PROLOGUE

358 Words
PROLOGUE Sa henerasyon natin ngayon, tayong mga tao, lalo na tayong mga kabataan ay bukas nang maigi ang ating kaisipan tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating mundo. Hindi nga lang basta mababaw na mga bagay ang ating pinagtutuunan ng pansin. Ang iba pa'y, pilit hinahanap ang kahulugan ng mga mababaw na bagay na pilit hinahanapan ng butas sa pinakamalalim na parte nito... Sikat na sa ating ngayon, ang iba't-ibang tono ng mga musika. Kadalasa'y, sumisikat talaga ang isang mang-aawit, dahil sa mga gawa niyang mga kanta na talaga namang nagpapaindak sa atin kapag marinig lamang natin ito. Ang iba pa'y, sa sobrang kaidolohan ng mga idols nila, ay ginagaya na nila pati ang mga porma ng mga ito. Ngunit sa kabila ng lahat nang 'yon, karamihan sa atin ay hindi nag-iingat sa kanilang mga kinikilos... ILLUMINATI- Kalat na ang salitang 'yan. Sa bawat kantang maririnig mo, maraming nagrereact na kunwa'y, "Illuminati na kaya 'yang singer na 'yan," "Halata naman sa beat ng mga kanta niya na may sademonyo na eh," "Panuorin mo ang music video ng kanta niyang bago! Illuminati na rin yata siya..." Samut-sari ang mga tsismis na naririnig natin sa paligid tungkol sa pagiging "illuminati" raw ng mga mang-aawit ngayon. Bago natin simulan, ano nga ba ang kahulugan nito? ILLUMINATUS; singular. ILLUMINATI; plural; People claiming to possess special enlightenment or knowledge of something. A secret orginazation of the most powerful and influential elite in the world.They go back for centuries and maintain the same bloodlines. I-search mo lang 'yan sa Google, maraming mga pagpapakahulugan ang lumalabas sa salitang 'yan. Hindi lang pala siya basta isang samahan. Dahil napag-alaman ko rin, na may isang natatangi pala silang mithiin na balak makamit kaya patuloy pa rin pala ang pagdami nila... At 'yun ay ang, Masakop ang buong mundo. Makabuo ng isang, "Bagong Mundo" kung saan tuluyan nilang titibagin ang mga relihiyon dito sa ating mundo, lalo na raw ang Christian religion, at ipalaganap nga ang kanilang sariling relihiyon... Hindi lang 'yan ang magiging dahilan ng pagsakop nila sa ating buong mundo... At heto ang tutuklasin natin, kung paano iikot ang kuwentong ito sa mausisang si Maxine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD