Franchesca Nagpaalam ako sa Tita Mercy. Nag desisyon akong umuwi matapos naming magusap ni Joy. Kakausapin ko si Chester. Alam kong mahirap para rin sa kanya pero hindi ba mas mahirap kung ipipilit ko ang bagay na ayaw naman gawin ng puso ko? Alam kong hindi ako magiging maligaya sa taong hindi naman laman ng puso ko. Mahal ako ni Chester ngunit alam ko na dapat sa isang relasyon, hindi lang isa ang nagmamahal. Sa isang relasyon, iisa dapat kayo ng nasa puso at isip. Iisa ang magiging desisyon nyo at iisa rin ang magiging kahantungan, ang magkasama kayo hanggat kayo ay nabubuhay. Alam ko sa gagawin ko, masasaktan ko ng husto si Chester pero diba mas masakit kung ipipilit pa ang mga bagay na hindi naman tugma? Mas masakit yung mga bagay na alam mong sapilitan lang. Ilang oras kong binagta

