Franchesca Sumapit ang araw ng aming pagtatapos. Abala ang ilan sa aming kapitbahay para sa gaganaping munting salo salo mamaya. Dumating din ang kaibigang gay ng ate ko, si Angelo a.k.a Angel, nagprisinta itong aayusan ako ngayong araw kaya naman sinimulan na rin nito agad ayusan ang buhok ko, maya maya namay ang mukha ko. Sa pakiwari ko'y bumigat ang mukha ko dahil sa ilang layer ng foundation ang inilagay nito. "Hindi po ba ako magmumukhang clown sa kapal ng make up ko?" pabirong tanong ko kay Ate Angel. Mahinang tinapik ako nito sa balikat saka sinimangutan. "Wala kang tiwala sa akin ah.. Hmm, ang ganda ganda mo kaya, oh ayan tignan mo ang itsura mo sa salamin." iniabot nito sa akin ang salamin. Sa una ay nagulat pa ako, para bang hindi ko nakilala ang itsura ko pero kalaunan ay nap

