Chapter 2

1911 Words
Ygo "Wala po ako'ng inuuwian, Manong, kung saan po ako abutin ng dilim ay roon po ako," wika n'ya kay Don Amado. "Wala ka ba'ng magulang?" mababakas sa mukha nito ang awa sa kanya. "Wala po, Manong," sagot n'ya at yumuko. "Kamag-anak kaya?"  "Wala po!" sagot n'ya habang todo ang iling n'ya. Ayaw na n'yang isipin na may kamag-anak pa s'ya dahil masaya na s'ya sa kalagayan n'ya. "Wala ba'ng naghahanap sa'yo n'yan?" curious pa na tanong nito. "Wala po! Sige po maiwan ko na po kayo." Natakot s'ya rito bigla dahil baka ibalik s'ya nito sa Tiya Linda n'ya. Nagsimula na s'yang humakbang palayo rito pero mabilis s'yang hinawakan nito sa kamay. "Huwag ka'ng matakot, Iho." Lumuhod ito sa harapan n'ya.  "Kung wala ng maghahanap sa'yo, gusto mo ba na sa akin ka na lamang manirahan? Isasama kita sa bahay ko." Nagdududa s'yang tumingin dito.  "Hindi na po, Manong. Maayos naman po ang buhay ko rito sa kalye." "Tanggapin mo sana ang alok ko, Iho. Hindi ako masamang tao, hindi kita sasaktan," paniniguro nito sa kanya. "Bilang pasasalamat ko na rin sa pagbalik mo sa wallet ko. Huwag ka'ng mag-alala, Iho. Mas magiging maayos ang buhay mo sa bahay ko. Doon ay hindi ka na mababasa pa ng ulan. May maayos ka na tutulugan. At pwede ka pa'ng makabalik sa pag-aaral…" mahabang paliwanag nito sa kanya. Hindi na s'ya nakapagsalita. Namalayan na lamang n'ya na hawak na nito ang mga kamay n'ya. At isinakay s'ya nito sa kotse. Pagpasok n'ya sa kotse ay katabi n'ya sa backseat ang batang babae na sa tantya n'ya ay limang-taong gulang pa lamang. Nakatingin lamang ito sa kanya. Nagtataka siguro ito kung sino s'ya. Napakarumi kasi ng kasootan n'ya at maging s'ya. Hindi naman kasi s'ya araw-araw naliligo. Isa pa ay wala naman s'yang pamalit lagi. Dalawang piraso lamang ang kasootan n'ya at hawak n'ya ito na naka-plastic.  Hanggang sa makarating sila sa bahay ng mga ito na mukhang mansyon sa laki kaya namangha s'ya. Nang lumabas s'ya sa kotse ay hinawakan s'ya ni Don Amado sa kamay. Ang batang babae naman ay sinalubong ng isang babae. Tinawag ito ng batang babae na Yaya Miling. Pagkuwan ay bumulong ang bata rito. Pagkatapos ay tiningnan s'ya ng babae. "Miling, ipahanda mo ang isang kwarto sa ilalim. At bigyan mo ng pamalit ang binatang ito at samahan sa banyo para maligo," utos ni Don Amado sa babae. "Opo, Don Amado," sagot ng babae at pumasok muli sa mansyon. "Alexandria, umakyat ka na muna ng kwarto mo. Mamaya ka pupuntahan ni Yaya Miling mo." "Opo, Papa," sagot ng bata. Tinapunan muna s'ya nito ng tingin bago pumasok sa loob ng mansyon. Pagbalik ng babae na inutusan ni Don Amado ay may dala na itong twalya at pamalit. "Rodrigo, sumunod ka kay Miling sasamahan ka n'ya sa magiging kwarto mo. Mamaya ay magkikita ulit tayo. Ipatatawag kita." Doon pa lamang s'ya iniwan ni Don Amado at dumeretso sa bandang gilid ng mansyon.  "Tara na?" tanong sa kanya ng babae. "Sige po." Sumunod s'ya rito at dinala s'ya sa isang kwarto sa baba ng mansyon. Pinapasok s'ya nito at itinuro sa kanya ang banyo sa loob ng kwarto. Mangha s'ya dahil sa napakaaliwalas ng kwarto na ibinigay sa kanya at may sariling banyo pa. May nakahandang sabon at shampoo na rin sa loob.  "Rodrigo, tama ba?" pagkuwan ay tanong ng babae sa kanya. "Opo," matipid n'yang sagot dito. "Ako si Miling," pakilala nito. "Pwede mo ako'ng tawagin na Aling Miling," nakangiti nitong wika sa kanya. "Sige po, Aling Miling. Salamat po," sagot n'ya rito habang may tipid na ngiti sa labi. "Oh s'ya, pumasok ka na sa banyo. Maiwan na muna kita," saad naman ni Aling Miling habang ang mga kamay nito ay humawak sa likod n'ya at bahagya s'yang itinitulak papasok sa kwarto. "Sige po, Salamat po." At lumabas na ito. Hindi s'ya makapaniwala. May sariling cabinet, television at napakalaki ng higaan. Lumapit s'ya sa higaan na puting-puti ang kobre-kama para subukan na higaan sana nang maisipan n'ya na marurumihan ito.  Minabuti na n'yang pumasok sa banyo para lalo muling mamangha dahil may sarili rin itong bath tub. Napapanood lamang n'ya ang ganoon na bath tub kapag nakikinood s'ya ng television sa kapit-bahay nila. Nakikinood s'ya sa labas ng bintana kapag nasilip n'ya na may pelikulang pinapanood ang kapit-bahay nila. Ipinasya na n'yang maligo. Sinubukan n'yang pihitin ang shower. Para s'yang batang tumalon-talon habang nakatapat ang katawan sa shower. Hindi na nga n'ya nagawa pa'ng alisin ang saplot n'ya sa katawan. Nang magsawa s'ya ay saka pa lamang n'ya hinubad ang kasootan. Ang sabon ay kinuha n'ya para magsimula na sabunin ang sarili. Pati ang sabon na iyon ay napakabango. Mayroon din nakahandang toothpaste at bagong tooth brush. Ginamit na n'ya at nagsimulang linisin ang ngipin sa lababo na sa harap ay may salamin. Pinapanood n'ya ang sarili na nagto-toothbrush sa pamamagitan ng salamin.   Pakiramdam n'ya noon ay isa na s'ya sa pinakaswerte na bata dahil nakilala n'ya si Don Amado. Simula noon ay tumanim na sa puso n'ya na gagawin n'ya lahat ang gusto nito.  Nang matapos s'yang maligo ay isinuot na n'ya ang ibinigay sa kanyang pamalit. Paglabas n'ya ng banyo ay inilatag n'ya ang katawan sa napakalambot na kama. Hindi n'ya kailanman inakala na mararanasan n'ya ang ganoon. Sa sobrang sarap ng pakiramdam n'ya ay nakatulog pa s'ya.  Mga katok at tawag ni Aling Miling ang nagpagising sa kanya. Dali-dali n'yang binuksan ang pinto. "Pasensya na po, Aling Miling, nakatulog po ako," hinging paunmanhin n'ya rito na may kasamang hiya. "Ayos lang, Rodrigo, marahil nakatulog ka sa sobrang pagod. Pinatatawag ka nga pala ni Don Amado. Oras na ng hapunan, halika na," nakangiti nitong wika at nauna na sa paglakad. Sumunod na s'ya rito hanggang makarating sila sa dinning area ng mansyon. Puro pagkamangha ang nadarama n'ya nang araw na iyon. Sagana sa pagkain ang hapag. "Oh, Iho, nakapagpahinga ka ba ng maayos? Maupo ka na rito sa tabi ko," wika ni Don Amado sa kanya. Nahihiya na naupo s'ya. Nakaharap n'ya sa mesa ang batang babae habang tinabihan ito ni Aling Miling. Kimi n'yang nginitian ito at sa malas ay wala itong reaksyon. Nakatingin lamang ito sa kanya. "Opo, Don Amado, pasensya na po nakatulog po ako." "Walang problema kung nakatulog ka dahil para sa iyo ang kwarto na iyon," nakangiting wika nito sa kanya. "Bueno, kumain na tayo, gutom na'ko." Nagsimula na silang kumain. Masaganang kumain sila ng hapunan. Tulad n'ya ay kumain din si Don Amado gamit ang kamay nito habang ang batang babae ay gumamit ng tinidor at kutsara.  "Kumain ka lamang, Iho, huwag ka'ng mahihiya," dagdag pa nito. Hindi n'ya namalayan na naparami ang kain n'ya kaya busog na busog s'ya. Natapos ang hapunan at pagkatapos ay isinama s'ya ni Don Amado sa library ng mansyon. Pumasok sila at pinaupo s'ya nito sa isang upuan doon. "Ilan taon ka na, Iho?" pagkuwan ay tanong nito habang may kung ano itong kinukuha sa mga nakasalansan na libro sa istante. "Sampung-taon na po, Don Amado," sagot n'ya rito habang inililibot n'ya ang paningin sa kabuuan ng library. "Ano'ng buo mo'ng pangalan?" muli ay tanong sa kanya. "Rodrigo Balthazar, po," pagkuwan ay ibinalik n'ya ang paningin kay Don Amado. "Ano'ng pangalan ng mga magulang mo?" Humarap na sa kanya si Don Amado. "Armida Balthazar po at Napoleon Balthazar," sagot muli n'ya at diretsong tumingin sa mga mata nito. "Nasaan na ang mga magulang mo? Saan ka nakatira?" mababakas na sa mga mata nito ang kuryusidad. "Pumanaw na po ang magulang ko," sagot n'ya at hindi n'ya naikubli rito ang lungkot na nadarama n'ya sa pagkawala ng mga magulang. Nakatira po ako dati sa Malabon. "Wala ka na talagang kamag-anak?" kunot ang noo nito na tanong muli sa kanya. "Wala na po," sagot n'ya na nakayuko.  "Sige Rodrigo, pwede ka ng magpahinga. Ipatatawag na lamang kita muli kung may itatanong ako." Kinabukasan ay maaga s'yang nagising. Ipinasya n'yang lumabas at maglakad-lakad. Hanggang sa makarating s'ya sa kwadra ng mga kabayo. Kasalukuyan na pinapakain ng isang lalaki ang mga kabayo. Pinanood n'ya ito sa may bintana ng kwadra. Hindi n'ya namalayan ang pagdating ni Don Amado.  "Nandito ka lamang pala, Rodrigo. Ipinatatawag sana kita kay Miling," wika nito na nasa likuran na pala n'ya. "Pasensya na po, Don Amado, maaga po kasi ako'ng nagising. Naisipan ko po na maglakad-lakad hanggang sa makarating po ako rito sa kwadra." "Ganoon ba? Gusto mo ba'ng matutunan ang sumakay sa kabayo?" nakangiti nitong tanong sa kanya. "Hindi po ba nakakahiya, Don Amado?" nakatingala n'yang tanong. "Ano ba naman ang nakakahiya roon? Sige, minsan ay tuturuan kitang mangabayo. Siguradong hindi ka pa nag- almusal n'yan, sabay na tayong bumalik sa mansyon." Tinapik s'ya nito sa balikat at pumasok ng kwadra. "Tonyo, tapos na ba lahat ang ipinagagawa ko sa iyo?" tanong nito sa lalaki habang isa-isang tinitingnan ang bawat kabayo. "Opo, Don Amado," sagot nito at humarap kay Don Amado. May mga ibinilin pa si Don Amado sa tinawag nitong Tonyo bago ito nagpasyang bumalik ng mansyon kasama s'ya. Habang naglalakad sila pabalik ng mansyon ay maraming kwento si Don Amado. Muli ay isang masaganang almusal ang pinagsaluhan nila.  Mabilis na lumipas ang mga araw. Personal na tinuruan s'ya ni Don Amado na mangabayo. Nang una ay nahirapan s'ya at nahulog pa nga s'ya. Pero hindi naglaon ay natutunan naman n'ya.  Simula noon ay madalas na s'ya nitong isinasama sa hasyenda. Tubo at pinya pala ang itinatanim doon. Hanggang sa unti-unti ay tinuruan s'ya nito ng pasikot-sikot sa hasyenda. Hindi naglaon ay in-enroll s'ya nito sa eskwelahan dahil sa edad n'yang sampung-taon ay Grade-2 pa lamang s'ya. Hindi akma ang edad n'ya sa kanyang grade level. Hindi na kasi s'ya nakabalik sa pag-aaral nang mamatay ang kanyang ina. Hindi na s'ya i-enroll ng Tiya Linda n'ya, katwiran nito ay hindi na raw kailangan. Pinayuhan s'ya ni Don Amado na pagbutihin ang pag-aaral. At sinunod n'ya ang payo nito. Hindi naglaon ay kinuhanan s'ya nito ng acceleration test para maging Grade-5 na s'ya. Iyon daw kasi dapat ang akma na pinapasukan n'ya sa edad n'ya. At nagpapasalamat s'ya sa Poong Maykapal at naipasa naman n'ya kaya nakapasa s'ya sa Grade-5. Nang mag-highschool s'ya ay nagtataka s'ya nang pinahinto s'ya nito. Iyon naman pala ay nais nito na sa America na s'ya magpatuloy sa pag-aaral. "Makabubuti kung sa America ka magpatuloy, Iho. Marami ka'ng matututunan doon na magagamit mo pagdating ng araw," natatandaan n'yang wika nito. "Hindi po kaya sobra-sobra na po ang itinutulong n'yo sa akin, Papa?" nagsimula na s'ya na tawagin itong Papa dahil iyon ang gusto ni Don Amado na itawag sa kanya nito. "Ano ba'ng sobra ang sinasabi mo, Iho?" Basta mag-aral ka roon at pagbutihin mo lang. Iyon lamang ang gusto ko na gawin mo. Nagkaka-intindihan ba tayo?" "Opo, Papa, sige po. Kung iyon po ang gusto n'yo ay gagawin ko." Tumanim sa puso n'ya magmula noon na anuman ang naisin nito ay gagawin n'ya. Napakabuti nito sa kanya at itinuring s'ya nito bilang tunay na anak. Sa ikalawang pagkakataon ay sumaya s'ya. Ang huling araw kasi na masaya s'ya ay nang bago maaksidente ang kanyang Nanay. Ang kanyang napakabuti na Nanay. Kailanman ay hindi s'ya pinabayaan nito. Nami-miss pa rin n'ya ito.  Paano n'ya ipapahiya ang taong itinuring s'ya na tunay na kapamilya kahit hindi nito s'ya kaano-ano? Ipinasya na n'yang asikasuhin ang mga dapat n'yang ayusin. Hindi n'ya pwedeng biguin si Don Amado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD