CHAPTER 39 Nagkatinginankami ni Dok Mary. Alam kong may kakaiba sa kaniyang mga tingin. Nabasa ko doonang kakaibang pagkabahala. “May masama bang nangyari kay Jyles, Dok?” “Alam kong kayang-kaya ni Bryan pero kung hinihingi niya ang tulong ko, hindi iyon normal. Tatagan mo ang loob mo ha? Magdasal lang tayo.” “Sige Dok, gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya.” “Babalikan kita dito. Huwag kang mag-alala, gagawin namin ang lahat. Naiintindihan namin ni Bryan ang kalagayan ninyo kaya lahat ng kaya naming gawin ay gagawin namin para sa inyo. HInihiling ko lang na taimtim kang magdasal para sa kaniya. Malaki ang maitutulong ng iyong pananalig sa Diyos. Sige na maiwan na muna kita rito. Alam kong parating na rin ang pamilya mo para dalawin ka.” Paalis na si Dok Kashmine pero nahawakan ko

