Mayamaya lang ay nakita kong nag-park ito sa isang hotel. Alam ko na ang gusto nitong mangyari ngunit hindi ko naman magawang tumanggi dahil para bang gustong-gusto rin ng katawan ko ang mga susunod pa na mangyayari.
Pinagbuksan niya ako ng pinto pababa ng kaniyang sasakyan at saka hinawakan sa kaliwang kamay papasok sa hotel. Siya na ang nakipag-usap sa receptionist at nang maibigay na sa kaniya ang susi ng magiging kuwarto namin ay hinila niya na ako papunta sa elevator. Habang nasa elevator kami ay tahimik lang kaming dalawa habang magkahawak pa rin ang mga kamay. Kung titingnan kami ng ibang tao ay aakalain nila na mag-couple kami pero hindi nila alam na hindi naman kami magkakilala at wala akong panahon para alamin pa ang pangalan ng lalaking ito.
Nang makapasok kami sa room namin ay muli niya akong sinunggaban ng halik at saka sinandal sa pinto.
"s**t! You're so beautiful," papuri nito sa akin habang tinitingnan ang kabuuan ng aking mukha.
"You're so handsome too," sagot ko rin sa kaniya at saka nginitian siya.
"f**k!" Muli niyang usal bago niya ako buhatin pa-bridal style at saka hiniga sa malambot at malaking kama.
Mabilis niyang tinanggal ang mga damit ko at tinapon iyon sa kung saan. Medyo nahihiya pa nga ako dahil first time kong mahubaran sa harap ng lalaki.
Nang tumambad sa kaniya ang katawan ko ay nakita ko ang pagkinang sa kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ito. Muli niya akong hinalikan sa mga labi habang gigil na gigil sa paghawak sa aking dibdib. Bumaba ang kaniyang halik sa aking dibdib at sinubo ang isa sa mga iyon.
"Ahhh…" Ungol ko habang sinisipsip niya ang aking n****e habang nilalaro naman ng isa niyang kamay ang isa ko pang dibdib. At nang magsawa siya sa isa ay lumipat naman siya sa kabila.
Nang matapos siya sa aking dibdib ay bumaba naman ang kaniyang halik sa aking puson papunta sa aking p********e.
Nang matapat siya roon ay binugahan niya muna ito ng isang mainit na hininga niya na nagpatirik sa mga mata ko.
"s**t! Ahhhh…" Pag-ungol ko nang simulan niya itong halikan at dilaan. Kung kanina ay pinasarap niya ito ng mga daliri niya ngayon naman ay pinapasarap niya ito gamit ang dila niya.
Umaarko ang katawan ko dahil sa ginagawa niya at halos mabaliw ako sa sarap dahil ito ang first time ko. Hindi ko alam na ganito pala ang feeling kapag ginagawa na.
"Ahhh…shit…l-lalabasan u-ulit ako…ahhhh!" ungol ko kasabay nang pagnginig ng aking mga hita at ang pag-agos ng likido mula sa aking p********e.
Para akong lantang gulay ngayon na nakahiga sa kama. Napatingin ako sa kaniya nang marinig ko ang pagtanggal nito ng sinturon sa kaniyang pantalon. Mayamaya lang ay nahubad niya na lahat ng kaniyang damit pati na rin ang kaniyang brief na tumatago sa kaniyang p*********i niya.
Napanganga ako sa laki ng p*********i niya na tumambad sa akin dahil ito rin ang first time ko na makakita ng gano'n sa personal. Pumatong ito sa akin at saka tinapat ang kaniyang p*********i sa aking p********e. Pinapadulas niya ang ulo nito at saka dahan-dahang ipinasok sa akin.
"Ugh, f**k!" Naiyak ako sa sakit dahil pakiramdam ko ay parang may napunit sa akin.
"Damn it! You're still a virgin?" Gulat na ani nito kaya napatango ako habang nakakunot ang aking noo dahil sa sakit.
"s**t! I'm sorry. I promise, I'll be gentle," sinserong sabi nito bago pinunasan ang luhang pumatak sa gilid ng mata ko.
Dahan-dahan niyang pinasok ang buo niyang p*********i sa loob ko habang dahan-dahan din itong gumagalaw sa ibabaw ko. Sobrang sakit sa umpisa pero habang tumatagal ay sumasarap na kaya hindi ko mapigilang hindi mapaungol.
"Masakit pa rin ba?" tanong nito sa akin habang magkatitigan kaming dalawa.
"Hindi na masiyado," sagot ko at mayamaya lang ay pabilis na nang pabilis ang pagbayo niya sa akin.
"Ahhh…ahhh…shit… you're so tight…" Ungol niya.
"Ahhhh…bilisan m-mo p-pa…ahhhhh!" sabi ko naman kaya mas binilisan niya pa ang pag-ulos sa akin at halos mabaliw na ako at mawala sa aking sarili dahil sa ginagawa namin ngayon.
Tanging mga ungol lang namin ang bumabalot sa loob ng kuwarto na ito pati na rin ang mga tunog na likha ng aming mga katawan. Ilang beses pa akong nilabasan bago siya labasan at naramdaman ko ang mainit niyang likido na sumabog sa loob ko.
Nang matapos kami ay pabagsak siyang nahiga sa tabi ko at saka nagsalo kami sa iisang kumot bago lamunin ng antok.
*
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko dahil sa nakakasilaw na liwanag ng araw na tumatama sa mukha ko.
's**t! Umaga na pala!'
Bigla akong bumangon ngunit sa pagbangon kong iyon ay kumirot nang husto ang aking ulo. Napapikit ako sa sakit at nang buksan ko ang mga mata ko ay nagulat ako nang makita kong wala akong saplot dahil tanging kumot lang ang bumabalot sa akin. Muntik na rin akong malaglag nang may biglang gumalaw sa gilid ko kaya tiningnan ko ito at tumambad sa akin ang isang lalaking wala ring saplot ngunit mahimbing pa rin na natutulog.
Napahawak ako sa ulo ko at pilit inalala ang nangyari kagabi. Nang maalala ko lahat nang kagagahan ko ay napakagat ako sa labi habang mababakas sa mukha ko ang pagsisisi.
Tangina! Nakipag-s*x ako sa lalaking hindi ko kilala! Halos lamunin ako ng hiya ko nang maalala ang mga pinaggagagawa namin kagabi, lalo na ako.
Shit! Nasaan na ang sinasabi ko na iaalay ko lang ang p********e ko kapag kinasal na ako sa taong mahal ko?
Mabilis akong tumayo mula sa kama at dinampot ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. Mabilis akong nagbihis at kinuha ang mga gamit ko sa side table. Mahirap na at baka magising pa ang lalaking ito. Mabuti na ang umalis na ako na hindi nagpapaalam dahil mukha naman siyang mahilig makipag-s*x at marami pa siyang babae na ikakama hindi lang ako.
Bago ako lumabas ng kuwarto ay pinagmasdan ko muna ang mukha ng lalaki. Guwapo naman pala ang naka one night stand ko. Kung pangit aba kakasuhan ko talaga ng rapist.
Umalis na ako nang tuluyan bago pa ito magising. Paglabas ko ng hotel ay nag-abang kaagad ako ng taxi pauwi sa bahay.
Nang makarating ako sa bahay ay halos hindi ako makalakad dahil sa panginginig ng mga tuhod ko. s**t! Masakit pala talaga kapag first time. Para akong nakipag-wrestling kagabi.
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad kaagad sa akin si Victoria na nakaupo sa mini sofa habang naka-crossed arms at masama ang pagkakatitig sa akin.
"Ano'ng oras na babae? Aba! First time mo yatang umuwi nang ganitong oras, ah?" Bungad na sabi kaagad nito. Lumapit ako sa kaniya at saka umupo sa tabi niya.
"Nag-bar ako kagabi. Nag-break kami ni, Rod," paliwanag ko sa kaniya na nagpakunot sa kaniyang noo.
"Break na kayo ni, Rod? Bakit? Ano nangyari?" Sunud-sunod na tanong nito sa akin at iyon na nga. Kinuwento ko sa kaniya ang short break up namin na tumapos sa tatlong taon naming pagsasama.
"Umay sa short break-up. Wala manlang iyakan o habulan?" Medyo natatawa nito na sabi.
"Tss. Katawan lang naman ang habol niya sa akin, Vic. Saksi ka sa pagiging bobita ko sa lalaking iyon. Masakit siyempre kasi naging totoo ako pero ayaw ko na maghabol pa. Bahala siya sa buhay niya. Tama na ang tatlong taon na pagpapakatanga ko sa gagong 'yon!" litanya ko sa kaniya.
"That's my girl! Mabuti naman at inumpog mo na 'yang ulo mo sa katotohanan. Nakakasawa na rin kasing magbigay ng advice sa 'yo tapos malalaman ko na lang na kayo na naman ulit," sabi naman nito.
"Hindi na, ano!"
"Oh, siya! Pagkatapos sa bar saan ka naman nagtungo kagabi, ha?" Pag-usisa na naman nito sa akin at halos hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata dahil nahihiya akong sabihin ang mga kagagahan na ginawa ko kagabi.
"Hoy, Kinsley! Kinakausap kita! Saan ka natulog kagabi? Don't tell me may iba ka ng lalaki kaya hindi ka na marupok kay Rodney?" muli na naman nitong tanong kaya mabilis ko siyang tiningnan at saka sumagot.
"Hindi ko magagawang mag-cheat, ano!" pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Oh, kung hindi ka nag-cheat. Saan ka nga nagpunta?" tanong nito habang sinusuri niya ako ng tingin. Napalunok ako at saka sinabi sa kaniya ang nangyari sa akin kagabi pati na rin sa pakikipag-one night stand ko sa hindi ko kilala.
Mga bata pa lamang kami ay magkaibigan na kami ni Victoria kaya hindi namin magawang magtaguan ng sikreto sa isa't isa.
"Jusko ka naman, Kinsley. Nasaan na ang babaeng kilala ko na kasal muna bago 'yan?" sabi ni Victoria na hindi makapaniwala sa aking mga sinabi.
"Hindi ko alam, Vic. Lasing ako kagabi. Lasing din siya kagabi. Hindi namin napigilan ang mga sarili namin," nahihiya ko na sabi sa kaibigan ko.
"Tsk! Tsk! Alam mo ba ang pangalan n'on? Kailangan natin siyang puntahan para panagutan ka!" sabi nito kasabay nang pagtayo kaya napatayo rin ako para tanungin siya habang hawak-hawak siya sa kaniyang braso.
"Ha? Panagutan? Para saan?"
"Kailangan niyang panagutan ang ginawa niya sa 'yo, girl! Paano kung nabuntis ka niya? Paano ka? Paano ang batang dadalhin mo diyan sa sinapupunan mo? Nag-iisip ka ba?" panenermon niya sa akin kaya napayuko ako dahil may punto siya.
"Pero kasi…"
"Pero, ano?"
"Hindi ko nagawang alamin kung sino siya. At saka tulog pa siya nang iwan ko siya kanina. Hindi naman siguro ako mabubuntis dahil isang beses lang naman namin ginawa, eh," sabi ko na kinakabahan dahil paano kung mabuntis nga ako ng lalaking iyon?
"Hay, ano ka ba naman, Kinsley. Sana nga hindi ka mabuntis na bruha ka! Sige na. Magpahinga ka na muna dahil alam ko na napagod ka," sabi nito at saka nagpaalam sa akin. May trabaho kasi ito sa flower shop niya dahil iyon ang business niya. Nagpasalamat naman ako sa kaniya dahil naglaan talaga siya ng oras para hintayin akong makauwi at makausap dahil sa nag-aalala siya.
Pumunta na ako sa banyo para maligo at nang matapos ako ay dumiretso na ako sa kuwarto para magpahinga. Mabuti na lamang at day-off ko ngayon sa trabaho kaya makakapagpahinga ako nang husto.
Habang nakahiga ay hindi ko makaligtaan ang nangyari sa amin ng lalaki kagabi. Magkikita pa kaya kami? Paano kung may nabuo sa ginawa namin? Hays! Dahil sa isang maling desisyon ay nagugulo ang isip ko kakaisip nang mga mangyayari.