamat, brother-in-law."
***
"KUYA Connor, walang kasalanan si Dolphin. Hindi naman siya mapapaaway kung hindi niya ko ipinagtanggol," nakasimangot na sabi ni Madison.
Bumuga ng hangin si Connor. "Nasaktan ka pa rin, Maddie."
Pagkatapos magamot ni Madison sa clinic ay inuwi na nila ito ni Riley sa bahay. Pero umalis din agad si Riley dahil kakatagpuin daw nito ang agent nito na nagbabalak isali ang mga painting ng kapatid niya sa isang malaking exhibit. Though Riley was busy with Crayon everyday, he was still trying his best to live his life as an artist.
"Wala ito kompara sa mga nagawa ni Dolphin para sa'kin," giit pa rin ni Madison. "Hindi mo alam kung ilang beses na kong ipinagtanggol ni Dolphin kaya wala kang karapatang pagalitan siya dahil sa nangyari sa'kin, Kuya. You didn't have to overreact too."
"Maddie..."
Hindi pa rin siya pinansin ni Madison.
Hinawakan niya ang kamay nito. No'n siya nito nilingon. "I'm sorry, Maddie."
Umamo agad ang mukha nito. "Kuya, hindi ka sa'kin dapat mag-sorry."
May sumipa sa sikmura niya. Of course Madison was right. Nakokonsensiya na rin naman talaga siya sa mga nasabi niya kay Dolphin, pero dala lang naman iyon nang labis na pag-aalala niya kay Madison.
Bumuntong-hininga siya. "Fine. I will apologize to Dolphin."
Umaliwalas ang mukha ni Madison. "Talaga, Kuya?"
Tumango siya. "Oo, gagawin ko 'yon. Kaya 'wag ka nang magtampo, okay?'
Ngumiti si Madison at niyakap siya. "Salamat, Kuya."
He froze. He felt so happy to be hugged by Madison, but his self-restriction was suffocating him. Kaya labag man sa kalooban niya, kumalas siya sa yakap nito. "You should rest, Maddie."
Tumango ito. "Okay. Thank you, Kuya Connor."
Ngumiti lang siya.
Paglabas niya ng kuwarto ni Madison ay nasalubong niya ang mommy niya. Halatang hindi ito masaya sa nangyayari.
"Mommy," bati niya rito. "Madison got four stitches, but she's fine. Pero inuwi na namin siya para makapagpahinga siya."
"I see." Ngumiti ang ina niya, pero may pangamba pa rin sa mga mata nito. "Connor, we have to talk."
Walang tanong-tanong na sinundan niya ang ina niya sa study. Nang mapag-isa sila ro'n ay tila ba bumigat ang hangin sa paligid.
"Connor, masaya ako na magkasundo kayo ni Madison," pagsisimula ng ina niya. "In fact, magkasundong-magkasundo nga kayo."
Naikuyom niya ang mga kamay niya para kalmahin ang sarili niya. Mukhang alam na niya kung saan papunta ang usapang iyon.
"Mabuti rin naman ang trato ni Riley kay Maddie. Pero iba ka, Connor," tila natatakot at nangangambang paalala ng ina niya.
"Mommy –"
"Madison is your stepsister, Connor. Mga bata pa lang kayo, lumaki na kayo bilang magkapatid," mariing sabi ng ina niya.
Bawat salitang binitawan ng ina niya ay tila kutsilyong bumaon sa puso niya. "Alam ko, Mommy. Alam ko."
Kahit sa pandinig niya ay may sakit sa boses niya. Iyon marahil ang dahilan kung bakit gumuhit ang simpatya sa mukha ng ina niya.
Nag-iwas ng tingin ang mommy niya. "Well, I've been thinking. Ilang buwan na lang, ga-graduate na si Madison. Plano kong dalhin siya sa Amerika."
"What?"
Tinitigan siya nito ng diretsa sa mga mata. "Dadalhin ko si Madison sa Amerika, Connor."
Para ilayo sa'kin. "You can't do that, Mom."
"Bakit hindi?"
"Nandito sa Pilipinas ang pangarap ni Maddie, 'My," giit niya. "Gusto niyang magturo sa mga bata dito. Gusto niyang umakyat ng bundok at turuan ang mga katutubo. You just can't take that away from her, Mommy. Not because of me."
"Kung alam mo naman palang ikaw ang dahilan kung bakit ko ilalayo si Madison, bakit hindi mo pa ayusin ang nararamdaman mo para sa kapatid mo?" galit na tanong nito sa kanya.
Nasaktan siya. Ayusin ang nararamdaman niya? Kung gano'n, para sa kanyang ina, talagang mali ang damdamin niya para kay Madison. Pero kahit kailan naman, hindi siya umasang maiintindihan siya ng pamilya niya. Para sa lahat ng tao, nakakadiri at mali ang pagmamahal niya para sa stepsister niya.
Nanghina siya sa kumpirmasyon na iyon.
Lumuwag ang pagkakakuyom ng mga kamay niya nang salubungin niya ang determinasyon sa mga mata ng ina niya. Alam niyang kapag hindi niya sinunod ang kanyang mommy, talagang gagawin nito ang sinabi nito. Hindi niya kayang alisin ang pangarap ni Madison dito nang dahil lang sa damdamin niya.
Tatanggapin niya ang pagkatalo.
Sa ngayon.
He smiled a smile of defeat. "Mommy, if I try to fall in love with someone else, with someone you approve of, you'll let Maddie stay?"