CHAPTER 8

491 Words
Daewon's POV Pagkababa ko, naririnig ko si Tita Ellis na may kausap sa phone pero hindi ko sinasadya na marinig yung pinag-uusapan nila. "Ano? Okay na ba siya?" Nag-aalalang tanong ni tita sa kabilang linya. "Mabuti naman. Papunta na kami dyan." Sabi ni tita, bago ibinaba yung linya. "Napano?" Tanong ni mom kay tita. "Okay na daw. Pinatest siya ulit ng electrocardiogram test." Sagot ni tita. Di ba ECG test yun? Para sa puso? Sino yung pinatest nila ulit? "Nalulungkot tuloy ako abigail. Naawa ako para sakanya, ang daming naapekto dahil sa nangyari sakayan. Gusto niyang umuwi pero hindi pa pwede." Kwento ni tita. "Pwede naman siyang umuwi. Minsan lang naman umatake diba? Bakit hindi mo pa pagbigyan na umuwi?" "Ilan linggo na lang ooperahan na siya. Tama bang pauwiin ko muna siya? Baka maganda." "Baliw, negatibo kasi yung iniisip mo. Kung gusto mo isama mo sa benguit. Para makapagbakasyon tayo lahat." Suggest ni mom. Sino binabanggit nila? Umiling na lang ako bago pumunta ng kusina. Ilan minuto lang pumasok si mom kasama na si dad sa kusina. "Mom. Nasaan si tita ellis?" Tanong ko. "Umalis na siya. Emergency daw talaga." Sagot niya. "Manang. Patawag nga po si Dalhia kakain na po." Sabi ni mom. Ilan sandali lang bumaba si manang pero hindi niya kasama si dalhia. "Nasaan po manang?" Tanong ni dad. "Ayaw niyang bumaba denver. Busog pa daw." Sabi ni manang. "Ganon ba. Maraming salamat manang." Sagot ni dad. Habang kumakain kami biglang nagsalita si mom. "Naawa na ako sa anak natin. Ikaw kasi." Pagsisi ni mom kay dad. "Ano na naman ginawa ko?" Nagtatakang tanong ni dad habang ako tahimik lang na nakikinig sakanila. "Kung hindi niyo kasi pinalayas si princess hindi lalayo yung loob niya sayo kahit sa panganay mo." "Kung hindi ko lang nalaman na nagbar siya noon hindi ko siya papalayasin kahit pa si Daewon hindi gagawin yun pero nalaman ng anak mo at sinabi sakin. Tapos ganito pa yung malalaman ko yang anak mo pumatol sa babae." "Bakit hindi mo hayaan. Nasa tamang edad na yung anak natin para magdesisyon sa sarili niya pero binibaby niyo pa din siya. Jusqo tumaas yata yung highblood pressure ko." Sabi ni mom. Tumingin sakin si mom. "Ikaw naman. Bakit ka galit sa fianceé mo?" Tanong ni mom. Tumahimik lang ako at hindi siya sinagot. "Hindi ka sasagot?" Hindi ako umiik. Minsan talaga nakakatakot magalit si mom kahit si dad takot. "Sasagot o sasagot daewon?" Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Nagalit ako dahil nalaman ko na hindi siya pumasok ng 2 months puro bagsak lahat ng subjects niya." "Ang babaw mo naman magalit kay eloise." Sabi ni mom habang si dad tahimik na kumakain. "Para sakin big deal yun. May pinag-usapan kami." Dahilan ko. "May dahilan kasi siya kaya hindi siya pumapasok." Sabi ni mom. "Anong dahilan?" "Hindi mo din maiintindihan." Sagot ni mom bago pinagpatuloy yung kinakain niya. Hindi na ako umiimik dahil sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD