Habang nasa airport ay nilibot na nang paningin ko ang mga taong pasyang pumunta dito. Nangunot agad ang nook o nang makitang may kulang, siya pa naman ang ini-isip kong di palalampasin ang araw na ‘to. “Si Tero?” Nag katitigan pa si kuya Tino at kuya Kevin bago ako tinignan. “Hindi daw siya makakapunta Eve” Ang boses ni kuya Kevin ay parang nag dadalawang isip pa siyang sabihin sakin yun. Maaga ang flight naming ni Marco, hindi ko akalaing same sched at plane lang ang sasakyan namin. “Bantayan mo si Eve Marco ha” Bilin ni kuya sa lalaking nakatulala lang ngayon, hindi eto sumagot kaya tinapik siya ni kuya. “H- Opo! babantayan kop o siya 24/7!” Dahil sa kulitan nila ay lumayo muna ako, umupo ako sa nakita kung bench at nag-iisip kung kailan ako babalik, si Marco ay gustong doon na tu

