NAPAMULAT ng mata si Isabel nang may narinig siyang ingay. Gumulong sa kanyang paa ang isang bilog na bagay. Bomba, hinagisan siya ng bomba ni Pinky. Mabilis na sinipa ni Isabel pabalik sa pinangalingan ang bomba tapos dumapa siya sa ilalim ng mesa. Sumabog ang bomba kaya nagiba ang bahay lalo pa’t kahoy lamang ang pundasyon. Hindi natamaan si Isabel ng mga haligi at bubong dahil nasangga ng mesa at matibay ito. “Papatayin kita—” Hindi natapos ni Pinky ang sasabihin dahil dumadaing ito. Lumabas siya sa mesa biglang lumiwanag ang paligid dahil butas na ang bubong at pumasok ang liwanag ng buwan. “Isabeelll!!!” malakas na sigaw ni Pinky. Itinaas nito ang mahabang kalibre ng baril. Bago pa siya matamaan nakadapa siya agad at gumapang siya palabas ng bahay. Walang laban ang sword sa ba

