BUMALIK sila ng mansyon ng kinagabihan dahil gustong makita ni Winston ang anak niya at magpakilala na siya ang tunay nitong ama. Mapanuri ang mga mata ng mga magulang nila lalo na kay Winston na bakas ang saya sa mukha. Si Isabel ay normal lamang ito kung gumalaw kaya hindi mo makikitaan ng pagtataksil. “Where is my daughter?” tanong agad ni Winston at hinanap si Windy. Nagulat si Lanie at Kaden kaya tumango na lang si Isabel. “Nakatulog anak kasama si Jenny. Isabel, Winston, mag-usap tayo ng Papa n’yo.” Nagkatinginan si Isabel at Winston at sumunod pa rin sa mga magulang nila. Dito sila sa opisina ni Kaden sarado ang pinto kaya walang makakarinig sa kanilang apat. Pinaupo silang dalawa habang si Kaden ay nakatayo lang malapit sa bintana at si Lanie ay kaharap ng dalawa. “Wins

