Alex : "Oh, yah," maarteng wika ni Mika kay Alex. "Gusto niyong maupo?" tanong ni Rodrigo. 'Yes, naman. Tara maupo tayo, Alex," wika ni Mika sa kanya. Hinila nito ang isang kamay niya. Pagkuwan ay tabi silang naupo sa sofa set. Kay Rodrigo lamang ito nakatingin. Napansin niya kanina na may pinanggagalingan ang trato nito kay Dylan. Hindi pa nga lamang niya alam kung ano. "So, kumusta naman sa New York, Rodrigo?" malanding tanong ni Mika kay Rodrigo. Hindi niya maintindihan ang ikinikilos ni Mika. Kaya pinandilatan niya ito. Ngunit hindi man lamang siya nito pinansin. Nagpakaseryoso pa ito ng kakatanong kay Rodrigo. Hindi tuloy niya mapigilan ang makaramdam ng paninibugho sa kaibigan. "Okay naman," tipid na sagot ni Rodrigo kay Mika. "Hmmm...okay." "Ako, Mika. Bakit Hindi mo ako k

