SECRETS OF THE ILLUMINATI CULT

1848 Words
SECRETS OF THE ILLUMINATI CULT "Maniwala ka sa akin, ate. Totoo ang mga sinasabi ko..." Pagpupumilit pa rin ni Maxine na paniwalaan siya ng kanyang nakatatandang kapatid sa kanyang mga pinagsasabi tungkol sa mga naging resulta ng kanyang mga pananaliksik. Hindi siya pinapansin ng kaniyang ate. Bagkus, isinalampak na lamang niya ang ear phones sa kanyang tainga, at ipinakitang hindi siya interesado dito o kaya naman, wala siyang pakielam sa pinagsasabi ng kanyang kapatid. Napakamot na lang ng ulo si Maxine. Kanina pa kasi talaga niya kinukulit ang ate niya. Lahat ng mga nalaman niya, ay pinilit niyang paikliin ito upang sabihin sa kanyang Ate ang lahat ng napag-alaman niya. Hindi naman aarte nang ganyan ang kanyang ate, kung hindi niya ininsulto ang idolo nitong si Lady Gaga. Ngunit, ano pa nga ba ang magagawa ni Maxine? Sa panahon ngayon, mas maganda kung dinederetso mo na ang isang bagay, kaysa humahanap ka pa ng maliliit na butas para lang magpasikot-sikot pa, eh 'yun lang din naman ang ibig mong iparating. "Ate naman..." Sabi nito kasabay ng pagyugyog niya sa balikat nito. Nagpatuloy pa rin ang pagiging taingang kawali nito. Ipinakita pa rin niyang wala talaga siyang pakielam sa kapatid niya, kahit man maglupasay ito sa harapan niya. Tuluyan nang nawalan ng pag-asa si Maxine. Ayaw siyang paniwalaan ng kapatid niya. Eh para nga naman sa ikabubuti rin ito ng kapatid niya. Bumalik na lang siya sa kuwarto niya, at nagkulong muli. Ramdam niya ang pambabalewala sa kanya ng kapatid niya. Ayaw na ayaw pa naman nito sa lahat, ang binabalewala siya. Na naririnig naman o alam naman, pero patay malisya lang. Kaya nga, eto na rin ang naging bunga ng kyuryosidad niya. Ayaw niyang magpatay malisya sa mga bagay-bagay, lalo na't sa panahon ngayon. Ilan na lang ang mga sarado ang isip tungkol sa mga ganitong bagay. Gusto rin niyang maging bukas na ang isip niya rito, para rin hindi na bago sa kanya kapag narinig niya ang isang bagay. Naiistress si Maxine, alam niya sa sarili niya 'yon. Iniisip niya, bakit ba sobrang laki ng parte sa utak niya ang pamomroblema niya tungkol sa bagay na 'yun? Eh, hindi naman siya kabilang dun... Nakatitig lang siya sa laptop niya... Sa katunayan, marami pa talagang mga tanong ang bumabagabag sa isipan niya, na hindi pa rin siya makuntento sa kung ano ang mga nalaman na niya. Marami pa siyang gustong malaman, alamin at tuklasin, ngunit may kalahati ng utak naman niya ang nagsasabing, Tigil na. Sobra mo nang kinahuhumalingan ang pagbabasa ng mga tungkol diyan... Paano at saan ito nagsimula? Sino ang nagpasimula sa kultong ito? Paano ito lumaganap sa industriya ng sining? Paano maging parte ng samahang ito? Bakit sikat naman yata ang mga miyembro nito? Napag-alaman din kasi niya, na talagang nakakakuha ng malaking atensiyon ang mga miyembro nito, pera, kayamanan, kasiyahan, at kasikatan ang mga nagiging miyembro ng kultong ito. Dahil daw, pag nakuha mo na raw ang lahat ng mga luho sa buhay mo, isa lang daw ang kapalit nun, eh. Ang iyong kaluluwang isasangla sa impyerno. Anu-ano ang magiging mithiin nito sa pagpapalawak ng samahan nila? At higit sa lahat, paano malalabanan o matatalo ang samahang, illuminati? Umupo na siya sa tapat ng laptop niya at isinuot ang kanyang salamin. Hindi na niya kaya pang pigilan ang sarili niya sa dami ng mga tanong niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagot. Bakit kaya parami nang parami ang mga tanong ko? Heto ang tanong ni Maxine ngayon sa sarili niyang utak. Utak lang ang kakampi niya ngayon sa pagpapatuloy ng ginagawa niya. Goals of Illuminati- Heto ang kaagad niyang isinaliksik sa Google. ** "Number one, The creation of One World Government with one single church," Binasa ni Maxine ito nang malakas, "Fudge. Totoo palang illuminati rin si Obama?" Dagdag pa nitong naisambit sa sarili. Kinutkot niya ang mga daliri niya, gamit ang kanyang mga ngipin. Nabasa niya rin kasi kanina, na si Barack Obama nga raw ang malakas ang impluwensya, dahil bukod sa siya'y miyembro ng illuminati, siya ang presidente ng U.S.A. Hindi imposibleng masakop lahat ng U.S.A. ang mga banasang nakapalibot dito hanggang sa masakop nito ang buong mundo, dahil Estados Unidos ay ang pinakamakapangyaring bansa sa buong mundo. "Number two, The destruction of every religion, especially Christian denominations," Pagbasa naman ni Maxine sa ikalawang bilang, "Hala. Katoliko pa man din ako." Kamot ulo pa nitong sabi. "Number three, The goal of creating robots all around the world." Hindi niya lubos akalain na akala niya lang, sa palabas lang nangyayari ang mga ganung bagay. Sa mga pinapanuod niya lang na SciFi movies lang, pero heto pala ang balak talaga ng samahan nila. "Number four, To legalize the drugs and to make "art" out of pornography, anak ng shuteng ama naman!" Napailing na lang si Maxine sa kanyang nabasa. Naisip niyang, tama nga ang mga napanuod niyang mga dokyumentaryo tungkol dito. Lalo na, na karamihan sa mga napanuod niyang MTVs ay medyo puro kalaswaan ang mga ipinapakita. Heto pala ang ibig sabihin nun, para maging normal na lang pala ito sa mga tao sa mga susunod pang mga panahon. Hindi na niya kinayanan pa. Ayaw na niyang ipagpatuloy pa ang pag-alam kung ano pang mithiin ng kultong ito. Basta isa lang ang alam niya sa kanyang sarili, masisira ang buong mundo sa gagawin ng mga nangunguna sa lihim na kultong ito. Sinubukan naman niyang isaliksik, kung ano ba ang mga puwedeng panlaban dito. Nagdadalawang isip pa siya. Lalo na sa nabasa niya kani-kanina lang. Ang mga nagiging curious daw sa pagtuklas tungkol sa illuminati na ito, ay may posibilidad na maging illuminati na rin. Sa una'y, natawa pa siya. Dahil hindi lang kasi siya basta curious dito. Dahil binubusisi na niya itong mabuti, at hinahanap lahat ng mga impormasyon at datos na nakapaloob dito. Ngunit, ano pa nga bang magagawa niya? Naniniwala si Maxine sa kasabihang, "Curiosity Kills." 'Yun din kasi ang sabi ng kapatid niya. Marahil siguro, ang naisip lang na dahilan ni Maxine kung bakit ganun ang sinabi sa kanya, dahil sinabi niya ang tungkol sa mga nalaman niya kay Lady Gaga. "Bakit ba kasi nakakaintriga ito..." Naisambit niya habang patuloy pa rin ang pag-scroll down niya sa paghahanap ng iba't-iba pang artikulo at blog tungkol dito. Stopping the Illuminati is very simple. If we all work together and stand up we can stop the Illumianti and there plan, the New World Order. Pagkabasa na pagkabasa pa lang niya rito, naintriga na siya kaagad. Isang mapagmalasakit na mamamayan na nga yata talaga itong si Maxine. Kahit kailanman, ngayon lang siya naintriga sa ganitong usapin. The Illuminati, as you may know, control the government. May namuo na kaagad siyang konklusyon tungkol dito... Naisip niya kasi ang mga nangyayari ngayon sa ating gobyerno. Maraming mga alitan at korupsyon kaliwa't kanan sa pook ng presidente at ng mga kalihim. Ang bawat isa raw kasi sa atin, ay hindi makasalungat sa mga manlilitis ng gobyerno, dahil sa mga gumagawa ng mga tiwaling gawain dito. Sa halip ay, tayo pa ang natatakot sa kanila na dapat naman talaga, sila ang matakot sa atin dahil tayo nga naman daw ay mga mamamayan ng isang bansa. Pero sa mga nangyayari ngayon, naisip ni Maxine, na posibleng ang gobyerno na talaga ang magkontrol at mamuno sa lahat, kung hindi tayo magtutulong-tulungan at gagawa ng aksyon sa pag-aaklas laban sa mga nakatataas. Oo nga naman. Kung dapat nga ay umaapila tayo sa mga