Chapter 3

1406 Words
Franchesca Nang maalimpungatan ako, init na init ako. Pakiramdam ko ay basa na ang likod ko sa pawis. Naramdaman ko ding may mabigat na nakadagan sa akin. Nang maimulat ko ang mga mata ko, nakita ko si Kevin na nakayakap sa akin at ang mga hita ay nakadantay pa sa akin. Ang ulo naman nya ay nasa balikat ko, nakayukyok dito. Sinalat ko naman ang noo nya, dinama kung mainit pa ito. Medyo humupa naman ng kaunti mula kanina. Saka ko nilinga ang paligid, anong oras na ba? Nang makita ko ang oras, bigla akong napabalikwas. Alas siyete na pala ng gabi at hindi pa ako nakakauwi. Napa ungol pa si Kevin sa inis dahil nagising sya. "Kevin uuwi na ako" sabi ko sa kanya. Nang tatayo na ako ay bigla naman akong hinila dahilan upang mapahiga akong muli sa tabi nya, saka nya ako muling niyakap. "Kevin gabi na, baka pagalitan ako ni Nanay." sabi ko pa "Dito ka na matulog, sige na please" ganun pa rin ang boses nya, mamaos maos at nanatili lang syang nakapikit. "Hindi pwede, baka pagalitan ako" sagot ko naman dito "Ipagpapaalam kita. Sige na please, wala akong kasama" muling ungot naman nya. Patuloy pa ring naglalambing. Hindi naman ito ang unang beses na mago overnight ako dito kung sakali. May ilang pagkakataon na rin na nago overnight ako dito dahil sa mga project na ginagawa namin. Madalas ay dito kami gumawa dahil dito kumpleto ang mga kakailanganin namin. Meron silang laptop at wifi na wala sa amin. Hindi rin naman kami magkatabi kapag natutulog, meron silang guest room kaya dun ako natutulog. Ate lang nya ang kasama nya dito sa bahay at ang kasambahay nila. Ang mga magulang nila ay parehas na nasa US, dun na nakabase ang mga ito, bumibisita lang dito sa Pilipinas. "Wala akong damit" sabi ko naman Saka sya tumayo, mahilo hilo pa nga ata. Napansin kong gegewang gewang pa ito. Dumiretso sya sa walk in closet, pagbalik nya may dala na itong puting tshirt at boxer short. "Kasya na siguro to sayo" sabi nya saka muling humiga at pumikit. Naawa naman ako kaya pinag bigyan ko na syang dito ako matulog upang may tumingin din sa kanya. "Tatawag lang ako sa bahay" Sabi ko saka ako lumabas upang tawagan ang Nanay. Magkalapit lang naman ang bahay namin, kung tutuusin ay pwede akong umuwi muna para makapag palit ngunit alanganing oras na rin. Gabi na at delikado nang maglakad sa kalsada. "Nay, may sakit kasi si Kevin, wala syang kasama. Wala ate nya. Samahan ko lang, kawawa naman eh" Sabi ko sa Nanay. "Napano si Kevin?" tugon naman nito. Parang anak na rin nila kung ituring tong si Kevin dahil halos sa amin na rin ito lumaki. "Hindi ko po alam eh, nag text sya sa akin masama daw ang pakiramdam, pag dating ko nanginginig na sya" muli kong sagot kay Nanay habang susulyap sulyap ako kay Kevin. "Sige, samahan mo na muna sya. Bukas dadalhan ko kayo ng lugaw para makahigop ng mainit si Kevin." "Salamat po nay" saka ko na ibinaba ang tawag. Lumabas ako ng kwarto, nadatnan ko ang kasambahay nilang si ate cathy na naghahanda ng pagkain para kay Kevin. Nasa tray na ito, kasalukuyang nilalagyan na lang niya ng tubig at orange juice. "Ate Cathy, para kay Kevin po ba yan?" tanong ko "Oo iha tsaka meron ding para sayo, hindi pa kayo naghahapunan na dalawa" sabi nito. "Ako na po ang magdadala ate" saka ko sya nilapitan at kinuha ang tray "Sigurado kaba? kaya mo na?" tanong muli nito. "Opo ate kaya po, yung gamot po ni Kevin pakilagay na rin para mapainom ko po sya" Saka nilagay nya ang gamot sa tray. Pagdating ko ng kwarto, ginising ko muna si Kevin upan makakain. Nang magmulat ng mata, inalalayan kong makaupo ito para masubuan ko na. Kita kong hinang hina pa ito kaya nahirapan din akong akayin sya paupo, sa laking tao nito kumpara sa liit ko. "Kumain kana muna" Sabi ko saka akmang tatayo nang hilahin nya ang braso ko dahilan upang mapabagsak ako sa kanya. "Ay ano ba yan Kevin. Ano bang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya habang sinusubukang makabangon ngunit mas hinigpitan pa nya ang hawak sa mga braso ko saka iniyakap ang isang braso nya sa akin. Ilang segundo, nanatili lang kami sa ganung posisyon ng magsalita ako "Hoy, kumain kana muna, iinom ka pa ng gamot. Yung girlfriend mo nag aalala na kasi hindi ka nakapasok kanina" sabi ko saka bigla nya akong pinakawalan ng yakap at hinarap na nakakunot ang noo. "Huh? Sinong girlfriend?" tanong pa nito. "Wow, madami ba sila?" patutya ko naman sa kanya ng nakangisi pa "Buti pa sila alam na girlfriend ko sila, ako hindi. Sino ba yang tinutukoy mo?" balik tanong naman nito sa akin "Si Joy, sabi nya sa akin kanina girlfriend ka daw nya" biglang bunghalit naman ito ng tawa dahilan para mahampas ko sya sa braso. "Ouch, may sakit ako tapos ganyan sinasaktan mo ako. Ang sakit sakit kaya ng katawan ko" parang batang yumuko pa ito at hihimas himas sa braso. Naawa naman ako kaya agad ay humingi ako ng paumanhin. "Sorry na, bwisit ka kasi makatawa ka wagas" sabi ko pa dito "Hindi ko girlfriend yun noh at kahit kailan hindi ko papatulan yun. Nagiimagine lang yun paano kinausap ko nung nakaraan tungkol sa kuya nya na ka team mate ko sa basketball. Hindi na kasi nakaka attend sa practice kaya tinanong ko lang sya kung anong nangyari. Tsaka kung pwede nya ako balitaan. yun lang yun, ikaw naman selos ka kagad." saka ako kinurot sa ilong "Hoy ang kapal mo ah, hindi ako nagseselos noh. Bahala kana nga dyan, uuwi na ako" saka ako tumayo ngunit nahabol nya ang kamay ko at pinigilan "Joke lang, ito naman di na mabiro. Kain na tayo please, gugutom nako" saka nag pout pa to ng labi at nagpaawa pa ng itsura. Tinignan ko lang sya, nakakainis bakit ang gwapo pa rin kahit ganyan itsura nyan. Bakit kasi hindi mo na lang ako ligawan, sasagutin naman kita eh. Sabi ng isip ko. "Please" muling untag nya kaya napabalik ako sa ulirat. Hinain ko ang pagkaing dala ko. Napaka arte pa, nagpapasubo pa ang loko. "Ang sarap naman ng ganito, gusto ko habang buhay ganito tayo ah" i see glow in his eyes. I can feel the sincerity on his word. Pilit kong iwinaksi ang mga nakita ko. Nagulat na lang ako ng biglang lumungkot ang awra nya, yumuko to at saka hinawakan ang kamay ko. "Sana mahaba pa ang panahon para magawa ko pa to sayo." saka nya iniangat ang kamay ko at dinala sa mga labi nya upang halikan "Ano ba yang sinasabi mo? para kang nagpapaalam" litong tanong ko naman sa kanya "Pupunta na kami ng US. na grant na yung petition paper namin, mag ma migrate na kami dun" saka dinala nya ang palad ko sa pisngi nya at ginabayan nya ito upang mahaplos haplos dito. Malungkot ko lang siyang tinignan. "Eh di mabuti pala, makakasama mo na ang mga psrents mo" sabi ko pero alam kong may lungkot sa mga bawat salita ko "Ayokong iwan ka Franchesca. Gusto ko dito lang ako kasama ka. Ayokong sumama sa kanila". sabi nya pa habang ang kamay ay pinadapo sa mga pisngi ko at hinaplos haplos ito. "Ano ka ba, magkikita pa naman tayo diba? pwede ka naman umuwi diba?" pilit ang ngiti kong sagot dito "Ibebenta na nila tong bahay, wala na akong uuwian dito" malungkot namang pahayag nito. Maging ako ay nagulat din sa isiping ibebenta nila ito. Marami kaming masasayang ala-ala dito kahit na nga madalas ay mag-away lang kami nung mga bata pa kami. "Sumama kana lang sa akin" Sa gulat ko, binawi ko ang kamay ko at tumayo sa kama upang ligpitin ang pinagkainan namin. "Ano ba yang naiisip mo, hindi pwede yun, tsaka bakit naman ako sasama sayo?" Tugon ko dito habang nililigpit ang mga pinagkainan. Nang biglang maramdaman ko ang mainit nyang mga braso na bumalot sa bewang ko, naramdaman ko din ang mainit nyang hininga na nasa leeg ko na. Niyakap nya ako habang nakatalikod ako. "Ayokong iwan ka, hindi ko kaya" halos pabulong na sabi nito. Nanatili lang akong tahimik, ninanamnam ang mga sandali. Magkaibigan lang kami pero para sa akin iba ang pinakakahulugan ng mga inaakto nya ngayon. "Ayokong malayo sayo, Mahal kita Franchesca" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD