“Ugh! Sino ba kayo? Mga letche kayo!.” Daing ng bakla na si Romana, kinukulata kasi ito ni Lolong. Habang ako, nanonood lang kung paano dumura ng dugo ang bakla, dahil sa pangbubugbog ng tauhan ko. Nagsuot ako ngayon ng maskara para hindi niya ako makilala. Lumapit ako sa bakla at napangisi. Gamit ang aking baril, tinudyo-tudyo ko ang maliit nito na alaga. Matanda na pala ang bakla na ‘to. Kulubot na ang balat at laylay na din ang s**o. Kung sabagay, ilang taon pa lang ako noong nakulong ako at napatay ko si Barbie. Samantalang sila noon ay mga nagtatrabaho na at magaganda ang estado ng kanilang karera. “Kamusta ka na, Romana?.” “S—Sino ka? Ano ba ang atraso ko sayo?.” Tanong ng bakla na nakatali ang dalawang kamay habang sapo ang kanyang tiyan na paulit-ulit sinusuntok kanina n