katiwaliang ginagawa ng gobyerno sa ating bansa, maiiwasan talaga natin ang iba't-ibang sakuna at mga darating pang mga kautusan na hindi na natin masasang-ayunan sa mga susunod, at wala nang iba pa tayong magagawa kundi sumunod na lang nang sapilitan, dahil unt-unti nang lumalakas ang gobyerno. As you can see, there have been many vaccines released for ceratin diseases. Nabasa niya, na kaya naman pala uso ngayon ang libreng pagbabakuna, dahil ang iba ay nilalagyan ng iba't-ibang kemikal na puwedeng makaapekto sa utak ng isang tao. Magiging dahilan ng brainstorming at thinking. Masama pala ito, dahil sa halip na gumaling ang isang tao, ay mas lalong lumalala pa pala ang kalagayan nito. How to stop the illuminati? Kaagad niya itong itinipa sa keyboard. May isang artikulo ang nabasa niya na talaga namang pinaulit-ulit pa niyang basahin. Ang mga mithiin daw ng samahang Illuminati raw ay hindi na mapipigilan. Nakasaad na raw talaga ito sa Bibliya, na mangyayari raw ito sa ayaw at sa gusto natin. Para raw itong isang bala ng pelikula, na mapapanuod natin at tayo rin mismo sa ating mga sarili ang makakatunghay kung ano ang dulo nito. Tulad ng buhay natin, libangin lang daw natin ang ating mga buhay hangga't tayo ay nabubuhay, at ang Diyos na ang bahala kung hanggang saan ang hangganan natin. Manalangin na lamang daw tayo, at magpasalamat na lang sa ating Diyos, kung ano man ang ipinagkaloob sa atin nito. Sabi nga rin daw nila, tanging Diyos lang ang makakaalam ng lahat... ** Sa kabila ng lahat ng kinalabasan ng pananaliksik niya, masasabi niyang, ito ang bagay na hindi mabigyang linaw kung totoo ba ito, o hindi. Marami kasing nagsasabi na marahil totoo ito, dahil may mga sumusuporta itong mga imahe, kanta at mga video. Marahil din namang hindi ito totoo, dahil isa lang naman daw kasi itong lihim na samahan, at walang sinuman ang nagsasabi tungkol dito na miyembro ng samahang ito. Ang mga manika ng samahang ito, o tinaguring mga "puppets of illuminati", ay nagsisilbing anino lamang daw ng gobyerno. Karamihan sa mga ginagawa nito upang maipalaganap ang pagsamba nila kay Lucifer, ay sa industriya ng musika. Karamihan na sa mga sumisikat na kanta ngayon, ay 'yung may paulit-ulit ang mga liriko, mga pasayaw na kanta na may iba't-ibang kumpas na nakakagana, at mga rap na kanta. Sa mga kanta rin nila, kung hindi bukas ang pag-iisip mo, at hindi mo inaalam nang malalim ang mga kantang ito, wala kang kamalayan tungkol dito. Mas maganda kasi, kung aalamin pa natin ang mas malalim pang kahulugan ng mga kantang alam mong bumabagabag sa isipan mo, o hindi mo maintindihan kung ano ang patungkol nito. Ang pinakamalaking pagkakamali sa pagbenta ng iyong kaluluwa sa impyerno, ay para makilala ka ng iba at humanga sila sa 'yo. Ayaw ng Diyos na sinasamba ang mga tao ng kapwa nila tao, dahil siya lang naman kasi talaga ang pinakamagaling at karapat-dapat sambahin ng lahat. Dahil nga inggit si Satanas, the fallen angel, gusto niyang maging tulad ng Diyos. Kaya naman ginagamit niyang instrumento, tayong mga tao na kapalit naman ay ang mga kagustuhan nating mga materyal na bagay. Pati na rin ang kasikatan. Ang mga likhang sulatin din ni Dan Brown, ay isa sa mga sikat sa ating literatura. Angels and Demons, at The Da Vinci Code ay isa lang sa mga isinulat niya. Kinokontrol nila ang -Media -Banking -Pulitiko -Lawmakers/hurado -Teknolohiya -Panahon (Dahil sa mga teknolohiya nilang mga ginagamit) -Pagkain -Buhay -Relihiyon -Kaalaman/Pag-iisip -Edukasyon -Artista/Mang-aawit -Kinabukasan Kung hindi tayo tatayo sa ating mga sariling paa, malamang bukas, samakalawa, kontrolado na rin nila tayo. Maipatutupad na panigurado ang, New World Order.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD