Chapter 4

2430 Words
Alex Walang nangyari sa pagkikita nila ni Mika. Hindi s'ya nito mabigyan ng payo dahil na rin sa hindi n'ya kayang suwayin ang Papa n'ya. Nang nasa kwarto na siya ay nagmumuni-muni siya. Naisip n'ya na kung pakakasal s'ya kay Rodrigo, hindi malayong magbuntis s'ya. At ayaw n'yang magkaanak sila nito. Kawawa naman ang magiging anak n'ya kung magiging kamukha nito. "Nakakainis talaga!" wika n'ya sa sarili. Nahiga na s'ya at nag-isip. "Teka, what if magpabuntis na lamang ako sa iba?" wika n'ya sa sarili. Kesa naman sa kanya ako mabuntis. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nalaman na buntis s'ya bago pa man sila maikasal? Mabibigla ito sigurado at lalong papangit. At isang magandang ganti iyon sa kanya. At lalo s'yang matatawa sa itsura nito. "Teka, ano na nga ba ang itsura nito ngayon?" parang baliw na kausap niya sa sarili. "Malamang, baka lalong pumangit," siya rin ang sumagot sa tanong niya. Naputol ang pag- iisip n'ya nang mag-ring ang cellphone n'ya. May pumasok na message. Binuksan n'ya ito at galing kay Raily ang text. Doon pa lamang gumanda ang mood n'ya. Binuksan n'ya ang message nito. "How's your day, Honey? I hope you enjoy it. I Love you!" sabi sa text ni Raily. "Talaga ba?" nangingiti n'yang wika sa sarili. Kinikilig s'ya! Kaya naman nag-reply s'ya rito. "My day is good, how about you? I Love you too!" reply naman n'ya sa english na text. Hindi na siya magpapakipot pa syempre. Sumagot na rin siya ng, I love you. Actually, hindi s'ya sigurado kung tama ang grammar n'ya dahil mahina talaga siya sa english pero palagay naman niya ay maintindihan na ni Raily iyon. "I'll call you later, I have something to do. Miss you," reply nito. Nanlumo s'yang muli, busy na naman siguro ito. Marami na rin kasi itong mga appointment bunga ng pagiging sikat sa social media. Nahiga na s'ya muli at nag-isip nang may pumasok muling ideya sa kanya. "Teka, what if ay magpabuntis na lamang ako kay Raily? Siguradong maganda ang kalalabasan ng lahi namin. Kaysa naman sa kutong lupa na iyon ako mabuntis." May naisip na s'yang ideya kaya tinawagan n'ya si Mika. "Hello, Best," wika ni Mika sa kabilang linya. "Best, may naisip na ako'ng paraan!" excited na wika n'ya rito. "Ano?!" malakas ang boses na tanong nito sa kanya. Nagpanting ang tainga n'ya sa sigaw nito kaya nailayo n'ya ang cellphone sa kanyang tainga. Pagkuwan ay ibinalik din n'ya muli sa ito. "Grabe naman ang boses mo! Kamuntikan ng lumabas ang lahat ng tulili ko sa lakas ng boses mo," litanya niya rito. "Sorry, Best, nabigla lang. Peace!" tumatawang wika nito sa kanya. "Ano na ba'ng plano mo?" pagkuwan ay tanong nito sa kanya. "Magpapabuntis ako kay Raily!" wika n'ya rito. "What?!" gulantang na wika ni Mika sa kanya. "Kung makapagsalita ka parang simpleng bagay lang ang gagawin mo na magpapabuntis ka." "Well, wala ng urungan sa kasal. Pero hindi ako papayag na magkaroon kami ng anak ng sampid na iyon! Hello?!" wika n'ya rito habang umiikot-ikot ang eyeballs n'ya. "Hindi kaya nabibigla ka lang, Best?" pinili ni Mika ang maging kalmado. Hindi n'ya gusto ang naiisip ng kaibigan. "Big trouble ang naiisip mo na iyan," paalala n'ya rito. "Magiging miserable na rin lang ako kapag napangasawa ko s'ya. Itotodo ko na," determinado niyang wika sa kaibigan. "Ewan ko ha, Best, masyado naman yatang sagad sa buto ang pagkamuhi mo riyan kay Rodrigo. Nagiging padalos-dalos ka na," paalala nito sa kanya. "Inagaw n'ya sa akin ang lahat, Mika. Pati si Papa. Opportunist ang taong iyon! Ano ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit s'ya pakakasal sa akin? Syempre dahil sa pera hindi ba?" paghihimutok n'ya sa kaibigan. Wala ng nasabi pa si Mika. Alam na kasi n'ya ang kwento tungkol kay Rodrigo. "Sige, Best, ang mabuti pa siguro ay pag-usapan muna natin ng personal ang bagay na iyan. Hindi pwedeng padalos-dalos ka, this time. Kakakilala mo lang kay Raily kaya hindi pa natin alam ang litsa ng bituka ng lalaking iyon," babala n'ya sa kaibigan. "Huwag ka ngang over acting diyan, Best! Anak lang naman ang kailangan ko kay Raily. Hindi naman kami magsasama. Wala na akong magagawa. Ikakasal at ikakasal talaga ako sa impakto na iyon. Anak ko na lang talaga ang iisipin ko," paliwanag n'ya rito. "Anak talaga? Anak agad! Wala pa man ay naghahangad ka na?" napapakamot sa ulo na wika ni Mika. Natatawa rin si Mika sa pagiging advance ng kaibigan. Hindi ito ang klase ng tao na matalino mag-isip at madalas ay padalos-dalos ito kung magdesisyon. Aminado naman s'ya na pareho lamang sila pero this time ay napapaisip s'ya rito. "Intindihin mo na lang ako, Best," wika ni Alex na nagsusumamo. Alam din n'ya na pinipigil lamang ng kaibigan na mapabunghalit ng tawa. Kilala n'ya ito kahit hindi sila magkaharap ay nakikinita na n'ya ang itsura ng mukha nito. "Darating ang---." Hindi na n'ya naituloy ang nais sabihin nang marinig ang katok at tawag mula sa pintuan ng kwarto n'ya. Si Yaya Miling n'ya ang tumatawag. Inilagay n'ya sa palad n'ya ang cellphone n'ya at isinigaw n'ya ang salitang, "Tuloy!" Kapagdaka ay bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang kanyang Yaya Miling. Ito ang nagsilbing ina n'ya mula pa pagkabata. Hindi man sila magkadugo pero sa puso naman n'ya ay ina n'ya ito. Hindi na kasi n'ya nasilayan ang totoong Mommy n'ya. Tatlong buwan pa lamang daw s'ya nang bawian ito ng buhay ayon sa kanyang Papa at sa Yaya Miling n'ya. Bukod doon ay wala na s'yang alam tungkol sa kanyang ina. Wala s'yang ideya sa itsura nito dahil wala man lamang itong litrato sa laki ng mansiyon nila. Hindi n'ya maintindihan kung bakit ganoon. Walang sinuman sa mansyon ang gustong magkwento sa kanya ng tungkol sa kanyang ina kaya hinayaan na lamang n'ya. Naisip na lamang n'ya na marahil ay dahil masasaktan ang kanyang Papa kapag pinag-usapan pa nila. Isa pa ay hindi naman nagkulang sa kanya ang kanyang Papa dahil mahal s'ya nito. Kung hindi nga lang talaga dumating ang peste na si Rodrigo. Sumariwa muli sa alaala n'ya ang araw na nakilala nila ang pesteng si Rodrigo. Twenty years ago Araw ng linggo iyon. "Father and daughter's day," natatandaan pa n'yang wika ng kanyang Papa sa kanya. Iyon ang itinakda ng kanyang Papa na bonding time nila at para sa kanila lamang. Tuwing Lunes hanggang Sabado kasi ay nasa Hacienda de Salvador ito. Iyon ang inaasikaso nito dahil doon sila kumukuha ng ikabubuhay nila. Iyon ang bread and butter nila. Pagkagaling nila sa simbahan ay dumeretso sila sa paborito nilang kainan ng kanyang Papa. Sa Taste Xpert Restaurant na kung saan ang tema ng paligid ay tila garden. Napapalibutan ng magagandang halamanan ang paligid nito. At ang isini-serve na pagkain ay napakasarap at organic food kung tawagin. Excited s'ya noon dahil pagkatapos kasi nilang kumain ay ipapasyal na s'ya ng kanyang Papa sa isang parke o kaya sa Amusement park na malapit lamang doon. Kaya lamang ay hindi na nangyari dahil hindi inaasahan na naiwan ng kanyang Papa ang wallet nito sa restaurant. Mabuti na lamang at napulot iyon ng isang batang pulubi sa daan. Ibinalik nito sa kanyang Papa ang wallet. Nagpasalamat naman ang kanyang Papa at umalis na ang pulubi. Kaya lamang ay iyon na pala ang simula ng kalbaryo n'ya. Susundan pala ito ng kanyang Papa. "Temyong, sandali lamang," wika ng kanyang Papa sa driver nila. "Ihinto mo muna sa gilid ang sasakyan," utos pa nito. Sumunod naman si Mang Temyong sa utos ng kanyang Papa. "Dito muna kayo ni Alexandria. Babalik din ako agad." Bumaba na ang kanyang Papa. Tinanaw lamang n'ya ito mula sa loob ng kanilang sasakyan. Hindi s'ya umalis sa bintana at nakadungaw lamang s'ya roon. Hinihintay n'ya ang pagbabalik ng kanyang Papa. Lumipas ang ilang sandali ay natanaw na n'ya na paparating ang kanyang Papa. Napakunot ang noo niya nang matanaw ito na kasama ang pulubi na nagsauli ng wallet ng kanyang Papa. Nang malapit na ang mga ito ay napansin n'ya na hawak ng kanyang Papa ang kaliwang kamay ng pulubi. At nang makarating ang mga ito sa kung saan sila naka-park ay pinapasok ng kanyang Papa ang pulubi sa kanilang sasakyan. Hanggang makarating na sila ng mansyon. Ipinagamit pa rito ng kanyang Papa ang isang guest room sa ibaba ng mansyon. Wala lamang sa kanya noong una ang espesyal na trato ng kanyang ama kay Rodrigo. Kaya lamang, habang lumalaki s'ya at nagkakaisip ay nakakaramdam na s'ya ng selos kay Rodrigo. Hindi na siya naipasyal pa ng kanyang Papa magmula nang dumating ito sa buhay nila. Iyon na ang huling bonding nila na mag-ama na silang dalawa lamang. Magmula nang dumating ang Rodrigo na iyon ay lagi na itong kasali sa paglabas nila. Ang nakakainis pa ay puro ito na lamang ang isinasama ng kanyang Papa sa hacienda. Tinuruan pa ng kanyang Papa ang Rodrigo na iyon na mangabayo. Madalas ay naiiwan s'ya sa Yaya Miling n'ya. Tapos makalipas ang ilang taon ay pinag-aral pa ito ng kanyang Papa sa America samantalang s'ya ay rito lamang sa Pilipinas. Napaka-unfair ng lahat. Doon na rin s'ya nagsimulang magrebelde. Hindi nga lamang lantaran dahil lihim ang ibang mga ginagawa n'yang paglalakwatsa. Pati na rin ang klase ng kanyang pananamit kapag hindi nakikita ng kanyang ama. Buong akala nito ay Maria Clara pa rin s'ya. Pero ang totoo ay hindi na. Sa loob ng mansyon lamang s'ya matino pero kapag nasa labas s'ya ay ginagawa n'ya ang lahat ng maibigan n'yang gawin. Sa kabila pa rin ng lahat ay mahal n'ya pa rin ang kanyang Papa. "Alex, binilin nga pala ng iyong Papa na darating mamaya ang designer na gagawa ng isusuot mong wedding gown," wika ni Yaya Miling sa kanya. "Susukatan ka at pati na rin ang Maid of honor mo kaya papuntahin mo raw rito. Mamayang alas tres ay nandito na raw ang designer," pagpapatuloy nito. "Okay, Yaya Miling, sige," walang ganang tugon n'ya rito. Pati ang wedding gown na isusuot niya ay pre-made na… Susukatan lamang sila tapos kung sakali ia-adjust na lamang ang gown. Sa mga abay naman ay napag-usapan na nila ng kanyang Papa na kukuha na lamang sa mga anak ng trabahador nito sa pinyahan para raw maging masaya kahit paano ang mga anak ng trabahador. Imbitado kasi ang halos lahat ng trabahador ng hacienda. Minsan naiisip niya tuloy na para talaga sa trabahador ang kasal niya. Mapakla na napangiti siya. Wala naman siyang magawa kung hindi ang sumang-ayon sa kanyang Papa. "Sige, maiwan na muna kita, Iha. May inuutos pa kasi sa akin ang Papa mo," wika nito at tinapik s'ya sa balikat bago lumabas ng kanyang kwarto. Hindi lingid dito na ayaw niya si Rodrigo. Paglabas nito ay ibinalik n'yang muli ang cellphone sa tainga n'ya. "Hello, Best, nandyan ka pa?" tanong n'ya kay Mika. "Oo, nandito pa ako," sagot nito. "Mamaya na tayo mag-usap muli. Pumunta ka raw rito at susukatan ka ng designer. Dito na natin pag-usapan ang mga plano natin," saad n'ya. "Sige, Best, maliligo lamang ako at pagkatapos ay diretso na ako riyan," wika nito at pinatay na nito ang call. Makalipas ang dalawang oras ay dumating na ang kanyang kaibigan na sakay ng sariling kotse nito. Sinalubong n'ya ito sa harap ng kanilang mansyon at kapagkuwan ay nagbeso-beso silang dalawa. Nakasuot ito ng kulay orange na spaghetti strap na blouse at maikling short habang nakabuhaghag ang alon-alon nitong buhok. "Nandyan na ba ang designer, Best?" tanong nito sa kanya habang magkaagapay sila sa pagpasok sa loob ng mansyon at diretso sa kanilang living room. "Wala pa, parating pa lang," wika n'ya rito at pasalampak na naupo sa sofa. "Ganoon ba," wika nito. Naupo na rin ito sa sofa habang ang shoulder bag nito na kulay rosas naman ay inilagay nito sa maliit na glass table sa gilid. Maya-maya ay dumating ang Yaya Miling n'ya buhat sa kusina at may dalang orange juice at sandwich na nasa tray. "Hello, Yaya Miling," bati ni Mika rito. Kilala na rin kasi n'ya ito. "Magandang hapon sa'yo, Mika," ganting bati sa kanya ni Yaya Miling. "Magmeryenda muna kayo ni Alex," saad nito. Inilapag na nito ang meryenda sa isang mesa pa na nasa bandang gilid ng single sofa. "Salamat, Yaya," wika ni Mika rito na nakangiti. "Walang anuman, Mika. Paano maiwan ko muna kayo ni Alex at may gagawin pa ako sa kusina," saad nito na nakangiti. Tumalikod na ito pagkatapos at nagtungo sa kusina. "Hay, nakakapagod mag-isip, Best," umpisa n'ya na sabi kay Mika. "Bakit naman kasi iniisip mo pa? Alam mo na palang nakakapagod," sagot naman nito sa kanya. "Hindi ko maiwasan, Best," napapakamot sa ulo na tugon niya. "Torture talaga ang Rodrigo na iyon sa buhay ko," dagdag pa niya. Hindi na napigilan ni Mika ang matawa sa itsura ni Alex. "Tawa pa more, Best," sabi ni Alex kay Mika na nakasimangot dahil sa pagtawa nito. "Sorry, Best," hinging paunmanhin nito sa kanya pero patuloy pa rin sa pagtawa. "Matatapos pa ba ang pagtawa mo?" seryosong tanong niya kay Mika para matigil na ito. May pagkabungisngis din kasi ito. Kapag tumawa ay diretso. Na-guilty naman agad si Mika nang makita na seryoso na ang kaibigan. "Sorry, Best," hingi nito ng paunmanhin sa kanya at pagkuwan ay umayos na. "Ano ba ang plano mo?" tanong ni Mika sa kanya pagkatapos ay kinuha ang isang baso na orange juice at ininom. "Magpapabuntis nga ako kay Raily. Hindi ba at sinabi ko na sa'yo kanina sa telepono?" iritableng sagot n'ya kay Mika. "Seryoso ka talaga sa idea mo na iyan?" tanong naman muli nito sa kanya. Hindi na nito pinansin ang iritasyon sa tinig ng kaibigan. Alam nitong kailangan na pahabain niya ang pasensya rito. "Oo, Best, wala naman ako'ng pagpipilian." "Ibibigay mo instantly ang virginity mo kay Raily?!" tanong naman muli nito sa kanya na nakamulagat na ang mga mata na nakatingin sa kanya. "Oo, kaysa naman sa Rodrigo na iyon ko ibigay! Ano s'ya?! Sineswerte! Manigas s'ya!" tugon niya habang nakahalukipkip. "Kaloka ka naman, Best," tanging sambit naman ni Mika kay Alex. Akala kasi ni Mika, kaninang kausap n'ya ito sa telepono ay nabibigla lamang ito sa mga sinasabi dahil masama pa ang loob nito. Naiintindihan naman kasi ni Mika ang sitwasyon nito. Nakatakda itong ikasal agad-agad tapos sa pinakaayaw pa nitong tao. Naputol ang pagmumuni-muni ni Mika nang lumapit muli si Yaya Miling sa kanila at sabihin na dumating na ang designer ng gown at nakasunod na nga ito sa likuran ni Yaya Miling. Kaya umayos na muna sila ng upo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD